three

2 0 0
                                    

Light's P.O.V.

Mga 7:00 ay dumating na sila Wade at oo wala ako sa mood pero shet ang pogi niya sobra!! hindi ko kaya to mga sis. Gusto ko siya picture-an at gawing wallpaper kaso e nakakahiya at baka mahuli ako kaya plan b tayo, hihilahin ko nalang siya papasok ng kwarto ko hehe.

"Light anak, kamusta sa school? mabuti naman ba mga grades niyo netong si Wade?" tanong ng mama ni Wade saakin. pwedeng mama ko nadin ganon.

"Mabuti naman po tita, medyo wala naman pong ginagawa dahil sa parating na english month" Napangiti naman si tita at mama sa sinabi ko.

"Ayun naman pala kumare, alalang alala ka kasi dito sa unico ijo mo e mukhang mas masipag ka nga tong si Wade kesa kay Light" ay ganyanan mama. sige lang mama okay lang ako, sana wag mong makalimutan na mas madalas akong maglinis ng plato kesa kay Night dito sa bahay.

Napatawa naman ng mahina si Wade nung nakita niya yung ekspresyon ko sa mukha dahil sa sinabi ni mama. tingnan mo nga naman ganyan pala ang itsura niya pag nakangiti, mukhang anghel hais. Ngiti ka lagi para buo na araw ko hihihi.

***

After ng dinner namin ay agad akong tumungo sa Kitchen at oo ako nga ang maglilinis ng mga pinggan, kung new year lang ngayon ay matatawag ko tong sinturon ni hugas. Like literally apakadami, wala naman kasing kwenta si Night sa gawaing bahay kahit na dapat siya ang gumagawa neto .

"Wade! tulungan mo si Light maglinis ng pinagkainan ng may silbe ka naman kahit papano" ay ang harsh ni tita. AHSHAHAHA mga nanay nga naman. Pero tita i appreciate, pero keri ko na to magisa kasi baka kung tulungan nga ako ni Wade ay mabasag ko tong lahat at panigurado manginginig ang buo kong katawan sa landi.

Nagulat ako ng may biglang pumasok sa Kitchen, pucha si Wade. Pero kesa tingnan niya ako ay tumayo lang siya sa kabilang side ng kitchen counter at nagcellphone.

"Stop looking at me" nagulat naman ako sa sinabi niya at agad agad pinagpatuloy ang paglilinis ng pinggan. Hindi ko alam kung paano ako gagalaw kasi unang una hindi naman niya ako usually kinakausap, tapos ngayon ang lapit lapit niya pa saakin, Ni sa school nga ay ang layo niya parin saakin kahit na magkaklase lang kami.

Thank you po papa Jesus at magkumare ang mama ni Wade at mama ko hehe, Bigla namang tumunog ang cellphone ko nakita kong tumatawag si Tristan, kaklase ko rin slash seatmate.

"Hala hello Tristan?" Napatingin sakin si Wade ng sagutin ko ang tawag. Wait lang, Wade naman baka himatayin ako sa titig mo.

"Hello ilaw! Okay ka naba?" tanong niya. ay wao ang caring naman ni seatmate.

"Oo naman seatmate ako pa ba? Sobrang caring mo naman. How sweet." minura naman niya ako sa kabilang linya HAAHSHAHA galit ka gurl??

"Hayop ka talaga, kaya ako napatawag may sabihin sana ako. Busy ka ba?" Napatingin naman ako kay Wade at nakita kong nakatingin din siya saakin.

"Ay oo busy pa ako, mamaya mo nalang ako ulit tawagan at mukhang mahaba nanaman yang ikukwento mong hayop ka." Nagpaalam naman siya at binaba na ang tawag. Kaya naman minadali ko ng maglinis ng plato kasi sobra kong nap-pressure sa tingin ni Wade. I like it oo hehe, but its so uncomfortable since hindi ako sanay na binibigyan niya ako ng pansin.

***

"Ingat po kayo tita" Pagpapaalam ko kay tita. Ngumiti naman siya at pinuntahan si mama sa loob ng bahay at may ipapauwi ata si mama sakanila. Naiwan kaming dalawa ni Wade sa labas at walang kwenta si Night.

Nakasandal sya sa kotse niya, sobrang gwapo niya kaya naman walang lubay ang puso ko kakatibok. Kaya kadami kong kaagaw dito e. sighs. Gusto ko siyang kausapin, kasi ang awkward. and siguro dahil narin gusto ko talaga siyang kausapin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

crushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon