"Basta Selene manliligaw ako." Determinadong sabi ni Joshua sakin. Napatulala ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko inexpect na manliligaw siya. Akala ko ay biro-biro lang yung sinasabi niyang gusto niya ako. Akala ko inaasar niya lang si Axel na may gusto din sakin.Napakurap-kurap ako at inayos ang pagkakaupo. Nandito kasi kami ngayon sa classroom. Kasalukuyang break time kaya konti lang kami dito. Nilibot ko ang paningin ko kung may nakarinig pero mukhang wala naman.
Busy sila sa assignment namin sa Math. Next subject na kasi yon.
Huminga ako ng malalim bago magsalita.
"Joshua.. Nagbibiro ka lang diba?" Kinakabahan kong tanong. Oo gusto ko si Joshua. Pero baka kasi mamaya pinag ti-tripan niya lang ako. Ayokong umasa. Since grade 7 ko pa siya crush. At alam kong si Shane ang gusto niya at di ako.
"Hindi. Seryoso ako. Liligawan kita."
"Ano ba Joshua.. Hinaan mo yung boses mo baka may makarinig.."
Nahihiya ako. Baka tuksuhin na naman ako ng mga kaklase ko. Alam nilang inaasar ako ni Joshua, at baka asarin din nila ako.
"Ano naman? Eh mas mabuti nga yon para alam nila na nililigawan kita."
Sumeryoso ako dahil sa sinabi niya.
"Joshua.. Pwede ba, hindi nakakatuwa tong biro mo. Alam kong si Shane ang gusto mo at hindi ako."
"Nagkakamali ka. Grade 7, 4th quarter ng magsimula akong magkagusto sayo. Lahat ng messages ko sayo totoo."
Paliwanag niya. Nagte-text kasi kami tuwing gabi pag wala ng ginagawa. Nabanggit niya na gusto niya ako pero hindi ako naniwala kase alam kong nagbibiro lang siya. Pero meron konti sa isip ko ang umaasang totoo ito.
"Pero—"
"Wala ng pero pero, liligawan kita sa ayaw at gusto mo." Hindi niya na ako pinatapos. Mukhang nainis na.
Pasimple siyang humihiga sa balikat ko pag umaalis na ang teacher namin. Hinahayaan ko na lang dahil kahit anong klaseng pagpapaalis ko sa kaniya ginagawa pa din niya ulit. Nakakailang man dahil ramdam ko ang tingin ng mga classmate namin. Ipinagsawalang bahala ko na lang kahit na naiilang na talaga ako.
"Joshua bumalik ka na nga sa upuan mo." Pasimple kong bulong habang nasa libro ang mga mata ko. Mukhang wala siyang narinig dahil hindi siya sumagot kaya naman lumingon ako sa kaniya.
Gulat akong napaatras dahil muntikan ko na siyang mahalikan dahil sa sobrang lapit niya sakin! Nakatingin pala siya sakin buong oras. Arghh! Ano ba to si Joshua!
Nag-init ang magkabila kong pisngi dahil sa tingin niya. Pasimple kong tinulak ang mukha niya papalayo sakin para di niya makitang namumula na ako sa hiya.
"B–Bumalik ka na nga sa upuan mo. Ilang minto na lang ang mag-uuwian na.." Mahina kong saad.
Nagulat ako sa biglaan niyang pag kurot sa pisngi ko. Nang dahil doon mas lalong uminit ang pisngi ko.
"Ang cute." Natatawa niyang saad. Napasimangot ako dahil sa pagtawa niya. Hmmp! Mukhang pinagkakatuwaan ako ng gwapong to.
"Bumalik ka na nga don!" Pagtataboy ko sa kaniya pero tumawa lang siya bago tumayo.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Napangiti na lang ako ng wala sa oras.
*ringgggggggggggg*
*ringgggggggggggg*
Inayos ko na ang mga gamit ko. At hinintay sa labas si Andrea.
4th periodical test na pala namin sa thursday kaya kailangan ko ng mag review. May 1 day pa ako para mag review. Not bad.
-
YOU ARE READING
Please, Love me again
Любовные романыBakit pag ang lalaki may ginagawang kasalanan sa babae, sobrang laking kasalanan. Tapos nag sorry kay girl, madaling pinapatawad ng babae kase mahal nila yung lalaki. #KahitKailanAngRupokTalagaNgMgaBabae Pero kapag ang babae, nakagawa ng kasalanan...