Pinaglololoko Ba Ko Ng Tadhana?

1.6K 41 10
                                    

Napupuno ang buong field ng aming unibersidad ng ingay ng mga kapwa estudyante ko na nakaupo dito sa damuhan ng soccer ball field. Tila isang palengke ang aura sa lugar na ito dahil sa mga babaeng naglalaro ng volley ball, mga batang naghahabulan at nagtataguan sa ilalim ng araw, mga lalaking nagsisigawaan ng plano para sa kanilang mga minamahl, mga magkasintahan na masyadong abala sa pag hahanda para sa nalalapit na Valentines Day.

Lahat sila, busy. Samantalang ako, naririto lang sa nag iisang puno ng mangga sa eskwelahan na ito at nakasandal. May dalawang piraso ng bagay na nakasaksak sa magkabilang tenga ko na tumutugtog ng sikat dating kanta ni Katy Pery na Thinking of You. Sa gayon, hindi ko maririnig ang ingay ng mga tao.

Nakapikit ako. Dinaramdam ko ang hangin. Pero sadyang bwisit ang tadhana.

“Aray!” sabay himas ko sa ulo ko. Dumilat ako. Nakita ko ang isang lalaking nakapang soccer. Siguro isa to sa mga nageensayo para sa nalalapit na laban.



“Miss ok ka lang ba?” tanong niya sakin na wari ay nagaalala.

“Tingin mo ok ako?” yan sana ang gusto kong sagutin. Pero hindi tama.

“Ah ok lang.” sabay himas ko. Medyo analog ang ulo ko roon ah.

“Sorry talaga ha? Di ko kasi nasalo yung bola. Masyadong malakas ang pagkakasipa ng kaibigan ko. Eto oh.” Inabutan niya ko ng isang bote. May nakalagay don na pain killer.

 

“Hindi ok na. Di ko na kailangan niyan.”

“Sorry talaga ha? Ako nga pala si Zion Fernandez. Ikaw?”

“Alyssa Marasigan. Sige na. Ok lang talaga ako. Baka hinahanap ka na ng mga teammates mo.” Nginitian niya ko kaya’t yun din ang ginawa ko.

“Sige! See you around! Accounting ka rin pala!” umalis na siya ng kumakaway. Accounting rin ba siya? Bakit hindi ko siya kilala?

Natapos ang mga sununod na araw. Pasok, kain, gawa assignment, tulog, pasok, gawa assignment, tulog. Walang pinagbago sa araw araw kong gawain. Pero nagbago ang lahat nang may nabangga akong isang matandang lalaki.

“Pasensya na po lolo. Hindi ko po kayo nakita.” Nagmamadali na kasi ako papasok sa aking klase na 5 minutes na lang ay magsisimula na at nandito pa ko sa labas ng gate.

“Ikaw ba ay si Alyssa?” nagulat ako nang malaman niya ang pangalan ko.

“P-papaano niyo po nalaman?”

“Ikaw nga! Mababago mo pa ang nakaraan ninyong dalawa. Nakikita kong sa katauhan mo ay muling nabuhay si Alyssa para itama ang mali. Wag mong sasayangin ang pangalawang pagkakataon. Wag kayong gumawa ng pagkikita. Sinasabi ko sa iyo. Sa pangalawang pagkakataon, siya ay muling mabubuhay. At ikaw, kapag itinuloy mo ito, ay maaaring tuluyan ka nang mawala. Sana ay sumunod ka. Upang matahimik na ko. Hindi ko sinasadyang mabunggo ka.”

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa narinig ko. Hindi ko siya maintindihan.

Biglang tumunog ang kampana ng aming simabahan sa loob. Hudyat ito na magsisimula na ang klase at magdarasal na. Napatingin ako sa kampana. Ngunit pagbalik ng tingin ko sa matandang nabunggo ko ay wala na siya rito.

Isinawalang bahala ko na lang ang nangyare. Agad agad akong tumakbo sa aking room. Nagsisimula na nga ang klase.

“Ms. Marasigan tama ba?”

“Opo sir.” Late ako. At terror professor ito. Accounting 11 pa naman ang subject ko at ayaw na ayaw ng professor na ito na may nalalate sa subject niya.

Pinaglololoko ba ko ng Tadhana?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon