"JAYDEN? Belle?"
Kasabay ng pagtawag na iyon ang pagkislap ng kung ano sa kanila.
Gulat na napalingon sila sa pinanggalingan niyon.
Nakatayo si Piero sa di kalayuan. Nasa tabi naman nito si Roselle na may hawak ng
digital camera. Kinuhanan pala sila ng picture nito!
Sa pagkabigla ay agad niyang naitulak si Jayden at dumistansya dito. Tumikhim siya nang
malakas para mawala ang kung anong makati sa lalamunan.
"Belle?"
Napalingon siya kay Maryjean. Nandoon din pala ito pati na si Lievan.
Napakunot siya ng noo. Anong ginagawa ng mga ito dito?
Pero bago pa siya makapag usisa ay naunahan na siya ni Lievan.
"Hindi niyo kailangang mahiya sa amin. Is there anything that we have to know?"
"As I can see, Lievan, it's too easy to know what's going on in them. Sila na."
"Ano??" bulalas niya sa sinabi ni Piero. "Bakit hindi ko alam 'yan--"
"Totoo ba, Belle? Kayo na ni Sir Jayden?" tudyo ni Maryjean.
"Oo nga, Belle? Kelan pa?" sabi naman ni Roselle.
"Jayden, pare, totoo ba?" usisa ni Lievan.
Itatama niya sana ang mga ito nang bigla siyang akbayan ni Jayden.
"Yes. Any problem with that?"
Lalo siyang nabigla. Ano'ng pinagsasasabi nito? Nakashabu ba ito at nakapagsalita ng
ganoon?
Pero isa itong propesor at wala sa itsura ang pagiging adik.
Napalingon siya dito.
"T-teka, Jayden..."
Nabitin ulit ang sasabihin niya nang saluhin ni Jayden ang mukha niya at pahirin ng
hinlalaki ang luhang gawa ng pag-ubo niya.
Nagwala na naman ang puso niya at tila nag alsa-balutan na naman ang utak niya. Parang
gusto niya ulit umubo para may excuse sa pagkatahimik niya.
"It's okay, Belle. You don't have to be shy. Sila lang naman iyan."
Lalo siyang naguluhan. Subalit hindi naman siya makapagreact.
'Letse ka, Jayden! Nagkakagulo na sa loob ko dahil sa'yo!'
Ahh!! Sumasakit na ang ulo niya kaiisip!
"Uuuy! Sabi ko na nga ba, may lihim kayong pagnanasa sa isa't-isa," tudyo ni Maryjean.
"Oo nga. Ayaw pa kasing aminin eh," sabi naman ni Roselle.
Hindi na siya nakatiis sa tindi ng frustrations. Hinamig niya na ang lahat ng braincells
niyang nagkalat.
Tinabig niya ang kamay ni Jayden at dumistansya dito.
"Teka nga, ano ba'ng pinagsasasabi ninyo diyan?... Jayden, what are you talking about?
Liwanagin mo nga!" 'Tama! Liwanagin mo dahil natutuliro na ako kaiisip!' "Bakit mo
sinasabing may relasyon tayo, ha?"
"Belle..." kakamut-kamot ang ulong sabi nito.
"Hala! May LQ agad?"
Hindi na niya pinansin ang pagsingit ni Maryjean. Gusto niyang malaman kung pareho ba