"ARE you alright?" ani Jayden habang hinahagod ang likod niya.
Ang pagkasamid ni Belle kanina ay nauwi sa pagsuka.
Nasa comfort room sila noon. Nakaharap siya sa toilet bowl habang doon inilalabas ang lahat ng laman ng tiyan.
"S-sa tingin mo ba ayos...lang akoh?" sabi niya dito nang magkaroon ng pagkakataon. Muli na naman siyang nagsuka.
Inabutan siya nito tabong may tubig.
"Sa susunod kasi 'wag kang iinom ng madami-- bakit mo ininom yan? Kinuha ko lang yan sa gripo dito sa banyo. Panghilamos at pangmumog lang yan."
Hinablot nito sa kanya ang tabo na naglalaman ng tubig. Wala na itong magagawa, nainom na niya iyon.
Ito na ang naghilamos sa kanya.
Tinabig naman niya ang kamay nito.
"Kaya ko ang sarili ko."
"Hindi mo na kaya."
Sa totoo lang ay gusto na niyang matulog doon. Pakiramdam niya ay walang mangyayaring masama sa kanya lalo na at inaasikaso siya ni Jayden. Hindi niya alam kung epekto lang ng alak ang nararamdaman niya pero aminado siyang noon lang siya nakaramdam ng ganoon. At sa lalaki pang ito.
"Alam mo, nakakaantok ka," sapo niya ang ulo habang nakatingin dito.
"Ako?" natatawang sabi nito. "Lasing ka na nga. Halika na. Kailangan mo nang matulog."
Itinayo siya nito at inalalayan sa paglabas doon.
"Hindi pa ako lasing. Kaya ko pang lumakad mag isa." Pilit siyang kumawala dito. Kung anu-ano kasing emosyon ang nararamdaman niya sa bisig nito. Mga emosyon na
pinilit niyang limutin for three years.
Subalit gumewang siya ng pakawalan nito. Mabuti na lang at nasalo siya ng lalaki.
"Napakaliit mong babae pero napakatigas ng ulo mo."
"Bitiwan mo nga ako. Sinabi nang kaya kong mag isa. Bakit ba ang kulit mo?" Muli siyang kumawala dito.
Bigla naman siyang pinakawalan nito. Nawalan tuloy siya ng balanse at muntik nang humalik sa simentadong sahig. Mabuti na lang at muli siyang sinalo nito.
Sa pagkakataong iyon, naramdaman na lamang niya ang pag angat niya sa sahig. Binuhat na siya nito.
"Ano ba? Ibaba mo ako, I don't need your help," ramdam niya ang hilo kaya naghanap ang kamay niya ng makakapitan. Sa batok nito dumapo ang braso niya.
"Shut up, Belle. Ganyan ka ba talaga magpasalamat sa taong tumutulong sa'yo?"
"I said, I don't need your help." 'Syet! Ano ba itong ginagawa mo, Jayden? Bakit bigla ka yatang naging concern sakin? At bakit ganito nalang kabilis ang pintig ng puso ko?'
"O, ano namang nangyari diyan?" salubong ni Maryjean sa kanila. "Katatapos lang naming asikasuhin si Roselle, sumunod naman itong si Belle. Mukhang ikaw yata ang naitaob ni sir Jayden ah, Belle?"
"Maryjean, pakisabi nga sa lalaking ito na kaya ko ang sarili ko at hindi ko kailangan ng tulong niya?"
"Pakisabi nga rin sa babaeng ito, Maryjean, na lasing na siya at hindi na niya kayang maglakad?"
Natawa na lang si Maryjean.
"Iuwi mo na iyang si Belle, Jayden. Matigas lang talaga ang ulo niyan."
Tumango ang lalaki.
"Pakisabi nalang kay Piero na umuwi na ako."
Binuhat siya nito hanggang sa paglabas nila ng bahay ni Roselle.
"Kung gusto mong magpakahirap sa pagbuhat sa akin. Bahala ka na. Napakakulit mo palang tao," sumusukong sabi niya. Pumikit siya. Hinihila na talaga siya ng antok.
Hilong hilo siya. Inihilig na lang niya ang ulo sa dibdib nito.
Ah, sa susunod hindi na siya iinom ng madami. Kung anu-ano kasing emosyon ang nararamdaman niya.