Crush Hintay! (One Shot)

800 50 26
                                    

"Crush Hintaaaaaaaay! Hintay naman ohh!" 

Makailang tawag ko sa kanya. Pero wala parin. Isang malaking dead malice!

Haaaay! Tinanaw ko nalang ang kanyang likuran habang papalayo na ito saakin. Ganito naman lagi ehh, ganito nalang araw araw ang scenario pag uwian. Hinihintay ko sya sa labasan ng school at sa tuwing lalabas na sya tumatakbo agad ako para makasabay sya sa paglalakad at saka kakausapin at kukulitin tungkol sa feelings ko para sa kanya. Kaso parang ayaw nya naman akong makasabay ehh kasi binibilisan nya lang ang paglalakad. Pero wala naman syang sinasabi na ayaw nya saakin, ni hindi nga ako kinikibo napipi ata kaya hindi ako titigil sayo crush makakasabay rin kitang maglakad pauwi. AKO ATA TO! SI SWEETIE CARIAGA THE GREAT!

***

"Sweetie, tara sabay ka saming gumala. Friday naman ngayon! Gen a?" Excited na tanong ni Ciantina kabarkada ko.

"Sorry mga ter di ako pwede, kayo nalang,  alam nyo namang may hihintayin pa ako diba?"

"Absent ka muna sa pag-aantay sa kanya pede kahit ngayon lang?" Malungkot na sabi ni Colleen sa akin. Umiling nalang ako bilang tugon, alam na nila yan.

"Ganyan ka naman lage ehh mmp'" Leanah with her nguso effect.

"K. mukang di kana namin mapipilit. So uuna na kame!" paalam ni Ciantina at umalis na sila.

Gusto ko naman sanang sumama gumala sa kanila ehh, kaso sasabay pa ako kay crush baka ngayon di na nya ako dededmahin. Pumunta na ako sa labas ng school at tumambay sa lugar kung saan ako palaging nag-aantay sa kanya. Medyo kaunti nalang rin ang mga estudyanteng lumalabas kasi kanina pa ang awasan, pero I’m sure na hindi pa nakakaalis yun may praktis pa kasi sa banda.

5 p.m na, mga ganitong oras yun lumalabas ehh.

Hayun nanga sya! Kahit hindi pa sya masyadong nakakalapit dito sa may bandang kinalalagyan ko ehh kilalang kilala ko na sya tindig palang at kung paano sya maglakad kabisado ko na. Papalapit na sya. Ang gwapo talaga nya makatulo sipon. At ang pinakahinuhumalingan ko sa kanya ay yung hairstyle nya yung pahiga ba na emo style with the bonnet. Ang cool lang nya tignan. Eeeek gwapo!

Tumakbo ako papunta sa kanya at saka sya kinausap.

"Hello Yow! Sabay tayo maglakad pauwi" Sabi ko na sini-sway ang aking katawan at ang paawa ng tono ko. Yow melabs ang cool ng name nya noh parang sya lang.

As the usual thing, tinignan nya lang ako nang sandali at pinagpatuloy ang paglalakad. Wala man lang ka reareaction.

*POKE.POKE*

Sinundot-sundot ko yung likuran nya pero waepek! Pati hinila ko na rin yung laylayan ng kanyang damit ngunit binilisan nya lang lalo maglakad. Di tuloy ako makasabay ang lalaki ng hakbang ehh. Naiiwan na nya ako. NANAMAN.

"Yow, Hoooy sandaleeeeee!"

Tawag ko sakanya. Okay, ‘di manlang huminto. Kailangan ko nang gamitin ang aking last weapon. Gamit ang kamay, parang tatakpan ko ang aking bibig, yung gestures na sumisigaw ba, para lalong lumakas ang malupit kung pagsigaw nito .

"Kraaaaaaaaassshh Hiiintaaaaaaay!"

"Pasabay naman ohh!"

Sa pagsigaw ko nang pagkalakas'lakas marami akong napukaw na atensyon. Pero wala akong pakialam lahat gagawin ko mapahinto ko lang si Yow. Ito naman ang palagi kong ginagawa. Oo, nung una nahihiya ako baka kung ano pang isipin ng ibang tao tungkol sa akin. Pero nasanay narin ako sa tagal ba naman na ginagawa ko to ehh ngayon pa ba ako mahihiya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crush Hintay! (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon