Isha Karmela Montes
"Tutuloy na ho kami, salamat po sa pagkain" pagpapaalam ni sir de vera sa akin at sa aking pamilya
"Walang anuman adon! Sa susunod ay anyayahan mo ang papa mo kapag nandiyan na sila ah, miss ko na ang pare kong iyon"
Ang papa kasi nila si de vera at si papa ay naging magkatrabaho noon sa isang kumpanya
"Sige ho makakarating kay dad! For sure matutuwa iyon kapag nalaman na malapit lang kayo rito"
"Isha ihatid mo na sa labas ang iyong bisita"
Sinunod ko naman ang nais ni papa at inihatid ko sila sa labas ng gate
Nilapat ko ang aking tingin kay ralph, nauuna siyang maglakad sa akin kaya ang malapad niyang likod lamang ang aking nakikita
Are you sincere for the feelings that you have for me?
Or
You're just hitting me and made me as a rebound?
Nagbuntong hininga na lang ako at hinilot ang sentido dahil sa mga naiisip kong tanong
Ano ba isha? Ano naman ngayon kung gayon nga ang plano niyang gawin sa akin? Wala naman akong nararamdaman sa kaniya. Wala.
Nauntog ako sa likod ni ralph, hindi ko napansin na huminto na pala siya sa paglalakad
"B-bakit?"
Instead of answering, he just stare at me
"What?""May problema ka ba? Tahimik ka mula kanina"
Bumagsak ang tingin ko sa aking mga kamay
"W-wala ayos lang ako"Lumapit siya sa akin at sinapo ang aking noo
Napatulala na lang ako sa kaniyang kilos
Hindi ko alam na mas mas gwapo siya sa malapitan. Kitang kita ko ang mga mata niyang kulay kayumanggi, ang pilik mata niyang mahaba, makapal na kilay, matangos na ilong, labing kay pula at parang kay sarap hagkan at ang dimple niyang malalim.Wala sa sarili kong inilapat ang hintututo ko sa kaniyang kanang dimple
Nanlaki ang mata ni ralph sa ginawa at ganon din ang naging reaksyon koAgaran kong tinanggal ang aking daliri at umalis sa kaniyang harapan
"T-tara na"
Pero hinigit niya ang aking kamay
"Bakit?" Tanong ko sa kaniya"Masaya lang ako, please be happy isha"
He said it and give me a sincere smileNgumiti na lamang ako ng tipid sa kaniya
For this moment I don't why but i wanted to hug him tight, but i stop myself
"Ishka!" Tili ni jasmin ng makita niya ako sa corridor
Niyakap ko rin siya at nagtatalon kami habang tumitili
"Isha! Jasmin!" Tili naman ni kc ng makita niya kami
"Guess what?" Ani ni kc
"What is it?"
"Wala na kami ni aldrin" masayang sabi niya
Kumunot ang noo at nagkatinginan kami ni jasmin
"Ano? Wala na kayo pero bakit parang masaya ka pa?"
"Wala, I just found myself wanting to be free. Naisip ko kasi parang mas masaya ako kapag single, nagagawa ko lahat ng gusto ng walang limitasyon and mas gusto kong maraming crushes kaysa naman loyal nga ako pero siya, hindi naman" she smiled to us "and ayaw mo yun ishka may karamay ka na"
Inirapan ko siya "huwag ka ngang hipokrita ka ba? I know you kc, you can't stand having no boyfriend or suitors"
She shrugged her shoulders "well it's okay for me to have a lot of suitors, pero hindi ko sila sasagutin"
"And use them as a advantage because they're giving you the things that you wanted?"
"Well... yeah"
Nagbuntong hininga si jasmin
"Stop that kc, hindi maganda na gagamitin mo lang sila dahil sa pera or pagkain, hindi mo alam baka mamaya gantihan ka ng mga iyan""But you know me jas, i am the type of person that can't reject, mas gugustuhin ko pa na ako yung ma reject kaysa ako yung makasakit"
"Pero pag pinagpatuloy mo iyan sa huli ikaw ang kawawa, hindi ka ba naawa sa sarili mo? Ano mas gusto mo na ikaw ang napagiiwanan?"
Inangat ko ang tingin ko kc na ngayon ay hindi na makatingin kay jas dahil sa mga sinabi nito sa kaniya
"Kc hindi masama na ikaw ang mang iwan minsan, if you have a good reason then go. What if hindi mo talaga siya gusto then let him go, kaysa naman hindi mo siya gusto pero hindi mo kayang iwan ano ang lalabas doon? Awa hindi pagmamahal"
"Can't you just support me for what I want? Akala ko ba magkaibigan tayo?"
"Yes we are! Kaya ko ito sinasabi sayo kasi ayaw ko lang naman na ikaw na lang palagi ang nasasaktan!"
"Hindi mo kasi ako naiintindihan, wala ka sa sitwasyon kaya nasasabi mo yan, hindi mo alam ang pakiramdam"
I stand between them
"Tama na nga yan jas, kc! Walang patutunguhan yang pag tatalo niyo, jas just let kc for what she wanted, wala na tayong magagawa"Jas look at me coldly
"Fine! Mas gusto mo naman saktan sarili mo eh, then go pero huwag na 'wag ka ng lalapit at iiyak sa akin kapag iniwan ka, because that's your choice!"Umalis si jasmin sa harap namin, tinawag ko ito pero pinigilan ako ni kc at sinabing hayaan munang humupa ang init ng ulo nito
I understand kc, maski ako I don't want anymore to get hurt because of me, i prefer others hurting me than hurting them
sabay na kaming umakyat ni kc sa kanya kanya naming classroom.
Nakita ko sa di kalayuan si ralph na masayang nakikipag kwentuhan sa mga kaibiganI prefer others hurting me than hurting them, if i let ralph court me and give him a chance will it work? Is that fine with me? But what if didn't work? am I going to tell him stop or not
Natatakot ako na baka kapag pinagbigyan ko siya ay hindi dahil sa mahal ko siya, kundi dahil sa awa.
YOU ARE READING
My Fate
Aktuelle LiteraturA story of a girl who always cry and experience heart break Date written: December 6, 2018 End: March 19, 2020