"ALAM mo, ate Belle. Ikaw lang ang nakakaaway kay sir Jayden. Kaya nga idol kita eh." Hinampas pa nito ang balikat niya.
Nang uto pa ang hitad!
"Ah, ganoon ba? Teka, bakit ka na naman pala papagalitan ni Jayden ngayon?" 'Anong kalokohan na naman kaya ang ginawa nito?'
"Eh kasi ilang araw na'ng natatraffic ang sinasakyan kong jeep. Tuloy nalelate ako ng pagdating sa klase niya. First subject ko pa naman siya. Ayun, nagalit
tuloy si sir."
'Kaya naman pala. Late lagi itong pumapasok sa klase ni Jayden.'
"Dapat kasi agahan mo na lang pumasok para hindi ka nalelate," suhestyon na lang niya.
Mukha nga talagang idol siya nito dahil umoo ito na may kasama pang tango.
"Saka next time, agahan mo na rin ang gising mo para hindi ka nalelate. Siguro hating gabi ka nang natutulog?"
Hindi siya pakialamera sa buhay ng may buhay. Pero ewan ba niya, concern ata siya ngayon.
Nahihiyang tumawa si Catherine.
"Medyo. Gumimik kasi ako with my barkada kagabi."
"Kaya naman pala... Wala ka ba talagang pupuntahan?"
"Wala nga, ate Belle. Sasama na lang ako sa'yo. Kahit saan ang pupuntahan mo ngayon."
Napabuntong hininga siya. Isa pang makulit ang babaeng ito.
"Wala akong pupuntahan ngayon. May pinagtataguan din ako sa bahay."
Kita niya ang pagkislap ng mga mata nito.
"Kitam, ate Belle. Idol talaga kita," tuwang sabi nito.
Muli siyang napangiwi. Siya pa pala ang may sala kung bakit ito nagtatago.
"Ang mabuti pa sa park na lang tayo pumunta."
"Sige, ate Belle. Sa park na lang tayo. Pero teka, may bibilhin lang ako sa tindahan."
Malapit na sila sa parke ng humiwalay ito at namili ng kung ano. Nagpahintay na lang ito sa isang bench.
Hinayaan niyang makakawala si Kira habang nakaupo siya at nagyoyosi doon.
Muli na namang sumagi sa isip niya si Jayden.
'Jayden, Jayden, Jayden... Ahh! Tigilan mo na ako!'
Nagulat pa siya ng may tumapik sa balikat niya.
Si Catherine ang nalingunan niya. May dala itong plastic bag.
"Ano 'yan?" takang tanong niya. Mukhang nahuhulaan na niya kung ano ang laman niyon.
"Redhorse. Apat ang binili ko para tig dalawa tayo. Matagal na ko nang gustong makainuman ka, ate Belle."
Patay! Baka sabihin ni Jayden, iniimpluwensyahan niya ang estudyante nito.
'Teka nga lang...'
Natigilan siya. Bakit ba iniisip na niya ngayon ang magiging reaksyon ni Jayden? Dati naman ay hindi.
Lalo siyang naguluhan kaya ng buksan ni Catherine ang isang bote at iabot sa kanya, tinanggap na niya iyon. Lumagok siya ng konti.
Ramdam niya ang pait na gumuhit sa lalamunan. Oh well, ano pa nga bang aasahan niya?
"Bumili din ako ng softdrinks, pangchaser."
"No need." Sanay na siya sa pait ng alak. Mas gusto niya pa iyon dahil mas namamanhid ang utak niya na mag isip pa ng iba.
"Ahh.." bakas ang paghanga sa boses nito. "Itong pulutan na lang."
Tinanggap na niya iyon, baka kasi mahalikan na nito ang paa niya sa sobrang paghanga sa mga katarantaduhan niya.
"Wag kang iinom ng madami. Baka lalo kang pagalitan ng parents mo kapag naamoy ka."
"Don't worry. Sanay na akong napapagalitan nila. They were so disappointed i me, you know."
Kita niya sa mga mata nito ang lungkot habang sinasabi iyon.
Hindi niya maiwasang maalala ang nakaraan niya. She remember herself when she was a teenager. She was also a rebel back then. Iyon din ang feeling niya
noon. She felt that her parents didn't undestand her at all. Kaya naman nagrebelde siya na naging dahilan ng pagtira niya sa bahay ng lola niya noong
nagcollege siya.
Ilang taon na nga pala siyang hindi nakakauwi sa magulang. Ten years na yata. She doesn't know.
Sabay silang tumungga ng redhorse.
"Hindi naman siguro."
"No, ate Belle. I know them. They're always disappointed in me. Gumawa man ako ng tama, mali pa din. Mas lalong mali kung gagawa ako ng mali," natigilan
ito pagkuwa'y natawa. "Gulo ko, no?"
"Nagets ko naman kahit paano."
Kung titignan, para silang mga sira dahil may araw pa pero nag iinuman na sila. At sa parke pa.
Hinayaan niyang magkwento si Catherine. Mukhang nakahanap ito ng taong makakaintindi dito sa katauhan niya. Nakikinig lang siya dito. Paminsan minsan ay
nagbibigay siya ng advice na alam niyang tama pero never pa niyang naaply sa sarili.
Inabot na sila doon ng paglubog ng araw. Gusto pa sana nitong bumili ng alak kundi niya lang pinigilan. Namumula na kasi ang balat nito at napakadaldal na.
Ang softdrinks na lang ininom nila para kahit paano ay mahimasmasan ito.
Nagkakasarapan pa sila sa kwentuhan nang biglang magring ang cellphone niya.
Unregistered number ang nakalagay doon.
"Hello? Who's this?" sagot niya doon matapos magexcuse kay Catherine.
"Belle? Si Jayden ito."
Napahigpit ang hawak niya sa telepono. Bigla na lang ay bumilis ang pagkabog ng puso niya.
"Uh, n-nandito sa park."
"Really? Kaaalis ng ex-boyfriend mo sa bahay mo. I thought... Never mind. Pupuntahan kita diyan."
Bago pa siya nakapiyok ay naputol na nito ang linya.
'Pupunta dito si Jayden...'
Natitigilang napatingin na lang siya sa cellphone.
"Ate Belle? What's wrong?"
Tila natauhan siya.
'Pupunta dito si Jayden!'
Naalala niya ang kalagayan nila doon ni Catherine. "Patay!"
"Huh? Bakit, ate Belle?" takang usisa ni Catherine.
"Yung mga bote ng redhorse, dali! Iplastic mo na at isosoli na natin!" tarantang pinulot niya ang plastic. Isinilid doon ang kalat nila.
Naguguluhang sumunod na lang si Catherine.
"Kira!" pinaswitan niya ang alagang prenteng nakahiga sa damuhan.
Medyo malayo din ang park sa bahay nila kaya siguradong matatagalang si Jayden kung pupunta doon.
'Mabuti na ang maagap. Mas magandang maabutan niyang wala na kahit katiting na bakas na nag inuman kami ni Catherine.'
Katatawid nila ng kalsada nang magtanong ulit si Catherine.
"Ate Belle, ano bang problema? Sino iyong tumawag?"
"Si--"
Naputol ang isasagot niya nang biglang may bumusina sa likuran nila.
Kinabahan siya nang huminto ang itim na kotseng iyon sa harapan nila. Bumaba ang sakay niyon.
"Belle? Catherine?"
Anak ng pitumpu't pitong puting pugita! Si Jayden, nagkotse pala!