Chapter 12 (Short UPDATE)

75 0 0
                                    

HINDI pumayag si Jayden na umuwi agad sila. Pagkatapos ilagak sa kotse ang premyo nila, hinatak siya nito sa gawi ng mga rides.

Ito na rin ang namili ng sasakyan nila.

Ngayon nga ay nasa ferris wheel na sila. Hindi pa umiikot ng mabilis iyon dahil pinupuno pa ang ibang hanging seats.

"Bakit ba biglang sumama ang mood mo kaninang lumapit si Ashley sa atin?"

Humahaplos sa mukha niya ang mabangong hininga nito. Mumunting kilabot ang hatid niyon sa bawat himaymay ng katawan niya.

Hindi niya maibaling ang mukha dito. Alam niya kasing iilang pulgada lang ang layo ng mga mukha nila. Hanggang ngayon kasi ay nakaakbay pa rin ito sa balikat niya. She

could feel his warmth. At lalo iyong nakapagpapabilis ng pintig ng puso niya. She could feel his heartbeat. Pero hindi iyon kasing eratiko ng pintig ng puso niya.

"Ininsulto niya ako. Hindi mo ba napansin?"

"She insulted you? How?"

"Hindi mo ba nakita yung tingin niya sa akin nung pinakilala mo ako? It's irritating," tumataas na ang boses niya sa inis.

"Really?"

Batukan kaya niya ang lalaking ito?

"I tried to be nice with her. Pero tiningnan niya ako like... like I'm not belong in this world. Bulag ka ba at hindi mo iyon nakita?"

'Samantalang kanina, siyang siya ka pang tingnan ang babaeng iyon.'

"Paano ko makikita, sa iyo ako nakatingin kanina?"

Way Back Into Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now