****
Gabi pa lang inaayos ko na yung mga gamit ko.
May entrance exam kase kami.
Halata bang excited ako? College na ko sa pasukan.
"Nak, halika na. Kakain na tayo" si nanay pala.
"Sige nay sunod na lang ako" pumunta na ko sa hapag kainan pagkatapos kong ayusin yung nga gamit ko.
Habang kumakain kami, biglang nagsalita si nanay.
"Bukas na ba yung entrance exam mo anak? "
Uminom muna ako ng tubig bago ako nagsalita "Opo nay. "
Hindi na nagtanong si nanay at tinuloy ko na yung pagkain ko.
Pagkatapos naming kumain, nagprisinta ako na ako na lang yung maghuhugas. Kailangan ng magpahinga ni nanay. "Nay ako na yung maghuhugas ng pinggan"
"Sigurado ka ba anak? Gabi na. Maaga ka pa bukas" hay nako si nanay.
"Nay, yakang-yaka ko to atsaka madali lang ang paghuhugas ng pinggan. Matatapos ko rin agad" nakangiting saad ko.
"Osige anak, basta matulog ka na pagkatapos ah?"
Ngumiti na lang ako kay nanay at hinalikan ko muna yung pisngi niya.
PAGKATAPOS kong maghugas, pumunta na ko sa higaan ko.
Hindi ako makatulog dahil sa excitement.
Tinignan ko ang orasan at alas diyes na ng gabi.
Hindi parin ako makatulog. Pinikit ko na lang yung mata ko at nagbilang ako ng tupa gamit ang isip ko.
Ilang minuto lang ang nakalipas nakatulog na ko.
Gumising ako ng maaga para maagang makakapunta sa school para da entrance exam. Tinignan ko ulit kung okay na yung ga gamit ko.
Nang makita kong okay na nagpaalam na ako kay nanay "Nay alis na po ako"
Ngumiti siya "Mag iingat ka anak galingan mo sa entrance exam mo"
"Opo nay" lumapit ako sa kanya at yinakap ko siya.
"Paalam nay! "
Nasa jeep na ako. Medyo hindi pa masyadong traffic. Maaga pa kase eh. 6 am pa lang.
Di pa pala ako nakapag agahan.
May nakita akong karinderya kaso ang mahal ng ulam. 50 pesos tapos yung kanin 25 pesos. Kaya ang ending kanin na lang ang binili ko at toyo na lang ang ulam ko.
Sanay naman akong kumain ng ganto. Pag walang ulam ganito yung kinakain o di kaya bagoong o asin.
Malapit na palang mag 7:30 kaya minadali kong kumain.
Kinakabahan ako habang hinahanap kung saan ako mag e-exam.
Paano kung magmukha akong tanga dito? Mukhang mayayaman pa naman ang mga nag-aaral dito.
Palinga-linga ako. Hindi ko talaga alam kung saan ang room. Di ko pa kabisado 'tong paaralan na to.
May nakita akong babae na mukhang nag-aaral dito kaya nagtanong ako "Excuse me ho"
Lumingon siya sakin "What? "
Kinakabahan akong sumagot "Dito ka ho ba nag-aaral? Saan ho ba ang room ng mage-exam? "