"Huwag po, huwag ninyong kunin ang kapatid ko mahal na mahal po namin siya ni Inay," pakiusap nang isang bata habang umiiyak. "Yolly anak, hindi naman mawawala sa atin ang kapatid mo, ipagagamot lang siya." Pagsisinungaling nang kanyang ina. "Tayo na lang ang magpagamot kay Cindy inay," humihikbing sabi nito sa Ina. "Yolly, wala kasing pera si nanay wala akong trabaho para panggastos sa operasyon nang kapatid mo." Mahabang sagot niya sa anak. "Kaya ba ipamimigay mo, na lang siya diba sabi mo mahal mo kami at sabi mo hindi dapat kami maghihiwalay. Bakit ngayon ilalayo nila si Cindy, sa atin?" umiiyak na tanong nito.
"Hindi mo ba ako naiintindihan huh! wala akong pera para ipagamot ang kapatid mo, bakit ba hindi mo ako naiintindihan? sana maintindihan mo ako Yolly, ngayon pang wala na ang tatay mo iniwan na tayo at sumama na sa iba." Galit na sagot nito kay Yolly. Tanging iyak lang ang isagot ni Yolly, sa kanyang Ina at tumakbo ito palabas nang kanilang bahay.
"Yolly, saan ka pupunta? bumalik ka dito Yolly!" ngunit hindi man lang huminto ito.
---
Alam ni Aling Laura, na galit sa kanya si Yolly pero wala siyang magawa upang pawiin ang galit nito. Hindi na niya maari pang bawiin ang kapatid nito dahil sa mga oras na ito ay nakalipad na papuntang america ang mga umampon dito iyon kasi ang sinabi sa kanya bago umalis ang mga ito. Ang pinangako naman nang mga ito ay bibigyan siya ng balita tungkol sa kalagayan nang bunso niyang si Cindy, pero hindi niya alam kong tutupad ang mga ito sa sinabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
MAHAL KO, MAHAL MO
RomanceMAHAL KO, MAHAL MO Author: NothingYouCouldDo Genre: Drama/Love story Dalawang taong pagtatagpuin ng tadhana ngunit hahadlangan ng isang taong puno ng galit. Andy Sandoval- mayaman ngunit naghahangad ng tahimik na buhay kasama ang babaeng minamahal. ...