-1-
"Kill her." Malamig nyang sinabi at tintitigan ang babae habang ummiiyak ito. Tumalikod na sya at lumakad papalayo.
"Huwag please! I'm begging you! I-I'm inn-Aaaah!" Sigaw ng isang babae. Walang awa o hesitation syang pinatay ng dalawang lalaki. Nang marinig nya ang sigaw ng babae, isang malademonyong ngiti at ipinakita nya. Sya si Pierre Vincent Walker, sya ay isang Legenary Vampire, Lords of Lords, Kings of Kings of the "Roaring Lion of the Night". Sya na lang ang bukod tanging Pureblood ngayon. Pinatay ang kanyang mga magulang ng isang kalahi nila. Dahil dun, sa paglaki nya ang ginawa lamang nya ay nagtrain ng nagtrain upang lumakas ng lumakas para lang maihigante ang kanyang mga magulang. 10 taon pa lamang sya noon nakapatay na sya ng madaming Vampire na kasabwat ng lalaking kinamumuhian nya.
Pero matagal na nyang iniisip kung sino ang pumatay sa kanyang mga magulang. Ang bukod tanging hint lang ang lagi nyang nakikita ay "RB" na may korona na kulay itim sa bandang gitna nung letra. Matagal na nyang pinapahanap sa kanyang mga alagad ang marking ito pero kahit isang document wala silang nakita, kaya lalo syang nagpursue maghingante.
"Young master" Sabi ng isa nyang alagad at nilapitan ito habang nakatungo para bigyan ito ng respeto.
"What?" A very cold stare was given to her. Ngumiti ang babae, Binigay nya ang isang imahe ng babae, pero bago man makasalita si Pierre nakasalita na kaagad ang babae.
"Young master, as you can see that girl in the picture is a vampire...," saad nya. Tinaasan ni Pierre ng kilay ang babae. "And?" walang emosyon nyang sabi. Wala sya masyadong pakealam sa mga vampira o tao. Ang mahalaga lang para as kanya ay mahanap ang lalaking pumatay sa magulang nya at sa angkan nila.
"Young Master, sabi rin ni Anton that she has a tattoo." Napatingin si Pierre dun sa imahe. Habang nakatingin si Pierre dun sa imahe tinuloy na nung babae ang ibang impormasyong sinabi ni Anton sa kanya. "Ang babae pong yan ay may malakas at kakaibang kapangyarihan." Bahagyang napangiti ang lalaki sa narinig nya. "At Young Master..., Ang babaeng po yan ay kamag-anak ng kinamumuhian mong tao that killed your parents, may malakas at kakaibang kapangyarihan sya ngunit hindi nya alam ito at hindi nya rin alam na vampira sya. " Sa sinabi nyang iyon niyukom ni Pierre ang kamao nya at biglang nasunog ang imahe ng babae. Pumula ang kanyang mga mata at tumingin sa langit kung nasaan ang isang Full Moon. Ngumiti sya ng malademonyo, "Interesting, I'll come." pagkasabi nyang iyon pumula ang mga mata ng kasama nya at wala sa oras naglaho sila ng parang bula.
---
-K I N A B U K A S A N-
May isang magandang babae, nagaayus ng kanyang gamit at handa na pumasok. Bumaba na sya sa hapagkainan at kumuha ng isang tinapay at kinain nya ito.
"Ma! Alis na ako!" sigaw nya habang patakbo palabas ng kanilang bahay. "Mag-ingat ka!" Pahabol ng kanyang ina, ngunit hindi nya ito naihabol at nakaalis na ang kanyang anak. Naramdaman ng kanyang ina na may masamang mangyayari. Ngunit di nya alam kung ano ang masama. Kabado syang lumonok at pinagpatuloy ang pagluluto.
Habang nasa daan sya papuntang paaralan, hindi nya maiwasan mailing dahil sa nararamdaman nyang kakaiba. Kinakalibutan sya dahil sa malamig na hangin na pumapalibot sa kanya kasama na rin ang isang Lalaki na nakakulay black ang damit nya na tinititig sya neto. Tumakbo bigla sya dahil sa takot, kumakabog ang kanyang dibdib 'cause of what she encountered.
"Jessica!" sigaw ng kanyang isang kaibigan. Lagi rin sya palangiti.
"Kamuuustaaaa?" Tanung nya kay Jessica habang taas-baba ang kanyang kilay. Natawa sya ng wala sa oras dahil sa asal ng kanyang kaibigan.
