Chapter 1

5 0 0
                                    

Lingon to the left . . . Lingon to the right . . .

Hawak sa strap ng backpack .

Keep your head down .

Diretso ang lakad . . . at konting bilis sa paglakad 

'Yan ang daily routine ko sa school . Sa bawat araw na ginawa ng Diyos, lagi akong umiiwas sa tao. Wala akong bestfriend sa school, ay meron pala , sila manong janitor, manong guard at manang na nagtitinda ng turo-turo sa labas ng campus.

Bago tayo magsimula, magpapakilala muna ako senyo . Ako si Shiro Fuzen, half-japanese, full-nerd . 18 years old. Nag-aaral ako sa HAMILTON ACADEMY. 2nd year college sa course na Business Management. First day of school, pagkatapos kong makuha ang schedules at room ko pumunta muna ako sa garden. Narinig ko kasi na magsisimula ang first class namin sa susunod na bell . So naupo muna ako sa isa sa mga bench dito. Ito minsan ang advantages ng pagiging loner, solong solo ko ang bench at tahimik pa dito . May narinig akong bulong-bulungan pero parang hindi bulong yon kasi abot dito yung usapan nila .

"Ayan yung AMITY diba?" boy 1

"Oo, ang gaganda nila pre, " boy 2

"Syet, ang kikinis nila, ang puputi at ang gaganda nila, Hirap pumili ng magiging girlfriend sa kanila." boy 3

"Gag* , tingnan mo nga yang itsura mo! Naku, ni hindi ka nga tatapunan ng pansin ng isa mga yan eh . "

"Malay mo diba . Matingin sila banda dito. " 

Ang ganda niya talaga. Ang tinitukoy ko ay si ARIA ALICANTE. Same year kame, pero tourism student sila ng barkada niya. Kaya tuwing program o kaya break time ko lang siya makita pero minsan lang yun kung parehas kami ng schedule. Myembro si Aria ng A.M.I.T.Y , hindi naman sya sorority o kung anumang pangalan ng frat. Kinuha lang yung AMITY sa initials nila .                                A.M.I.T.Y            

ARIA ALICANTE ang pinakamaganda sa kanila sa paningin ko, tahimik,matalino,lagi syang kasali sa mga quiz bee nung highschool sya. Pano ko nalaman? Same highschool lang kasi kame nag-aral.

MAYA DELA PENA siya yung pinakamadaldal sa kanila, mabait din at madiskarte. Ang alam ko, nung nabasa ko yung slumnote niya, nakapaskil kasi yun sa bulletin board. Ang nakalagay na 'Who is your love?' ay PERA . Oo, money-minded kasi siya at kahit na mayaman siya ay humahanap siya ng paraan para kumita .

IRIS FRANCESCA ang babaeng magandang kalog. 'Pag sa canteen sobrang lakas ng trip niya, sobrang kalog niya at kahit anong bagay ay pinagtitripan niya.

THEA BAILON ang bookworm ng grupo. Tahimik at kadalasang makikitang may hawak na libro. Matalino din sya at patas sila ni Aria pagdating sa academics.

YOKO KAZUMI ang singer ng grupo, may banda silang lima. Although, may kaniya kaniyang alam na tugtugin yung lima na musical instruments, si Yoko ang gumagawa ng kanta nila at about sa musical instrument ang business ng pamila nila.Lagi mo syang makikitang may nakasalak na earphone sa tenga niya.

AMITY means FRIENDSHIP .

Back to present , habang naglalakad sila Aria patungo sa direksyon ng bldg. nila. Parang slow motion, nakita kong unti-unting lumingon siya sa akin, o sa banda kung saan ako nakaupo. Pumikit pikit pa ko at shinake shake ko yung ulo ko para mawala ang imahiinasyong nakita ko pero ppagdilat ko . . .

 O _ O Nakatingin talaga siya saken !!!

Isang sigawan ang gumising sa nangangarap kong diwa .

"whooo, sabe senyo eh, titingin sya saken!"

"Adik ! hindi sya sayo nakatingin ! saken !"

"Mga ul*l , sakin sya nakatingin !"

"Hindi, sakin sya nakatingin"

Oops, agad kong tinakpan yung bibig ko at yumuko . Paktay , nasabi ko ba yun ng malakas ? At packing tape, yung tatlo lalaki papunta sa direksyon ko.

"Hoy! nerd na panget . Baket ka sumasabat sa usapan namin?"

"Oo nga ! at ang lakas ng loob mong sabihing ikaw ang tinitignan ni Miss Aria ?"

"Ang kapal pala ng mukha mo nerd ka?"

"S-Sorry" yun lang ang tanging nasabi ko .

"Anong sorry? Gag* ka, sumasagot ka pa?"

"May kapalit yang panggagag* mo samen!"

"I'm sorry, pero totoo naman yung sinabi ko.Sakin talaga nakatingin si - - "

Oops , waah , anu bang ginagawa no Shiro ? ang sasama na makatingin sakin nung tatlo. Mabuti pa aalis na lang ako.

"San  ka pupunta?"

"ahm , aalis muna ako, Sige paa- "

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil isang malakas na suntok ang natanggap ko sa kaliwa kong fez . Ang saket nun ,, T_T

"Nerd ka na nga ! Sumasagot ka pa ? Kilala mo ba kung sino kame ?"

"H-hindi-"

*PAK*

Sinuntok nanaman ako sa kanang fez ko. Napatingin ako sa mga schoolmate ko, nakatingin lang sila samin . At walang balak na makisali . . . at tumulong . Sabagay , sino nga ba naman ako sa school na to ? Isang hamak at dakilang nerd at loner .

"Anong ginagawa niyo sa kanya ?"

Isang malamyos at napakalamig na tinig ang narinig ko mula sa likuran ng tatlong lalaking umaaway sa akin . Pag angat ko ng tingin . . .

 ( Nasa langit na ba ako ? )

NYOLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon