Minerva

62 2 2
                                    

Lahat sila ay napapatingin. Tila may kung anong hipnotismo ang humihila sa kanila upang humanga. May mga sumusuri at pilit na hinahanapan ng mali. Ngunit ang lahat ay perpekto.

"Carmela, sama ka mamaya ha." aniya ni Keith.

"Uhm.. Pwede ko ba siyang isama?" Tanong ng dalaga at itinuro ang kasama niya.

Napangiwi naman ito at alanganing tumango. "If you want to. I'll go na."

Nakipagbeso naman ito bago tuluyang umalis. Mayroon pang bumati sakanya habang naglalakad sa pathway ng school.

Yumuko na lang ako at sumunod lang sakanya.

Matangkad, natural at mahaba ang tuwid niyang buhok, maganda ang hubog ng katawan, makinis, may maamong mukha at higit sa lahat ay walang maipipintas sakanya.

Sana gaya niya rin ako, katulad ni Carmela Doreen Alcortez. Hinahangaan, pinupuri at gusto ng lahat.

                                                **"*********************************

"Minerva... Wake up.."

"Hmm.. Alas-dose pa lang ng madaling araw. Saan ka pupunta?"

Pinilit kong bumangon at napansin kong bihis na bihis siya. Hindi ko maiwasang mainggit sa suot niya. Sana kaya kong bumili ng ganyang damit..

"Sasamahan mo ako diba. Hindi naman tayo magtatagal dun.. Saka.. Pupunta rin si Sky.. Ayaw mo ba siyang makita?" At saka ngumiti ng makahulugan.

Napangiti naman ako bigla sa sinabi niya. "Uuwi tayo ng 3am. May exam pa ako mamaya.."

Excited siyang tumango at alam kong ito ang magpapasaya sakanya.

Maingay at halos buhay na buhay ang mga taong sumasayaw sa gitna. Inilibot ko ang tingin ko at napangiwi na lang. Ito ba ang madalas puntahan niya? Hinila niya ako papunta sa gitna pero nung makita niya ang mga kaibigan niya ay iniwan rin ako bigla.

Umupo na lang ako sa gilid at naghintay. Baka sakaling makita ko siya... Para namang dininig ang dasal ko nang umupo siya sa tapat ko. Nginitian ko siya pero tiningnan niya lang ako.

Yumuko na lang ako at nung nilingon ko ulit siya ay kasama niya na si Carmela. Parang may kung anong tumutusok sa loob ko kaya humigpit ang pagkakahawak ko sa laylayan ng palda ko.

Maya maya pa ay may umupong dalawang babae sa tabi ko.Katulad ni Carmela, magaganda at sikat din sila.Napapikit ako ng tapunan nila ako sa ulo ng kung anumang iniinom nila.

"Oh, look... Pathetic ha?" Saka sabay silang tumawa.Hindi ako umimik.Kaya binuhusan pa ulit nila ako.

Hindi ko na kaya to. Mabilis akong tumayo at tinalikuran sila. Pero may biglang humila sa buhok ko at itinulak ako papunta sa sahig.

MinervaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon