Sabrina POV
Nakasimangot naman ako habang nakikinig sa dinidiscuss ng teacher namin sa harapan. Sayang talaga ang pagkakataon na iyon na masilayan ko ang crush ko. Minsan ko lang kasi itong makita dahil sa kadalasan ay may practice siya sa soccer at minsan naman ay busy siya sa pag-aaral niya. Naalala ko tuloy nung una ko siyang nakita. Pinilit nun ako ni Joyce na manood ng soccer para daw may kasama siya na magcheer sa pinsan niya. Nang nag-uumpisa na ang laro ay hindi ko maiwasan ang humanga sa kanya. Mas ako pa yata ang lumitaw na nagyaya kay Joyce dahil sa todo ako makacheer sa kanya. Ang astig niya kasing maglaro at napapatalon pa ako kapag nakakagoal siya. Napapangiti tuloy ako.
Napatayo naman ako dahil sa gulat ng narinig ko ang pagpalo ng isang bagay sa table ko. Napalunok naman ako ng makita ko ang librong ginagamit ng teacher namin na nasa desk ko. This is bad. Pagka-anggat ko ng tingin ay sumalubong sa akin ang istriktong tingin ng aming guro. Mataray ako nitong tinignan at inangat ang kanyang salamin bago nagsalita.
"Your not paying attention to my class Miss Valdez. At may oras kapa talagang tumunganga at ngumiti sa klase ko. If you're not interested to listen, you may go out." Mataray na sabi nito.
Bakit ko pa kasi iniisip iyon at hindi ko pa talaga napansin na ang teacher namin ngayon ay si Mrs. Marcos, ang pinakamasungit na teacher namin. Nasobrahan nga talaga yata ako sa pagd-daydream.
"Sorry po." Nahihiyang paghingi ko ng tawad kita ko pa ang bahagyang pagtawa ni Joyce na kasalukuyang nakaupo sa tabi ko. Napansin naman kaagad iyon ni Mrs. Marcos at mataray itong tinignan. Parang nanlamig naman ito at natigilan. Napatawa naman ako sa naging reaksyon nya at nalipat naman sa akin ngayon ang tingin ni Mrs. Marcos. Mas pinalala ko pa yata ang sitwasyon.
"Leave." Maikling sabi nito sa akin. Wala naman akong choice na kinuha ang bag ko at mga gamit ko. Nagpasorry pa ako ng minsan bago lumabas sa room. Ayoko ko na talagang mag-aral, nakakahiya!
Malas yata ako sa araw nato. Nakakainis! Naglakad naman ako papunta sa gym. Doon nalang ako tatambay. Ang alam ko ay may practice ng basketball ngayon si Axel. Im going to watch nalang. Tutal wala rin naman akong ginagawa. Before I go to the gym, I buy snacks to eat and to share it with Axel teammates.
Hindi pa ako pumapasok sa gym ay maririnig muna ang mga kaluskos ng mga sapatos. Pagkapasok ko naman ay agad ko silang nakitang naglalaro. Nakita ko naman si coach Kyle sa isang tabi na nakaupo habang mino-monitor ang mga galaw nila. Nang mapansin ako nito ay ngumiti ito sakin. Kumaway naman ako at ngumiti ng pabalik. Agad namang bumalik ang atensyon niya sa mga naglalaro at ako naman ay umupo.
Binuksan ko ang isang chichirya at sinimulan ko itong lantakan habang nanonood. Nabaling ang atensyon ko kay Axel ng nasa kanya na ang bola. Bigla itong napatingin sa direksyon ko at mabilis na naagaw sa kanya ang bola. Nawala yata ang focus niya dahil sa akin. I think he didn't expect me that I will be here in the gym because I have a class.
Pumito naman si coach Kyle at sinabi muna na magpahinga sila. Napansin naman nila na nanonood ako at papunta sila sa direksyon ko, nasa tabi ko kasi ang inumin nila. Itinaas ko naman ang binili ko at ngumiti sa kanila. Nagmadali naman silang lumapit sa akin. Tumayo naman ako at nakipag-fist bump isa-isa sa kanila.
Madalas kasi akong pumunta sa gym kasama si Axel, minsan ay para panuorin siyang maglaro o kaya naman ay hinintay ko siya para sabay kaming umuwi kaya naging ka-close ko na ang mga teammates niya pati narin ang coach nila. Kapag kasi nananalo sila ay nagcecelebrate sila ay sinasama nila ako kaya pati coach nila ay parang naging katropa ko narin. Masaya nga silang kasama dahil halos sa kanila ay may pagkabaliw at nakakasawa narin kasi na kasama si Axel na masungit.
BINABASA MO ANG
Always With You
RomanceWe are always together until our feelings grow and develop for each other. But in the end, can we still be together? "Pagod na ako Axel, sobra. Ako nalang ba palaging lalaban sa ating dalawa?" - Sabrina Gail Valdez "I know you're tired but please do...