Chapter 9

92 0 0
                                    

NAIS nang ipikit ni Belle ang mga mata. Kung hindi nga lang ba siya naglalakad, kanina pa siya nakatulog sa sobrang pagod.

Nagkaroon kasi sila ng assignment ng team nila sa Olongapo. May mataas kasing tao ang pinatay doon kaya galing pa sa main office nila ang mga taong pinapunta.

Ilang araw din silang nanatili doon kasama ng mga lokal na opisyal para mapag aralan ang mga ebidensya. Ilang gabi din na hindi sapat ang tulog niya dahil minamadali ng kliyente ang paglutas sa kaso.

Idagdag pa ang mahabang oras na biyahe. Nananakit na ang balikat niya na parang gusto na niyang humiga sa gilid ng kalsada at matulog doon.

'Malapit na, Belle. Konting tiis na lang,' kausap niya sa sarili habang hila ang de gulong na maleta.

Subalit ilang kanto pa ang kailangan niyang daanan para marating ang bahay niya.

Wari namang nang aasar pa ang mga tricycle at wala siyang makita ni isa. Katirikan pa naman ng araw. Lalo tuloy siyang nanghihina.

"I'm gonna die na," bulong niya.

Kung bakit ba naman kasi hindi siya nasanay matulog sa biyahe. Sana'y may konti siyang energy ngayon para makauwi.

Muntik pa siyang matalisod ng biglang may bumusina sa likuran niya.

Napalingon siya doon. Isang kotseng itim ang tumapat sa kanya at nagbaba ng tinted na salamin.

Ang maaliwalas na mukha ni Jayden ang nabungaran niya.

"Come on. Hop in," masiglang sabi nito.

Nanatili lang nakatingin ang inaantok na mga mata niya dito.

Bakit si Jayden pa? Isa pa sa dahilan kaya pumayag siyang maassign sa Olongapo ay dahil na rin dito. Kailangan na niyang patayin ang kung ano mang

damdamin na unti-unting nararamdaman para dito. Naniniwala siyang kapag hindi niya ito nakita ay magiging ayos na muli ang lahat sa kanya.

Nagulat siya ng bumaba ito ng kotse at lumapit sa kanya. Kinuha nito ang maleta niya. Hindi na siya nakapagprotesta nang ilagay nito iyon sa backseat.

"Jayden..."

"Mukha kasing hindi ka na makakilos sa sobrang pagod," anito habang binubuksan ang front seat. "Sakay na... O kailangan pa kitang buhatin?"

Napabuntong hininga siya. Ito na naman ang abnormal na pintig ng puso.

Sumakay na siya sa kotse nito dahil sa nararamdamang pagod. Sa totoo lang ay hindi na talaga niya kayang maglakad.

"You look like a mess," ani Jayden habang nagdadrive. Pasulyap sulyap ito sa gawi niya.

"Yeah? I'm so tired," paos na sagot niya.

Napapikit na siya. Nakakarelax ng pakiramdam ang mabangong amoy ng car freshener nito. Idagdag pa ang humahalong amoy ng men's cologne nito.

Tuluyan na siyang hinila ng antok. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.

"Nawala ka ng halos isang linggo. Saan ka ba nagsusuo," tanong ni Jayden.

Subalit wala itong nakuhang sagot. Kaya hindi nito mapigilang tapunan ng tingin ang katabi.

Napangiti ito ng makita ang nakapikit na dalaga.

"Sleep tight, Belle. Everything will be fine when you wake up... Mukhang bubuhatin na naman kita pauwi ng bahay mo."

--------------------------------------------

NAPABALIKWAS ng bangon si Belle nang makarinig ng sunod sunod na katok sa pinto.

Way Back Into Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now