Chapter6

80 0 0
                                    

Nagising si Belle sa pagdampi ng mamasa masang bagay na iyon sa pisngi. Pilit na iminulat niya kahit ang isang mata.

Si Kira ang namulatan niya. Dinidilaan nito ang mukha niya.

"Kira..."

Tumahol ang aso.

Inilayo niya ang mukha dito ng akmang didilaang muli.

Ah! Napakasakit ng ulo niya.

Pumikit siya ulit at isinubsob ang mukha sa unan.

Dinig niya ang sunod sunod na pagkahol ni Kira.

Ginigising na siya nito. Siguro ay alas syete pa lang ng umaga. Ganoong oras kasi kung mambulabog ang mabait niyang alaga.

"Shut up, Kira! Ito na. Babangon na ako."

Inot inot siyang bumangon. Sapo ang ulo na nagtungo siya sa banyo.

Saktong kalalabas niya doon nang magring ang telepono.

"Hello?"

Naibsan ng konti ang sakit ng ulo niya sa ginawang paliligo. Pero makirot pa rin iyon.

"Goodmorning! Buti naman gising ka na."

Napakunot noo siya ng marinig ang baritonong tinig na iyon.

"Who's this?"

"Magkasama lang tayo kagabi. Nalimutan mo na agad ako?"

Natigilan siya.

Ano nga bang nangyari kagabi? Pinilit niyang halughugin sa lumulutang pang utak ang nangyari kagabi.

Ang huling naaalala niyang nangyari kagabi ay...

"Hey, are you still there?"

Nanlaki ang mga mata niya.

"Jayden?!?"

"Narinig niya ang pagtawa nito sa kabilang linya.

"Hi! How are you?"

Base sa pagkakaalala niya, binuhat siya nito palabas ng bahay ni Roselle.

"A-ano'ng ginawa mo sa akin kagabi?" Kinakabahang pinakiramdaman niya ang sarili.

Pakiramdam niya ay lalong kumikirot ang ulo sa frustrations.

"Ginawa? Ano namang gagawin ko sa'yo?.... Ah! Natural iniuwi kita sa bahay mo. Inihiga sa kama mo... Inalis ko ang damit mo. Pinunasan kita ng hot towel. Tapos

binihisan na kita..."

Lalong nanlaki ang mga mata niya.

Iba nga sa sinuot niya kagabi ang suot niya kaninang magising!

"How dare you! Sino'ng nagbigay sa iyo ng karapatang gawin yun ha!" gigil na singhal niya dito. Pakiramdam niya ay mas tumindi ang sakit ng ulo.

Lalo na ng sa halip na sumagot ng matino ay humagalpak pa ito ng tawa sa kabilang linya.

Nanggagalaiteng ibinagsak niya ang telepono.

"Ang kulugong iyon!"

Kung kaharap niya siguro ito ay nasapak niya na ito o di kaya'y nabalian ng buto. Expert pa naman siya sa judo.

"Makikita mong lalaki ka! Magtutuos tayo!" gigil na bulong niya.

Dali-dali siyang nagbihis at tinawag ang alaga. Nasalubong niya ang maid niya sa sala.

"Ate, magkakape ka na ba--"

"Mamaya na, Lottie."

Diretso siya sa labas ng bahay niya. Tinungo niya ang katabing gate sa kanan.

Ngali-ngaling ibato niya doon ang natalisod na tipak ng bato.

Ang doorbell nito ang pinanggigilan niya. Madiing pinindot niya iyon ng matagal.

Hindi naman siya nabigo sa pagpapalabas dito.

Napangiti ito ng matanaw siya. Pinagbuksan siya nito ng gate.

"Hi! Nakakatouch naman. Pumunta ka pa talaga dito para magthank you. Well, you're welcome!"

"Don't flatter yourself too much, Professor Yabang. Hindi ako nagpunta dito para magpasalamat," sarkastikong sabi niya. Binalingan niya ang alaga na nakaupo sa tabi niya.

"Kira, bite him!"

Subalit nanatili lang nakaupo ang magaling na aso.

Niyuko na niya ito. "Kira, I said, bite him! What's wrong with you?"

Kumahol lamang ang aso.

Narinig niya ang pagtawa ni Jayden.

Umupo ito patingkayad at pinaswitan si Kira. Agad naman itong lumapit sa lalaki habang kakawag-kawag pa ang buntot.

'No, Kira! Don't cheat on me!'

"Kira and I were friends, Miss Estrada. Pinapakain ko siya sa tuwing wala ka sa bahay mo," ani Jayden habang hinihimas ang balahibo ng aso.

Tumawa ito ng mapatingin sa kanya.

"What's funny? Inagaw mo ang aso ko!" gigil na singhal niya dito.

"You're... you're funny, Belle," anito sa pagitan ng pagtawa. "Aso lang si Kira pero mukhang boyfriend mo na ang umiwan sa'yo sa expression mo."

Alam niyang hindi na maipinta ang mukha niya pero mukhang hindi iyon nakikita ng bwisit na lalaki. Tuwang-tuwa pa nga ito na parang batang nakakita ng clown.

'Ang sarap ibalibag!'

"Alam mo ikaw--"

"Aga-aga, nag aaway na naman kayo," anang tinig sa likuran niya.

Inis na nilingon niya ang umepal sa sinasabi niya. Si Lievan ang nandoon.

"Gusto mo bang madamay sa init ng ulo ko, Lievan?" asik niya dito.

"Ofcoarse not. Napadaan lang talaga ako dito, Belle."

"Lievan, pare. Gusto mong pumasok muna? I am about to talk to you about your niece," ani Jayden dito.

"About Catherine again? What's it this time?"

Lalo namang nag-init ang ulo niya.

Nakuha pa ng mga itong magkwentuhan tungkol sa rebeldeng pamangkin ni Lievan, na estudyante ni Jayden, in front of her! Ano siya doon, multo?

"Let's go in--"

"No! Hindi pa tayo tapos, Professor Jayden Cipriano! Kinakausap pa kita! At, hello? Nauna ako dito kesa kay Lievan!"

"Ikaw naman. Nagselos ka kaagad. Actually, yayayain na rin sana kitang magkape muna sa loob. Mukhang hindi ka pa nakakapag agahan eh."

"Ano 'ka mo?" Aah! Matutuyo ang dugo niya sa taong ito! "First of all, hindi ako nagsiselos. What for? Wag kang mangarap. And second, may kape sa bahay ko kaya hindi ko kailangan ng kape mo. Isaksak mo sa baga mo!"

"Hang over yan. Itulog mo na lang mamaya after mong magbreakfast."

Ano daw? Napakalayo yata sa sinabi niya ang sagot nito?

"What do you mean?" mataray na tanong niya dito.

"Hindi kasi maganda ang gising mo. Siguro kulang ka pa sa tulog? At gutom ka na? Sumasakit pa ang ulo mo." Inabot nito ang mukha niya at pinisil ang pisngi niya. "Kaya itulog mo na yan, para paggising mo mamaya, malamig na ang ulo mo.."

"Aray! Bitiwan mo nga ako! Sasapakin na kita diyan!"

Hindi naman siya nito binitiwan. Bagkus ay dalawang pisngi niya pa ang pinanggigilan.

"Hmm... Ang cute mo talaga!"

Inabot ng ilang segundo bago siya nito pinakawalan. Sigurado siyang namumula na naman ang pisngi.

"Bwisit ka talaga!" Hindi na siya nakapagpigil at sinuntok niya ito sa sikmura.

"Agh!"

Way Back Into Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now