ALLIAH KEITH.
Nang magbell na hudyat ng pagtatapos ng lunch break, bumalik na kami sa classroom. Si Kuya Josh, bumalik na din sa room nila.
"Liah, tara labas tayo mamaya. Libre ko." Biglang sabI ni Pablo habang naglalakad kami pabalik ng room.
Nilingon ko naman s'ya at nakita ang ngisi n'ya.
"Talaga? Baka scam ka, ha," sabi ko saka inirapan sya ng pabiro.
"Uy, hindi ah! Grabe ka! Nakakasakit ka ng feelings" at umarte pa sya na nasasaktan. Siraulo.
"Manahimik ka nga, Junjun," sabi ko.
"Oh Junjun, tumahimik ka daw." Rinig kong sabi nya at paglingon ko ay halos mapamura ako dahil sa ginawa n'ya.
He just freaking tapped his... bwisit! Ibang Junjun pala ang iniisip nitong mokong na ito.
"Bwisit ka! Kabastusan mo!" Sigaw ko saka iniwan na sya don. Walanghiya!
"Liah, wait for me!" sabi nya saka tumakbo na palapit sakin. Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga.
Pagpasok sa room, naabutan naming naroon na sina Stell, Justin at Ken na nagkukwentuhan. Nandun din ang iba kong kaibigan. Sina Celine, Daria at si Keicy. Hinayaan ko nalang si Pablo na pumunta kela Stell at ako naman ay pumunta sa mga kaibigan ko.
"Hey, girl!" Bati nila nang makita ako. Naupo lang ako sa tabi ni Keicy.
"Anong ganap?" Tanong ko.
"Lalabas kami mamaya. Sama ka?" Tanong ni Daria kaya bahagya akong natigilan.
"Uhh... kas-" naputol ang dapat kong sabihin nang may sumabat.
"Liah, mamaya, ha? 'Wag kang tumakas. Lilibre na kita," sabi ni Pablo na nasa harapan pala namin saka ngumiti at bumalik kela Stell. Siraulong mokong.
"Ay, kaya pala! May lakad mamaya with her 'boyfriend'. Sana all," ani Keicy saka ngumisi.
"Anong boyfriend? Hindi no!" Sabi ko.
"Bakit? May sinabi ba kaming boyfriend na as in jowa? Karelasyon? Kasintahan?" Tanong ni Daria kaya napairap ako dahil nagsitawanan sila.
"Kung ano anong sinasabi nyo," sabi ko.
"Kung ano anong iniisip mo," balik naman ni Celine kaya napairap na naman ako. Nako! Pinagkakaisahan nila ako.
"Oh sige. Kami na lang ang maggi-girls hangout mamaya," sabi ni Daria saka humarap sa notebook nya at nagsulat ng kung ano-ano.
"Next time ka na lang ulit namin aayain kapag hindi na kayo busy ni Pablo," natatawang sabi ni Keicy.
"Tigilan nyo nga ako!" Sabi ko saka kinuha ang earphone ko at nilagay sa tenga ko. Nako!
Mabilis natapos ang pang-hapon na klase at ngayon, narito na ang kaibigan kong hindi nabubuhay nang walang hotdog.
"Tara, let's!" Sabi ni Pablo nang matapos ang klase namin. Nag ayos na ako ng gamit. Sina Daria, Celine at Keicy ay nauna nang lumabas dahil nga daw sa girls hangout nila. Sila Stell, Ken at Justin naman ay papalapit samin ngayon.
"Bro, una na kami," ani Stell saka tinapik ang balikat ni Pablo at nakipag highfive naman sya sakin. Ganun din sina Ken at Justin saka sila lumabas ng room.
"Come on, Alliah!" Sabi ni Pablo saka hinila na 'ko palabas ng room kaya nagpatianod na 'ko.
Hindi naman sya excited n'yan?
"Hinay-hinay naman! Hindi aalis yung pupuntahan natin!" sabi ko dahil tumatakbo sya habang hila ako. Kapag ako nadapa, hahambalusin ko sya.
"Bilisan mo!" Sabi nya saka kami huminto sa tapat nang bike nya. Nakaparada din don ang bike ko na niregalo pa sakin ni Kuya Josh nung isang taon. Alam nya kasing mahilig kami ni Pablo sumakay sa bike. Pero, ako lang ang niregaluhan nya. May pambili naman si Pablo eh. Ano s'ya, gold?
