Chapter 29: Ewan! Ewan!
“Hey, gusto ko yung kanta.” Awtomatiko naman ang pagngiti niya saakin. Para bang inasahan na niyang sasabihin ko iyon. “And you look good today.” Nakangiti ko pang puri sakanya. Mukha siyang normal ngayon. No flashy clothes and such.”
Nag-iwas naman siya ng tingin at napakamot sa ulo. “Tinago yata ni Kit yung mga damit ko. Wala kasi sa cabinet ko.” Tumingin siya saakin at para bang bahagya siyang nagpanic nang may maalala siya. “Pero huwag mong sasabihin kay lola kasi baka magtampo nanaman siya.”
“Sure.” Aalis na sana ako para pumunta sa klase ko nang maalala kong may gusto akong panoorin na movie. “Ah, D.” Tawag ko sakanya. Agad naman siyang lumingon saakin.
“Bakit? May nakalimutan ka?”
“Ano... Pwede ba tayong manood ng sine mamaya? May gusto kasi akong panoorin. Kahit last full show nalang tayo kung busy ka.”
“Jeling, hindi kasi ako pwede mamaya.”
“Kung bukas?”
“Pwedeng sa susunod nalang?” Yug mga ngiti ko sa mga labi kanina ay bigla nalag nawala. Am I disappointed?
Yes I am! Sht! Feeling ko ay bigla niya akong binigo. Maybe na carried away ako sa kanta niya kagabi kaya ako ganito ngayon. Gee! Bakit ba ang dali kong matuwa sa mga bagay-bagay?
“Okay.” Sagot ko saka naglakad na palayo sakanya.
Lunch break...
Hindi ko siya pinapansin. Ilang beses niya akong tinawag pero hindi ko talaga siya pinapansin. Ayaw ko pa siyang kausapin. Hindi naman totally na hindi ko talaga pinapansin. Kapag kakausapin niya ako ay tumatango naman ako o kaya ay umiiling. Ayaw ko lang talagang sayangin ang boses ko sakanya ngayon.
“Hoy D!” Huminga ako nang malalim nang marinig ko ang boses ni Leo sa likuran ko. Tinawag niya si D ng D! Sige! Lahat na ng itatawag ko sakanya itawag na niya!
Gee! Wala talaga ako sa mood ngayon at mas lalog nag-init ang ulo ko nang marinig ko ang sagot ni D kay Leo.
“Huwag mo akong tawaging D. Ang pagit.”
Ang pangit...
Ang pangit?
Ang pangit niya mukha niya! Bwisit!
Padabog akong tumayo at lumabas ng faculty room dahil sa narinig ko.
Naiinis ako!
Edi pangit din yug Yam na tawag niya saakin! Bwisit siya! Wala siyang originality! Nagsearch ako kanina at nalaman ko na ang meaning ng yam ay you are mine. Corny niya. Baduy talaga siya forever.
BINABASA MO ANG
Not So Boy Next Door (COMPLETE)
Literatura KobiecaIf you think you've heard my story before trust me-- you haven't. -Jade Louise Cruz