"O, ANO. Ginalit mo na naman si Belle," ani Piero na lumapit sa kanya. Kasunod nito si Lievan.
Inalis niya ang paningin sa galit na babaeng palayo doon.
"Wala naman akong ginagawang masama ah! Bakit galit na galit iyon sa'kin?"
"Wag ka nang magmaang-maangan, Jayden. Hindi bagay sa'yo," iiling-iling na sabi ni Lievan.
Natawa siya sa sinabi nito.
"Kung nililigawan mo na ba si Belle, hindi mo na kailangang galitin siya para mapansin ka."
Umubo siya ng malakas sa sinabi nito.
"Excuse me, Piero. Wala akong alam sa sinasabi mo. I don't like women with the likes of her. My women are sophisticated ang high quality."
"Sinasabi mo ba'ng low quality si Belle? Her lifestyle may not be that good. But low quality?"
"Wala akong sinasabing low quality siya, Lievan. Ayan ka na naman sa pagiging pusong mamon mo eh. She's in the middle. Not high, not low. Satisfied?"
"She's beautiful."
Napatinging siya sa nagsalita. "Type mo ba siya, Piero?"
Nagkibit balikat lamang ito. Lalong nangunot ang noo niya.
"Jayden, kung hindi mo talaga type si Belle. Bakit ansama ng tingin mo kay Piero?" natatawang sabi ni Lievan.
"Ha? Ako? Pinaglololoko mo na naman ba ako, Lievan? Diyan na nga kayo. Uuwi na rin ako."
"Ikaw lang naman ang mahilig manloko dito, Jayden," tumatawang pahabol ni Lievan.
Hindi na niya pinansin iyon. Nagpatuloy na lang siya sa paglakad.
Hindi niya gustong mag elaborate sa mga ito. Hindi naman niya estudyante ang mga ito. Basta wala siyang gusto sa maangas na si Belle. Period!