Tinanggal namin ang kandado sa bike namin at agad sumakay. Mahaba naman ang skirt ng uniform namin kaya walang problema kung magbike pa ko. Isa pa, nakashort naman ako sa loob.
"Tara na!" Sabi ni Pablo at nagsimulang paandarin ang bike nya. Kanina pa sya tara na nang tara na eh hindi ko nga alam kung saan ang punta namin.
Sinundan ko lang sya habang nagba bike kami at maya-maya pa ay huminto kami sa amusement park. Nagpark kami sa bike lane sa gilid at agad nya 'kong hinila papasok.
"Teka lang!" Sabi ko kaya kunot noo syang napalingon sakin.
"Bakit?"
"'Yung gamit ko," sabi ko saka binalikan 'yung gamit kong nasa basket sa harap nang bike.
"Ay, oo nga. 'Yung akin din!" Sabi nya saka kinuha din yung gamit nya saka kami pumasok sa loob matapos nyang magbayad nang entrance free. Libre nga nya. Pati tokens at ticket.
"Saan tayo una?" Tanong nya kaya napatingin ako sa paligid. Hmm... Ano bang magandang sakyan?
"Bump cars?" Tanong ko at lumingon sya sakin at ngumisi.
"Tara!" Sabi nya saka kami tumakbo papunta sa 'kung saan ang bump cars. Magkahiwalay kami ng sinasakyan ni Pablo at kaming dalawa ang nagbabanggaan.
"Hahahaha! Weak ka pala eh!" Sigaw nya habang nakangisi.
"Yabang mo!" Sabi ko saka binangga sya at napasigaw ako nang bumangga sa kan'ya ang kotseng sinasakyan ko.
"Aray!" Sigaw niya saka sinamaan ako ng tingin.
I stuck my tongue out to tease him. "Bleh. Ayan kasi, yabang mo," sabi ko saka nagdrive palayo sa kanya.
Naghabulan kami 'don na parang bata. Sigaw sya nang sigaw kaya napapatingin yung mga taong nandun at ako naman paulit-ulit na sinasabing hindi ko sya kilala kahit ang totoo ay halos maluha na ako sa kakatawa dahil sa pinaggagagawa nya.
"Saan naman tayo?" Tanong ko pagkalabas namin sa bump cars. Lumingon-lingon pa kami at naghanap ng pwedeng malaro o masakyan.
"Alliah..." Tawag nya kaya napalingon ako sa kanya.
"Bakit?"
"Laban tayo. Dun oh..." Sabi nya sabay nginuso yung isang game booth don. Paramihan ng score sa basketball. Paramihan ng mashu-shoot.
Lumingon ako sa kanya. "Game," nakangising sabi ko.
Ngumisi din sya. "Confident kang mananalo ka?" Tanong nya.
Marunong akong magbasketball, no. Tinuruan ako ni Kuya Josh nung minsang wala sya nagawa at hindi nasapian ng batugang espirito. Tinatamad daw sya pero tinuruan akong magbasketball.
"Of course," sabi ko.
"Well. Let's see," sabi nya saka kami nagpunta sa tapat ng booth. Nakapwesto kami ng magkatabi at saka nagtinginan.
"Game?" He smirked.
I smirked back. "Game!"
Let the game begin.
Naglaglag kami ng token at nagstart kami ng pag-shoot. Hindi ko tinatapunan ng tingin ang points nya at nakatuon lang ang pansin ko sa pagshu-shoot. Nang maubos ang oras ay tumigil na kami at humarap sa isa't isa. Nagtanguan kami saka sabay na humarap sa points namin.
250 ang points ko at kay Pablo ay...
"300?!" Gulat na tanong ko at napatingin sa kanya nang nakangiti na animo'y proud na proud.
"Paano ba 'yan? I'm the winner!" Sabi nya kaya binatukan ko sya.
"Yabang mo," sabi ko at tinalikuran sya.
"Alliah! Pikunin mo, ah!" Napairap ako at napailing.
Well, congrats. Nagugutom lang ako kaya aki nagwalk out.
-
Edited Version.
BINABASA MO ANG
HANAHAKI | SB19 Pablo ✓
FanfikceHanahaki is a disease where the victim of unrequited or one-sided love begins to vomit or cough up the petals and flowers of a flowering plant growing in their lungs, which will eventually grow large enough to render breathing impossible if left. On...