WALANG nagawa si Belle nang kaladkarin siya ni Maryjean papunta sa barangay hall. Sinabi kasi niya dito na imposible ang sinasabi nito at hindi siya naniniwala.
"Aray, ano ba? Kaya kong lumakad mag-isa, Maryjean. Pakawalan mo na ang braso ko."
"Tatakas ka lang, Belle. Hindi mo makikitang totoo ang mga sinasabi ko."
"Kung totoo man 'yan. Ano'ng pakialam ko diyan? Bahala sila kahit na magpatayan pa sila. Maganda nga iyon, may tatrabahuhin kami ng team ko."
"Ano ka ba? Gugustuhin mo bang mabahiran ng pasa at galos ang gwapong mukha ni Jayden? Aba'y di hamak naman na mas magandang lalaki siya kesa sa ex mo ah," ani Maryjean na patuloy ang paghila sa kanya.
Ayaw man niyang aminin pero totoo ang sinabi nito. Di hamak na mas lamang ang kagwapuhan ng propesor sa kaysa sa kulugong ex niya. Pero as she said to herself, mamamatay muna siya bago aminin iyon.
"I don't care about Jayden," inis na sabi niya. Muli niyang naalala ang pakiramdam habang nasa bisig nito. It felt so good and...
Nag-iinit ang pisnging naipilig niya ang ulo.
"And I don't care abou that imbecile fool. I don't know him. Kaya tigilan mo na ang pagtukoy na ex ko siya," dagdag niya pa.
"We'll see that pagdathng natin sa barangay hall."
Subalit hindi na nila naabutan ang asul na kotseng gamit ni Angelo-- na ipinagpasalamat niya.
"O, Belle, Maryjean. Nandito pala kayo," ani Roselle na kadadating lang din.
"Hindi, hindi. Picture lang namin 'to," pamimilosopo ni Maryjean dito. "Ikaw, bakit ka nandito?"
Itinaas nito ang hawak na paperbag.
"Dinalhan ko si Piero ng lunch. Tumutulong kasi siya ngayon dito regarding legal matters and law."
"Natural. Lawyer si Piero, eh," siya naman ang namilosopo dito.
Napasimangot na si Roselle.
"Pinagkakaisahan na naman ninyo ako."
"Magsumbong ka na lang kay Piero," tudyo dito ni Maryjean.
Kita niya ang pagkislap ng mga mata ng kaibigan. Mukhang may ibinungang maganda ang paglalasing nito kagabi.
Napabuntong hininga siya.
"Uuwi na ako. Tutal wala na ang gusto mong ipakita sa akin-"
"Hi, Belle!"
Lumipad ang paningin nila sa lalaking kalalabas ng barangay hall.
It's none other than Professor Jayden Cipriano.
"It's nice to know na nagpunta ka dito para sunduin ako."
Napasimangot siya at sinibat ito ng matalim na tingin.
"Uuwi na ako, Maryjean, Roselle. Baka may magulpi lang ako dito. Napakalapit pa naman ng barangay hall," aniya sabay talikod. Lumakad na siya palayo doon.
"Wait, Belle. Sabay na tayong umuwi."
"Aasarin mo na naman si Belle," ani Lievan na kasunod lang ni Jayden. "Hi, Maryjean and Roselle."
Nag-'hi' din ang dalawa dito.
"Ofcoarse not. Diyan na nga kayo. Uuwi na rin ako," ani Jayden bago humabol kay Belle.
Naiwang iiling iling si Lievan.
"Talaga?" kumikislap ang matang pumasok na sa loob ng barangay hall si Roselle.