Hangggang dito nlng po yung kwento ^.^
Thanks for Supporting :))
Pki Support din po yung NEW Story ko !
Yung Inove With Him (On Going)
maraming salamat po sa mga nagbasa hanggang dito :))
------------------------------
"ANO'NG 'si Jayden'? Nasaan si Jayden? Kanina ko pa siya hindi macontact. Tell me, Roselle, m-may nangyari ba kay Jayden?"
"Belle, s-si Jayden, n-naaksidente siya kagabi. Under observation pa rin siya hanggang ngayon at hindi pa rin siya nagigising. Hinahanap ka niya kagabi nang bigla na lang may bumanggang van sa kotse niya. Nawalan daw ng preno yung van kaya-- Belle? Are you still there?"
Nabitawan na niya ang aparato. Daig pa niya ang pinasabugan ng nuclear bomb sa narinig. Nanginginig ang buong kalamnan niya. Pakiramdam niya ay nabingi siya sa sinabi nito.
'Si Jayden, naaksidente!'
Nanghihinang napaupo siya sa kama. Nagsisikip ang dibdib niya. Naramdaman na lamang niya ang pagtulo ng mga luha s pisngi.
It's her fault!
Napahagulgol na lang siya. Maya-maya'y natigilan.
Kailangan niyang makita si Jayden!
Pinahid niya ang mga luha at dinampot muli ang tumutunog na cellphone.
"Hello, Belle?" nag-aalalang tinig na ni Piero ang napakinggan niya.
"Yes, P-Piero? Saang ospital naroon si Jayden? Okay lang ba siya?"
"Belle, susunduin na lang kita diyan sa Subic--"
"No need, I-I can manage. Matatagalan lang kung susunduin mo pa ako. Kumusta ang lagay ni Jayden? Saan ko siya matatagpuan?"
"But Belle..."
"Damn it, Piero! I wanted to see Jayden as soon as possible! Saang ospital ko siya makikita?" pahisteryang singhal niya dito. "I--"
"Shut up, Belle! Come to think straight. Tingin mo, makakaya mong mag-isang bumalik dito nang ganyan ang kalagayan mo? Nasabi ni Lottie na dala mo ang motorbike mo. Tingin mo, makakapagcontrate ka sa pagdadrive at makakarating ka dito ng ligtas? Baka hindi lang si Jayden ang pulutin dito sa ospital, baka pati ikaw. So be a good girl at ibigay mo ang address na tinutuluyan mo diyan sa Subic."
Napahikbi siya. Napag-isip isip niyang tama ito.
Ibinigay niya dito ang address ng hotel. Mukhang wala siyang magagawa kundi hintayin itong masundo siya.
"Piero, please... Bilisan mo..."
Tuluyan na siyang napaiyak.
-----------------
NADALA ni Belle sa bibig ang isang kamay nang tumambad sa paniningin ang kalunos-lunos na kalagayan ni Jayden.
Maraming tubo at aparato ang nakakabit dito habang nakahiga sa hospital bed. May benda rin ito sa ulo at sa mga braso.
Pakiramdam niya ay may kutsilyong unti-unting humihiwa sa puso habang pinagmamasdan ito.
"Under comatose siya ngayon, Belle. Hindi alam ng doctor kung kailan siya magigising," ani Piero. Hinawakan nito ang balikat niya. "Belle, I'll do everything para mapagbayad ang driver ng van na iyon..."
Hindi na siya nakatiis. Kumawala siya kay Piero at patakbong lumapit sa nobyo.
Umiiyak na niyakap niya ito.