KUMUHA ako ng pantali sa buhok. I then tied my hair into a messy bun. Nang maayos na maitali ang buhok ay agad kong kinuha ang basket ng labahan sa CR saka nagmartsa na pababa. Mas gusto kong maglaba sa likod ng bahay kesa sa laundry room. Sariwa kasi ang hangin doon at mas maaliwalas ang paligid. May washing machine naman si Zykiel pero mas gusto kong magkusot.
Isa rin sa dahilan kung bakit ayaw kong magwashing machine ay dahil madaling nasisira ang tela. Hindi ko alam kung may kinalaman ba 'yon sa brand ng damit o talagang nakakasira ng tela ang washing machine hindi kalaunan. Mas mabuti na rin ang mano mano sa paglalaba dahil mas nakakapag-isip ako ng mabuti habang nagkukusot.
Ewan kung ako lang ba yung mas naglilikot ang utak habang naghuhugas, naglalaba o naglilinis. Basta kapag busy ang kamay ko, busy rin ang utak ko sa pag ooverthink tungkol sa mga bagay bagay.
Pagdating sa likod ng bahay ay agad kong inilapag sa isang upuang kahoy ang basket at inihanda na ang mga kakailanganin. Tapos ko nang ibukod ang mga puti sa de-kolor kagabi. Pati na rin ang mga tela na kumukupas at pwedeng makahawa sa iba kaya naging madali na lang ang paghahanda ko ngayon. Habang binubuksan ang powder soap at fabcon ay pinupuno ko rin ng tubig ang isang batya para sa unahang banlaw pantanggal ng dumi. Nang ibinababad ko ang mga puti para madali na lang matanggal ang dumi mamaya ay biglang dumating si Aki.
"Want some help?"
Nginitian ko siya.
"Nope. I can handle."
"May washing machine naman. Mas pinapagod mo lang ang sarili mo."
Inirapan ko si Zykiel na nakasunod pala kay Aki at inakbayan ang anak habang tinitingnan ako sa ginagawa ko. Sanay akong maglaba pero naaasiwa akong kumilos gayong nanonood siya. Baka may mapuna. Well, hindi ko nga alam kung marunong ba 'to maglaba.
"Baka makadagdag lang ako sa bayarin mo sa kuryente. Saka kaunti lang naman 'to."
Tinaasan niya ako ng kilay dahilan para mapairap ako.
"Mapapagod ka. Saka isa pa, ano pa ang silbi ng marami kong pera kung magtitipid ka?", giit niya.
Napabuntong hininga ako at tiningnan siya ng diretso sa mga mata.
"Sanay na ako. Noong ipinagbubuntis ko si Aki ay ako rin ang naglalaba. Kahit pa noong ipinanganak ko siya ay ako pa rin ang naglalaba. Wala akong katulong kaya kailangan kong labhan ang mga damit namin. Ano naman lang ba 'tong mga 'to? Kaunti lang 'to Zykiel. Isang basket lang. Isa pa, ayoko talaga sa washing machine. Mas may tiwala ako kapag kinukusot. At sa pera mo, pera mo 'yan hindi sa'kin", katwiran ko.
Totoo. Ako ang naglalaba mula nang ipagbuntis ko si Aki hanggang sa ipinanganak ko siya, hindi ako umasa kay Manang Tess. Isa pa, nalaman ni Manang Tess na buntis pala ako nang nasa ikapitong buwan na ang tiyan ko. Hindi rin siya kaagad nakasunod sa akin sa Bantayan dahil nasa Negros siya nang mga panahong 'yon. May sakit kasi ang pamangkin ng kanyang hipag at walang ibang magbabantay.
Nagpatuloy na ako sa bahagyang pagkusot habang binabanlawan ito sa tubig para sa paunang pagtanggal ng dumi saka iyon piniga at nilagay sa balde. Hindi na rin naman siya nagsalita. Akala ko nga umalis na.
"It was before", he said. Uncertainty laced in his voice.
Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy pa rin ang ginagawa kahit na naaasiwa talaga ako sa kadahilanang nanonood siya.
Narinig ko ang kanyang pagbuntong hininga. Suko na siguro dahil alam niyang hindi na talaga magbabago pa ang isipan ko. Nilingon ko siya at naabutan siyang nakatingin sa aking ginagawa. Para bang ang nakikita niya ay isang estrangherong bagay. Ilang sandali pa ay biglang napakunot ang kanyang noo habang titig na titig pa rin sa batya kung saan ko tinatanggalan ng dumi ang mga damit. Napatingin din ako sa mariin niyang tinititigan at namula nang husto ang pisngi nang mapagtantong ang boxer niya na pala ang hawak ko.
BINABASA MO ANG
Hiding The Mafia's Son
RomansBeing a rape victim is a calamitous experience anyone can endure. Rape is a barbaric crime. Neither becoming a mother at age 12 will ever be humorous to anyone. It is a heavy responsibility that adds pain to a past wound she thought would never heal...