ALLIAH KEITH.
"Pablo!" Tawag ko kay Pablo na kasalukuyang natutulog. In the library, to be more specific. Natutulog siya sa library.
"Hoy John Paulo!" Mahinang sigaw ko bago siya hinampas sa likod. Ayan, gising na. Magic.
Napaupo sya nang maayos at muntikan pang mahulog na ikinatawa ko. Sayang hindi natuloy. Sinamaan nya ko ng tingin nang mapansin ang pagtawa ko. Uh oh, galit na ang Junjun.
"Anong problema mo, Liah?" Tanong nya bago umayos ng upo at humarap sa akin. Inirapan pa ako ng loko kaya hindi ko maiwasang hindi matawa. Iritado na ang Junjun n'yo. Ngumiti lang ako at naupo sa tabi nya.
"Excuse me lang kasi po, Mr. John Paulo Nase. Ang library na ito ay hindi tulugan, okay? 'Wag kang mag-feeling na kwarto mo itong library hindi porket may aircon," sarkastikong sabi ko saka binuklat ang libro ko. Baka kasi may surprize quiz mamaya eh. Mahirap na.
"Tss. Pwede mo naman akong gising nang hindi naninigaw diba?" Iritadong tanong nya.
"Aba! Hindi kita sinigawan 'no! Library ito kaya bakit ako sisigaw?" Tanong ko habang nakatuon pa din ang mata sa libro.
I can see him nodding his head. "Oo nga pala. Hinampas mo ko..." he scoffed. "Diba pwede namang manggising nang hindi nanghahampas?" Tanong nya.
Hinarap ko sya at tinuro. "Shut up ka na lang."
And like the usual, kapag asar talo na... iirapan na ako n'yan.
Nanahimik na nga sya kaya naging payapa ang pagrereview ko. Samantalang si Pablo, nakapikit na naman. Napakaantukin talaga. Kinuha ko ang bag ko at nilabas yung lunchbox na may laman. Bawal ito sa library pero kung ito ang tanging paraan para magising si Pablo, edi gagawin ko.
Binuksan ko 'yon at tinapat sa mukha ni Pablo kaya namulat agad sya. Ayan, huling huli. Mukhang hotdog.
"Wow, hotdog!" masayang sabi nya kaya tumingin lahat sa kanya. Lahat ng estudyante at ako naman ay umaktong parang wala lang. Hindi ko yan kilala.
Sanay naman na kasi ang mga schoolmates namin samin ni Pablo. Hindi na nila nami-misunderstood dahil the whole campus knows that me and Pablo are bestfriends. Best pals.
Maliban sa mga tao minsan sa mall, napapagkamalan talaga kaming couple. Sabagay, they didn't know us kaya gano'n ang impression.
"Salamat dito sa hotdog, ha?" Sabi ni Pablo na nakangiti sakin. Pabiro ko lang syang inirapan. Ayan, 'pag may hotdog, d'yan siya tumitino.
"Oo na. Manahimik ka na. Nagrereview ako oh," sabi ko habang nakatuon ang atensyon sa libro.
"Nagrereview ka? Sus! Hindi ka rin naman makakaperfect eh. Asa ka pa! Bobo ka kaya," sabi nya kaya nilingon ko sya at agad kong binawi 'yung lunchbox na may lamang hotdog saka ako nagmadaling tumakbo palabas nang library.
"Alliah Keith, ibalik mo 'yang hotdog ko!"
Nagsilingunan yung mga estudyante dahil sa pagsigaw ni Pablo. Wala talaga s'yang hiya. Adik sa hotdog. Hahamakin ang lahat para sa hotdog.
Huminto ako nang makarating ako sa may music room. Walang tao. Ayos! Dito nalang ako magrereview, mas tahimik.
"Alliah?" Agad naman akong napalingon sa tumawag.
"Kuya Josh. Ikaw pala," sabi ko at ibinalik ang atensyon ko sa pagkain ko. Naramdaman ko na lang si Kuya Josh na naupo sa tabi ko.
He's Josh Cullen, my brother. Isang taon lang ang tanda nya sakin at tropa sya ni Pablo. May tatlo pa silang kaibigan. Sina Ken, Justin at Stell. Kabatchmate ko silang tatlo pati syempre si Pablo at si Kuya Josh lang ang ahead samin. Kaklase n'ya ang girlfriend n'yang si Ate Roshan.
"Inagawan mo na naman nang hotdog si Pablo?" Tanong nya nang mapansin yung lunchbox na may lamang hotdog na nakapatong sa may tabi nang librong binabasa ko. Natatawa pa s'ya at panigurado akong alam na n'yang any minute, dadating na dito si Hotdog Man.
"Hindi, no! Akin kaya yan," sagot ko.
"Hay nako! Kayo talagang dalawa. Hindi na nagtanda. Hotdog lang, pinag aagawan pa," natatawang sabi ni Kuya Josh.
I sighed and faced my brother. "Shut up Kuya. Nagrereview ako oh," sabi ko saka tinakip ang kamay ko sa bibig nya.
"Yuck! Alisin mo nga yan! Ang baho!" Reklamo nya habang inaalis yung kamay ko. Napairap ako bago nakaisip ng isasagot.
"Arte mo, kuya! Hoy, mabango yan! Sinabunan ko yan nung natapos akong magbawas kanina," pang aasar ko.
Nilingon naman n'ya ako habang hindi maipakowanag ang ekspresiyon ng mykha n'ya. Diring diri?
"Nagbawas ka? Tapos ilalapat mo sakin yang kamay mo? Kadiri lang, kapatid!" Nandidiring sabi nya.
"Arte mo, mas matangkad naman ako sayo!"sabi ko saka tinawanan sya. Kuya Josh just rolled his eyes. Asaran na namin itong dalawa. Nakagawian kaya sanay na kami sa kung anumang pangaasar.
"Aba! May heels lang 'yang sapatos mo kaya mas matangkad ka sakin. Feeling matangkad ito," sabi nya saka kumuha na din dun sa hotdog na nasa lunchbox ko.
"Alliah Keith! Josh Cullen!"
Napalingon kami nang may sumigaw. Ayan na pala ang adik sa hotdog. Hindi nabubuhay nang walang hotdog na kinakain. Tumakbo sya palapit samin at kinuha ang lunchbox na may tatlong piraso na lang ng hotdog na natitira.
"Mga walanghiya kayo! Bakit n'yo binawasan?" Inis na tanong nya saka naupo sa kanan ko. Kuya Josh on my left side so, pinaggitnaan nila ako ni Pablo.
"Kapal mo. Hindi naman sayo yan eh," sabi ko.
He looked at me. "For your information, p'wet mong may lotion, binigay mo sakin ito kaya akin na ito. Bibigay bigay ka tas babawiin mo lang? Walang ganun, Liah," sabi ni Pablo saka kinain ang natitirang hotdog.
Bahala nga siya diyan. Magka-diarrhea ka sana sa hotdog na 'yan. 'Yung expired na mantika pa naman ang pinangluto ko diyan.
Hindi, biro lang.
-
Edited Version.

BINABASA MO ANG
HANAHAKI | SB19 Pablo ✓
أدب الهواةHanahaki is a disease where the victim of unrequited or one-sided love begins to vomit or cough up the petals and flowers of a flowering plant growing in their lungs, which will eventually grow large enough to render breathing impossible if left. On...