-

36 3 2
                                    

Tahimik lang akong nakaupo sa last row habang naiinip na nakikinig sa guro namin. I don't know but I find Science boring.

Andameng formulas at kung anong cheche bureche na nakalagay, dinaig pa yung math, tupangina.

Hinipan ko yung hibla ng buhok na nahuhulog sa harapan ng mukha ko at kinuha ang lapis, drawingin ko kaya ang mukha ng seatmate ko?

His face looks funny. Tumutulo na yung laway tsaka ang gulo ng kulot niyang buhok. Sa lagay na yan, hindi siya mapagkakamalang hearthrob ng skwelahan. Para siyang ano-

Parang- basta ano.

"Tsk tsk, Acosta nga naman oh..." naiiling na bulong ko at binaling ang tingin sa blankong papel. Hmmm, where should I start? Should I start with his eyes? With his hair? Or with his saliva? HAHAHAHA.

"Ms. Clemonte, please stand up and answer the formulas in the board" Nanlaki ang mga mata ko ng tawagin ang aking apilyedo at pahinay hinay na tumingin sa harapan.

"Ms. Clemonte"

OO NA, OO NA, TATAYO NA, HINDI AKO BINGI.

Inis akong napatayo at nagmartsa patungo sa unahan, kumuha ng chalk at tinitigan ang board.

Poon, sana po may himalang mangyari ngayon, sana po may tumulong sakin o kundi tawagin ng isang estudyante sa kabilang section si Ma'am tas palalabasin at papupuntahin sa principal's office. Sana po may emergency teacher's meeting-

"We're waiting for your answer Ms. Clemonte.."

WALA NAMANG NAGSABING HINTAYIN AKO EH HUHUHU.

Please po, kahit kaunting awa nyo na po, please, please, please... TULUNGAN NYO'KO PLE-

"Huh? Nasaan ako?!"

Worlds ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon