Kiss Me Just Once

710 21 0
                                    

IG post: [photo]
Alexis: Ano ang problema mo?? Well hindi ko alam dahil hindi naman ako mind reader o si madam Auring. Ang alam ko lang eh ang sarili kong problem!! Natural problema ko eh kaya alam ko but don't worry hindi ako madamot kaya i'll share my problem to you baka sakaling matulungan mo ako. Sana...

My problem is VIRGIN PA ANG LIPS KO! @robert KISS ME JUST ONCE pls ^_^

Hay naku itong si Alexis nagdadrama na naman sa IG! Nagpost ba naman ng photo with matchang those caption sobrang lokaloka talaga!

Anyway ako nga pala si Chandria ang super bff ni Alexis na halos twin sister na kami kung titignan. Matapos kong mabasa kahapon sa IG yung post niya naloka na talaga ako eh paano naman naka-tag iyon sa super crush niya na si Robert. Ang super gwapo na talented hunk ng University namin while Alexis is not ugly at all dahil nga magkamukha kami kaya maganda siya pero kung titignan lamang lang siya sa akin ng konti mahaba lang kasi ang legs niya kompara sa legs ko. Ang bff ko ay matalino din kaya lang minsan hindi nagiisip bago magpost sa IG.

Nandito ako ngayon sa gilid ng field naglalakad papunta sa auditorium doon kasi ang class ko ngayon. Habang naglalakad ako halos lahat ng mga sinasabi nila eh tungkol doon sa post ni bff well as I expected issue na naman ito sa buong campus.

"Shimay parang may kaguluhan yata sa loob nang auditorium!!"

Takbo..

Takbo....

Takbo.....

Hindi ko alam kong ano ang gagawin sobra akong nabigla sa nakita ko! Kaya pala nagsisigawan ang mga schoolmates namin magkaharap si bff at Robert, nakatitig sa mukha ng bawat isa na parang hindi mapaghiwalay. Walang imikan na nagaganap at parang tensyunado na ang atmosphere yong parang nakakailang na ang paghaharap nila paano naman kasi si Alexis deads na deads, matalino nga shunga naman pagdating kay super crush niya.

"Ugly frog you want me to kiss you? Tell me if you want! Hanggang IG ka na lang ba?"

"Gusto ko! Go ahead halikan mo na ako!"

Itong bestfriend ko napakaKAPAL na talaga ng face well i need to end this shit!

Bilis akong tumakbo at saka hinila si bff palabas ng auditorium. Nabigla ang lahat sa ginawa ko pero ayoko na mapahiya si bff sa lahat ng mga tao dito magalit man siya sa akin tatanggapin ko ang galit niya wag lang siyang mapahiya sa madla.

"Bakit mo ako hinila dito hahalikan na ako ni Robert! Ang epal mo naman Chandria akala ko ba bff kita pero bakit pinagkakait mo ang happiness ko?"

Alam ko bff magagalit ka pero this is for your own good. Hindi ko hahayaan na mapahiya ka paano naman kung pagtawanan siya ni Robert doon sa loob at laitin.

"Bff i just...."

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko sa kanya tinalikuranna niya ako agad.

Natapos na ang class ko ngayon pero mula kanina hindi ko makita si Alexis, hindi rin siya matawagan saan na kaya nagpunta ang babaeng yon?

Palakad lalad na ako ngayon dito sa Cafeteria medyo maaga pa para umuwi ako agad isa pa I need to see her para makapagexplain. Bumili na lamang ako at lumabas doon ko na lamang kakainin ang binili ko sa mini-park dito pa rin sa loob ng campus.

Nagulat ako ng may bigla na lang lumutang ang pagmumukha ni Robert sa harap ko na parang may pinahihiwatig na hindi maganda.

"Anong ginagawa mo dito?!"

Hindi siya sumagot tapos ngumiti siya at nilapit ang mukha niya sa akin at may sinabi siya. Tapos bigla ko na lamang narinig ang boses ni Alexis mula sa likuran ko.

"Chandria! Bestfriend ba talaga kita??!!"

"Let me explain ... Alexis hindi kami- i mean wala kaming relasyon. Bestfriend kita hindi kita kayang saktan"

"Your not my besfriend anymore, magsama kayong dalawa!"

"ALEXIS!!! wait! Let me explain please" hinabol ko pa siya pero tumakbo siya agad.

"Hoy! ikaw bakit hindi ka man lang nagsalita? Gago ka ba!!!"

"Fine I'll fix it"

Umalis na agad si Robert at hinabol si bff ako naman ito umupo na lang ulit at timuloy ang pagkain ko.

"Alexis wait let me explain"

"Robert I know nakakahiya akong babae. Sorry kong pinagsiksikan ko ang sarili ko sa iyo sorry kong hadlang ako sa inyo ng bestfriend ko. Hindi ko alam na gusto mo pala siya sana hindi na lang ako nagpost sa IG. But can you kiss me just once... for once tapos iwan mo na ako agad or lilipat nalamang ako ng University. Hindi na kasi yata kaya ng lips ko ang manatili na virgin pa not unless hindi ikaw ang hahalik sa akin."

"Silly! Wala akong gusto sa bestfriend mo at lalong lalo na ...."

"Sa akin! Yes I know wala kang gusto at hindi mo ako magugustuhan ever."

Malapitan ko na nga siya para na kasi siyang witch kakaiyak. "Alexis you own my kisses till eternity!"

"Nagbibiro ka ba? Ni hindi mo nga ako niligawan tapos sasabihin mo na I own your kisses? Sira ka na ba!?"

"Matagal na akong sira, sorry natotorpe lang po ako aking reyna at kaya ko lang naman nilapitan kanina si Chandria para sabihin sa kanya na safe ang puso mo sa akin"

"O ano pa ang hinihintay mo, kiss me now"

"Nasaan na ang phone mo?"

"Bakit mo nama hinahanap ang phone ko?"

"Baka kasi nais mong magpost sa IG, do you?"

My gosh kinikig ako ako ng MUCH! Syet na saan na ang phone ko!!!? "Naiwan ko ata ang phone ko sa bag ko!"

"So next time na lang ba natin itutuloy ito?"

"No need of next time Robert and Alexis! I'm your paparazzi tonight! So you may kiss now"

"Chandria! Bff thanks!"

Oh my gosh!! Shemays first time ko makakita ng live kissing scene SO HOT!!

Yong tipong JADINE lang ang peg nila. Nainggit naman ako ng slight haha.

IG post: [photo]
Alexis: Kiss Me Till Eternity @robert sarap naman mahalikan lalo na ng taong mahal mo at mahal ka din ... till the next kisses we had chiao! @chandria hanap ka na ng hahalik sayo ^_^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kiss Me Just Once (oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon