12. CHANGE OF HEARTS

1K 41 2
                                    

“SOMETHING FISHY going on,” ani Gerald bago inilapag ang files ni Leilanie Bermudez sa harapan ni Ira. Ito kasi ang may hawak ng admin at mga files ng empleyado kaya dito niya nakuha ang mga dokumento ni Leilanie. Napailing na lamang siya at hindi pinansin ang tudyo nito. He knew exactly what he means and he will not going to tolerate it. He needed to do that too. Dahil kundi niya iyon gagawin, siguradong mapapaisip na naman siya at saan-saan na naman mapupunta ang mga ideya niya kung bakit ganoon na lang ka-concern si Leilanie sa kanya.

“Magmula ng pumasok siya, three-eleven na ang schedule niya. Can you transfer her on day shift? Para makauwi siya ng maaga.” suhestyon niya habang pinapasadahan ang files nito. Napatango-tango siya ng makitang magkasing edad lang sila nito. Binasa niya pa ang mga impormasyon nito at nagtingin pa siya kung mayroon pa siyang maitutulong dito.

Tinanggap man nito ang kabayaran niya, hindi pa siya kuntento. Hindi siya mapakali at gustong tumbasan ang mga nagawa nito. Sisimulan niya iyon sa paglipat ng schedule nito ng sagayon naman ay makabawi siya sa paguwi nito ng gabi noon.

Nanghinayang siya ng makitang undergraduate ito ng Accountancy. Isang taon na lang, magtatapos na ito. Kung sakaling nakapagtapos ito, kahit hindi board passer ay magagawa niyang i-promote bilang assistant ni Beth. Nakikita naman niyang deserving ito dahil masipag at maayos ang trabaho. Wala din siyang narinig na reklamo mula sa mga kasamahan nito pagdating nito sa trabaho. Masayahin daw ito at magiliw.

Obviously. Kaya nga ito nagustuhan ng anak niya dahil sa karakter nitong iyon. Ngiti lang, positibo agad ang hatid noon sa mga taong nakakasalamuha nito. Hindi siya nakaligtas doon dahil hindi man niya aminin sa sarili, natutuwa rin siyang makita ang ngiti nito. Nakakahawa iyon at naghahatid ng pagasa sa kanya.

Sa ngayon, dalawang buwan na itong cashier sa Hades’. Two weeks na rin itong tumigil bilang nanny. Si Yaya Muring ay nakauwi na at ito na ang tumitingin. May mga pagkakataong dinadala din ng matandang katulong si Irvin sa Hades’ lalo na’t hindi niya magawang umuwi ng maaga sa dami ng trabaho. Implemented na rin kasi ang One Week Delight promo kaya lagi siyang abala. Ang ibig sabihin ay every Monday, Tuesday, Wednesday, Thursday, Friday, Saturday at Sunday ay may kani-kaniyang promo.

Nagustuhan iyon ng mga kaibigan niya. Dumagsa na rin ang customers nila. Hindi rin nahirapan si Leilanie na kabisaduhin ang promo. Kailangan nitong gawin iyon para alam nito ang icha-charge sa customer. Natutuwa din siya dahil suportado ng mga staff niya ang promo lalong-lalo na ito. Panay ang puri nito dahil tumaas ang kita nila magmula ng magkaroon sila ng promo.

Sa tuwing nandoon naman ang anak niya at hind rin maitago ni Leilanie ang pagkasabik. Kapag break time nito ay nilalalaro nito si Irvin na mukhang nasabik din dito. Panay ang hagikgik ng anak niya sa tuwing nilalaro ito ni Leilanie.

And it touched his heart. Seeing his son that happy made him happy too. Akala niya, tuluyan ng didilim ang mundo nilang magama dahil sa pagkawala ni Bonsai. She was their light, his family’s happiness. Kaya ng bigla itong mawala, tuluyan na rin tinangay nito ang kaligayahan nila.

Hanggang ngayon, nalulungkot pa rin siya. Dahil doon ay ibinuhos na lamang niya ang oras at panahon kay Irvin maging sa taong nakapatay dito. Napabuntong hininga siya ng maalalang muli ang lalaking iyon. Muling binalot ng galit ang puso niya dahil sa pagtatago nito. Gayunman, naniniwala pa rin siyang mahuhuli ito. Mayroon siyang tiwala sa lahat ng mga taong tumutulong sa kanya. Katunayan nga doon ay mayroon pang isang concern citizen: ang taong matyagang nagbibigay ng impormasyon kung nasaan si Brando.

HADES' LAIR TRILOGY BOOK 2: IRA'S REDEMPTION (soon to be published under phr)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon