"You're hired."
Halos lahat yata ng parte ng katawan ko pumapalakpak ngayong araw na 'to.
Finally, nakapasok na ako sa gusto kong kompanya at sa trabahong matagal ko ng gusto.
"Hotel receptionist." himas ko sa name tag na binigay sa akin sa HR. Grabe! Ang surreal! Hindi ko alam pero parang gusto ko talagang magtatalon sa sobrang saya at sobrang excitement. Nakakaexcite kasi miski yung sahod hindi ko inakala na ganon.
Agad kong tinawagan sila Mama at Papa pero walang sumasagot kaya yung Kuya ko na lang kasi sigurado nakatutok lang naman yun sa cellphone niya.
"Oh bakit? Naglalaro ako, eh." sagot ng Kuya ko na super bugnot. Lol.
"Kuya......." tili ko
"Ano ba yun at nasigaw ka diyan?"
"Eh kasi Kuya.. Tanggap na ako sa trabaho! Hotel receptionist na ako." exaggerated kong sabi tapos nagtatatalon pa din ako sa tuwa. Pakiramdam ko pinagtitinginan na ako ng mga tao.
"Talaga?" biglang nagbago yung tono ng boses niya.
Tumatango ako kahit hindi naman niya ako nakikita yung ginagawa ko.
Naririnig kong nagsisigawan sila at Mama at Papa at nararamdaman ko na nagtatalunan din sila katulad ko ngayon. Alam kong hindi ganon kataas na posisyon yung pagiging Hotel receptionist. Per matagal ko ng gusto ang trabahog 'to. Hindi kasi biro yung Customer Service na nabibigay nila sa tao, mataas ang tingin ko sa mga katulad nila. At ngayon, isa na ako sakanila.
Masaya akong patingin tingin sa paligid sa loob ng hotel. Kahit temporary ID lang yung suot ko, eh feel na feel ko pa din. Tinago ko kasi muna sa bag ko yung name tag na binigay sa akin kasi pin yun na mas bagay sa uniform. Hinihintay ko na lang kasi si Ms. Ella para ibibigay nya sa akin yung contract and para malaman ko kailan ako magsisismula.
"Ms. Callie Aria Salazar?"
Lumapit naman agad ako at ngumiti. Alam kong boses na ni Ms. Ella yun. Nginitian niya ako tapos pinapasok ulit sa loob ng office niya. Nilagay niya yung papers sa table and pinapirmahan niya lang ako. Sabi nya basahin ko daw muna pero sabi ko hindi na kasi wala ng atrasan 'to.
Natawa na lang si Ms. Ella sa akin. Sa bahay ko na lang babasahin lahat.
"Congratulations on your new job and see you soon, Callie."
"Thank you po Ms. Ella." ngiting ngiti na sabi ko tapos nakipag shake hands na lang din ako.
Masayang masaya akong lumabas ng Hotel at bago ako makalagpas tumalikod muna ako para tignan ulit yung building.
"See you Ellistar Hotel." para akong baliw na nagbababye sa Hotel habang papaalis ako. Patalon talon pa ako.
Nagpost agad ako sa Social Media ng "Hired. Feeling blessed."
Ilang minutes pa lang ang dami na kaagad nag-comment, at nag-like.
Ngingiti lang ako habang binabasa ang "Congrats, girl." "You deserved it besh." "Happy for you! Finally."
Grabe! Hindi ako mataba pero mataba na yung puso ko sa sobrang saya. Sobrang excited na ako. Pero I still need to wait for 3 weeks para sa official work ko. Gosh!
Sumakay ako ng jeep at ilang minuto lang nakarating din ako sa kanto namin. Naglakad na lang ako papasok kasi hindi naman mainit at hapon na. Ngiting ngiti pa din ako habang nakahawak sa bag ko at sa papers ko. Yiiiiieeeeee!
"Maaaaaaa? Papaaaaaaaa?" hanap ko agad sa magulang ko pagkapasok ko sa bahay. Pero hindi sila ang sumalubong sa akin.
"Ahh.. Thank you Yumi sinalubong mo si Mommy." lumuhod ako para yakapin ang aso kong pomeranian. Tuwang tuwa siya makita ako kasi dila siya ng dila sa mukha ko.