"YOU missed it!" tumatawang sabi ni Jayden.
Nasa harap kasi sila ng booth na puno ng lobong maliliit sa pader. Papuputukin mo iyon gamit ang darts at presto! Panalo ka ng isang item na nakadisplay sa booth.
"Nadistract lang ako sa ingay," palusot niya. Ang totoo ay hindi niya lang talaga natamaan ang lobo dahil umiwas iyon sa dart.
"Ako naman."
Pumwesto na ito para tumira. "Bakit hindi tayo magpustahan, Belle? Kung sinong makapagpaputok ng lobo sa tatlong sunod-sunod, siya ang panalo."
Saglit siyang nag-isip.
"Why not? Ano'ng prize ng mananalo?"
"A kiss would be fine," pilyong sabi nito.
"Itong kamao ko, gusto mong halikan?" pagtataray niya dito para maitago ang pag iinit ng pisngi.
Mabuti na lang at hindi ito sa kanya nakatingin. Sinisipat nito ang mga lobo sa harapan.
Tumawa ito.
"Joke lang. Malay mo makalusot," Tumawa itong muli. "Kung sinong matatalo, manlilibre sa isang rides. Okay ba?"
"Sure--"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang ibato nito ang dart. Tinamaan niyon ang isang lobo.
"One down," nakangising sabi nito. Isinunod pa ang pagbato sa dalawa pang dart. Magkasunod na pumutok ang dalawang lobo sa pader.
"What can you say?" baling nito sa kanya.
Wala siyang masabi. Naamaze siya dahil segundo lang ang pagitan ng pagbato nito sa dart.
Tumikhim siya.
"Kaya ko rin 'yan."
"That's my girl," tuwang sabi nito habang tumatabi para makapwesto siya ng ayos.
Eksaheradong tiningnan niya ito.
"Your girl??"
Tumawa lang ito.
Naiiling na lang siya. This time, hindi niya alam kung nagbibiro lang ito o hindi.
'Your girl huh.' Hindi niya mapigilang mapangiti. Ewan niya pero magandang pakinggan sa tenga ang sinabi nito.
Tumingin na siya sa harap. Inspired yata siya dahil nasunod-sunod niya ang pagpapaputok sa lobo.
"We're tie," nakangising baling niya dito.
"Yeah. Magkakaroon tayo ng fourth round. Since you're a lady, ikaw muna ang mauna." Ito pa ang nagbigay ng dart sa kanya.
Nakangising ibinato niya iyon sa harap. Sapul ang isang lobo.
"Excellent, huh! My turn."
Akmang ibabato na nito ang dart nang may tumawag sa pangalan nito.
"Sir Jayden!"
Sabay silang napalingon ni Jayden sa likuran nila.
Isang tsinitang saksakan ng puti at sexy ang nakatayo doon. Tingin niya ay may lahi itong Koreana.
"Oh! Hi, Ashley!" bati dito ni Jayden.
"Hi, sir! Ano'ng ginagawa niyo po dito?" matamis ang ngiting sabi nito kay Jayden. Para bang hindi pansin kung may kasama man ang propesor.
Hindi niya alam kung bakit tila naiinis siya. Mabigat agad ang dugo niya sa babae.
'Natural naglalaro. Bumabato ng dart papunta sa mga lobo. Can't you see?' taas ang isang kilay na saisip niya. Kung hindi ito sinagot kaagad ni Jayden, naisaboses niya na iyon.