"Ikaw lalaki ka! Namumuro ka na talaga!" singhal ni Belle kay Jayden na napangiwi habang hawak ang sikmura. "Kapag inulit mo pa ang pagkurot sa pisngi ko, hindi lang kita sisikmuraan, sa mukha mo na tatama ang kamao ko!"
"Hindi lang ako nakaiwas kanina kaya nakaisa ka," nakuha pa nitong ngumisi. "But I want to do it again, I'm not afraid of you. Sa liit ba naman ng kamao mong iyan?"
"Jayden, itigil mo na ang pang aasar kay Belle. Baka may batang makakita sa inyo," naiiling na sabi ni Lievan sa kanila.
Hindi niya naman pinansin ang pagsingit ni Lievan.
"Gusto mong subukan ang kamao ko, ganoon?" Hindi na niya matake ang kayabangan nito. Nagpakawala na siya ng suntok.
Subalit mabilis itong nakailag.
Nadagdagan ang inis niya. Muli niya itong sinuntok.
Palagi itong nakakaiwas sa suntok niya. Hindi niya tuloy namalayan na nasa kalsada na sila at parang mga batang naghaharutan lang.
"Kapag nakita kayo ni Piero, sa barangay hall ang bagsak ninyo," malakas na sabi ni Lievan subalit nakaupo lang ito sa tapat ng gate ni Jayden. Katabi nito ang nanunuod lang din na si Kira. Mukhang walang balak makigulo o umawat ang mga ito sa kanila.
"I don't care!" sigaw niya habang sinusugod si Jayden. Muli niyang naalala ang totoong pakay niya sa lalaki. Lalo lang nadagdagan ang pagnanasa niyang masapol ang mukha nito.
"We're creating a scene in here, Belle. Hindi ka pa ba napapagod kakasugod sa akin?"
"No. Not until I saw your face in vain!" Sa totoo lang ay napapagod na siya. Pero gusto niya talagang suntukin ang pinagyayabang nitong mukha sa inis niya dito.
"Hey, look. Kung ang ikinagagalit mo ay 'yung napag usapan natin sa phone kanina. I was just joking back then. Iniuwi lang kita sa bahay mo at inihiga sa kama... Iyon lang. Umuwi na ako. Si Lottie ang nag asikaso sa'yo. Masyado lang madumi ang isip mo kaya napagtripan tuloy kita," anito habang umiiwas sa suntok niya.
Wala siyang pakialam kung totoo man ang sinasabi nito. Ang alam niya lang ay nadagdagan ang inis niya sa sinabi nito.
Nabigla na lang siya ng hulihin ni Jayden ang kamay niya at bigla siyang hinila palapit kasabay ng malakas na busina sa kanyang likod.
Napasubsob si Belle sa malapad na dibdib ng lalaki.
Hindi siya nakapalag nang mahigpit siya nitong yakapin. Ni hindi niya magawang pagtuunan ng pansin ang malakas n bumusina kani kanina lang.
Gusto niyang magpumiglas at lumayo dito pero hindi niya magawa sa higpit ng pagkakayapos nito.
"Damn that man!"
Gulat na napatingala siya sya sa mukha ni Jayden. Pormal na pormal ang hitsura nito.
Hindi sa kanya nakatingin ang binata. Matalim ang tingin nito sa di kalayuan.
Sinundan niya ng tingin ang kung ano mang tinitingnan nito.
Isang asul na kotse ang nakahinto sa di kalayuan.
Natigilan siya. Kung hindi pala siya hinila ni Jayden kanina ay siguradong nasagasaan na siya ng kotse na iyon at malamang itinatakbo na siya ngayon sa ospital!
Nahagip ng paningin niya si Lievan na napatayo din ng makita ang nangyari. Si Kira naman ay lumapit sa kotse at tinahulan iyon.
"Are you alright?"
Ibinalik niya ang paningin kay Jayden. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang bumilis ang pagtibok ng puso niya nang masalubong ng mata niya ang mga mata nito. Siguro dahil ang expression nito ay iyong nakita niya kagabi. Ang ipinagkaiba nga lang ay puno ng pag aalala ang nakabadha sa gwapong mukha nito ngayon.