Book 1

638 15 12
                                    

1978

"San Antonio! Silvestre! Hindi ba kayo nagsasawang masuway? Kung gusto niyong makatapos siguro simulan niyo nang bumuo ng sariling klase. I can't tolerate this anymore!" bulyaw ng guromg si Mrs. Calinawan.

"First meeting pa lang, sinabi niya na yan sa'tin. Pang-ilang 'I can't tolerate this anymore' niya na ba yan?" pabulong at pa-relax relax na kumento ni Miguel San Antonio sa katabi niyang si Edgar Silvestre. Ngumiti lang si Edgar na halatang nagpipigil ng tawa.

Madalas, halos sa lahat ng klase nila sa propesor nilang malapit nang magretiro ay may special mention ang dalawang pilyong magkaibigan dahil sa mga praktikal at nakakatuwang ideya nila sa mga diskusyon nila sa klase. Pero mukhang ayaw ito ni Mrs. Calinawan, minsan pa nga ay isinumpa nitong kahit kailan hindi magiging maunlad ang buhay ng dalawang magkaibigan.

 Sa kabila nang lahat, naging palaisipan sa dalawa kung bakit hindi sila pinapatawan ng parusa sa halip ay nagkakasya na lang ang matanda sa kakapahiya sa kanila sa klase. Kung tutuusin wala nang hiya pang nararamdaman ang dalawa, marahil sanay na ang mga ito sa pagpapahiya at isang normal na bagay na lang ito sa kanila.

Tuwing uwian, magkasamang nagtutungo ang magkaibigan sa open court ng unibersidad nila at doon maglalaro ng basketball hanggang sa abutan sila ng dilim. Sa loob ng apat na taon, naging sandalan at karamay nila ang isa't isa. Simula sa pagsuway sa kanila sa klase hanggang sa panliligaw ng napupusuan nila.

Hindi maipagkakailang sikat sila sa unibersidad, sa tikas at kagisigang taglay nila ay kinahuhumalingan sila ng karamihan. Malaya nilang nagagawa ang mga gusto nila sa kabila ng pangalang inaalagaan nila. Pareho silang galing sa prominenteng pamilya sa siyudad. Ang bali lang sa kuwento nila ay pareho silang hindi tagapagmana.

Sa loob ng apat na taon pagkatapos nila ng kolehiyo ay nagpailalim sila sa kani-kanilang kumpanya. Kumalap sila ng karanasan sa negosyo, nag-ipon at saka nagplanong magpatayo ng sarili nilang kumpanya.

Bumuo sila ng partnership na noong una'y walang naniwala at maging ang sarili nilang pamilya ay walang habas na pinagtatawanan ang plano nila.

Nanahimik ang lahat nang magsimulang umusbong ang San Antonio-Silvestre Group of Companies o mas kilala sa SA&S Groups na nagmamay-ari ng limang pangunahing hotel at restaurant sa bansa.

"Tinatawanan lang nila tayo noon, ngayon wala na silang mukhang maiharap sa atin. Tingnan mo nga naman ang kapalaran. Cheers pare!" buong pagmamalaki at tuwang iniangat ni Edgar ang wine glass sa harap ng matalik niyang kaibigan.

"Cheers for those who didn't believe, cheers for those who cursed us, cheers for us, pare!" ika naman  ni Edgar. 

Hanggang matapos ang taunan nilang victory party ay hindi pa rin maalis ang galak at ningning ng tagumpay sa mga mukha nila.

"Naalala mo 'yung sinabi ni Ma'am Calinawan dati Migs na hindi tayo uunlad?" tanong ni Edgar sa kaibigan.

"Naalala ko pare, dalawin kaya natin minsan. Ang sarap siguro sa pakiramdam nun," aliw na aliw na sagot ni Miguel kay Edgar.

"Baka sabihin naman niyang nagyayabang tayo," bawi naman ng isa.

"Bakit wala ba tayong maipagyayabang, look where we are now," sagot ng namumula nang si Miguel.

Nagtawanan ang dalawa na parang ang tanging bagay lang sa mundo ay kasiyahan.


--

Ako ay nagbalik! Sana basahin niyo rin ito. Maraming salamat! Sa lahat ng nagtatanong kung may bago akong story, ito na siya. Suportahan niyo, please. :)

DeadendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon