Dedicated to: YvonneArellano5 JewellHermioneSV18 Rochelle830
"I'll discuss the rules and regulations of this school later, after your class. For now, it's time to meet your students." Pormal na sambit niya na para bang hindi nya sinabing namiss nya ako.
"Sir, ako nalang po yung mag-oorient kay Ms. Magdayao since ako naman lagi ang mga nag-oorient sa mga bagong faculty."singit ng isa.
"Mr. Matsunaga, hayaan na natin si Sir Christian doon ha. Hahaha. Ayaw mo naman sigurong mawalan ng trabaho no?" Nakangiting sambit ni Sherby kay Mr. Matsunaga.
Nalilito man ay tumango nalang si Mr. Matsunaga.
The party went well except those awkward stares from Sir Christian followed by his faculty and Sherby's.
Is it a wrong move to moved here?
"Hatid na kita sa room mo." Anyaya ni Sherby. Tumayo ako't magalang na yumuko sa kanilang lahat lalo na kay Sir Christian.
"Can I come?" Tanong ni Little Prince.
Tumingin naman si Sherby sa'kin pati si Sir Christian, naghihintay ng sagot ko.
"Sure."
"Bye, Dad!" sambit ni Little Prince nauna na nga sa'min.
"I'll see after your class." Bilin ni Sir Christian. Tumango lang ako't naglakad na paalis.
Hindi ko na kayang magtagal pa ng isang minuto doon.
"Thank you, Sir Sherby" magalang na pasasalamat ko.
"Oh! C'mon! Drop the 'Sir''
"Pero"
"Drop it. Hindi naman ako dito nagtratrabaho or guro so drop it. I'm a business man right now."
"Business man?"
"Well, I am but in action lang since kuya is so busy in this school and your comeback so, yeah. I'm a business man. Heyah!"
"Ok. If you say so. Thank you again, business man."
Nakangiti naman sya yumuko at naglakad paalis.
Ang laki ng pinagbago si Sherby. Dati ay tahimik at palaging seryoso sya pero ngayon ang daldal at ang jolly nya. Hindi ko naisip noon na magiging ganito sya. Ibang-iba sa dati nyang pagkatao.
"What is that?" Tanong ko kay Jastice, the little Prince nang isang araw ay maabutan ko syang nagbabasa.
Simula nang lumipat ako sa school na'to ay araw-araw nang nandito si Jastice sa office ko kahit may klase ako buong araw ay nandito lang sya sa office ko't hinihintay ang lunchbreak kung saan sabay kaming kakain ng pagkaing hinahanda ni Dester.
"English-Tagalog Dictionary" habang patuloy sa pagbabasa ng hawak na libro.
"You knew how to read? How old are you?"
Tumigil sya sa pagbabasa at tiningnan ako.
"Yes. Four years old." Maikli nyang sagot.
Napangiti nalang ako sa kanya. Nasanay na akong ganyan sya kung sumagot. Maiikli lang pero straight to the point naman. Manang-mana sa Daddy. Tsk!
"Titser??" Tawag nya sa'kin. May pagtataka nya akong tiningnan at nag-isip ng malalim.
"Is it 'titser', the tagalog word of 'teacher'?"
Napangiti naman ako sa kanya nang maalala na yun yung lagi nyang tawag sa'kin. Akala nya talaga siguro ay yun ang tagalog ng 'teacher' dahil yun ang narinig nya doon sa probinsya nung una kaming nagkita.
"Nope."
"But I heard it from that girl." Tukoy nya kay Ella. Estudyante ko doon sa probinsya.
"She's kinda pronounced it a little off but what she's trying to say is 'teacher'. She's just a kid and Bisaya so, she pronounced 'e' to 'i' and a lot of letters off bit."
"Is that so??"
"Yes. In fact, the tagalog word of teacher is 'guro'."
"Ok, guro."
Napangiti naman ako't hinanda na ang kakainin namin samantalang sya naman ay nagpatuloy sa pagbabasa.
"Titser? I mean, guro, the food.. Ahhmm? Is it you, who prepared it?"
"No. I don't know how to cook. Why did you asked, anyway?"
"Ahhmm? N-nothing." Sabay iwas ng tingin.
"Really??"
"I just wanted to suggest if I can bring Dad's dishes here. I mean, this food..." Sabay tingin sa pagkaing hinahain ko.
"This food is delicious but Dad's dishes are the best. I wanted you to have a taste of it."
Napangiti ako kahit na nag-aalanganin. Totoong masarap magluto si Sir pero kailangan ba talagang paglutuin namin sya? Nakakahiya naman yun.
"Baby, how about you pack your own meal and I'll do the same. More dishes to share, right??"
"No. Let's just eat Daddy's dishes only."
"Baby, your Daddy is a busy bee so we should not..."
"No. He suggested this idea."
"W-what?"
"N-nothing." At sinubo ang isang kutsarang puno ng kanin.
Wierd.
Wala na akong nagawa kundi pumayag nalang sa gusto nya.
Bumalik ako sa classroom ko at naiwan naman sya doon sa office kong nagbabasa ng Dictionary.
"Nakatulog sya habang naghihintay sa'kin." Sabi ko kay Sir Christian nang sunduin nya si Jastice sa office ko.
Dahil nga sa araw-araw na nasa office ko si Jastice ay araw-araw din syang sinusundo ni Sir Christian dito.
"Thank you for taking care of him and sorry if he bothers you."
"No. It's ok. Nothing to worry about." Inalalayan ko si Sir sa pagbubuhat nya sa tulog na si Jastice.
Dala-dala ang bag ni Jastice ay hinatid ko sila sa parking lot.
"D-dad??" Inaantok na sambit ni Jastice. Nagpalinga-linga ito at nang mahagip nya ako ng tingin ay saka lang ito tumigil.
"Dad, you're going to prepare our meals for tomorrow. Teacher agreed to it."
Tumingin sa'kin si Sir. Ngumiti lang ako't lumapit kay Jastice.
"Sleep now, sleepy head. See tommorow." As I pat his head.
Pumikit naman ito at bumalik na sa tulog. Dahan-dahan itong binaba ni Sir sa sasakyan at sinara ang pinto. Umikot ito para makapasok sa driver's seat nang...
"Masyado syang mapilit kanina kaya pumayag nalang ako. W-what I mean to say is, just prepare his meal. D-don't mind me. I'll prepare mine too." Pagpapaliwanag ko. Kinakabahan ako na ewan na awkward na ewan! Ah! Ewan!
"Bye!" Mabilis kong sambit saka tumalikod at nagsimula nang maglakad.
"I'll prepare our meal for tomorrow."
Napahinto ako't liningon sya.
"Our?" Tama ba yung pagkakarinig ko?
Our? Dba dapat 'your'? Pag 'our' kasama sya dun, dba?
"Yes. Our meal. Let's eat lunch together. The three of us."
"Ha?"
"If you're ok with that?"
"S-sure. I mean, no. Ah. Yes. No. No. I mean, y-yes. Ahmm? No. Oh. That's not what I mean."
"I'll take it as a yes. See you tomorrow."
And drove off.