Prologue

4 0 0
                                    

Setyembre 30, 1977

"Rico! Halika daliiiii!!!!! Ang ganda ng bulkan oh!!" parang batang naghihiyaw si Elena dahil tuwang-tuwa siya sa kanyang natatanaw habang sila ay namamasyal. Ang Bulkang Taal.

"Maaari bang i-ayos mo naman 'yang inaasal mo? Masyado kang makulit, ka-babae mong tao." pagsaway ni Rico kay Elena sapagkat masyado siyang maligalig. Kaya naman agad siyang pinalo nang malakas ni Elena sa balikat at tsaka ngumuso.

"ARA—bakit mo ako pinalo?!" pareklamong tanong ni Rico sa kanya na lalo pang ikinanguso ni Elena.

"Nang dahil diyan sa ugali mo! Alam mo, ang sungit mo! Wala namang dahilan para maging ganyan ka eh! Ang bait-bait ko kaya sayo!" Pakunwaring umiiyak na singhal ni Elena at natatawa naman si Rico sa kanya, habang kumikinang ang kanyang mga matang pinagmamasdan siya.

"BAKIT TUMATAWA KA PA?! HA?! ANG SAMA NG UGALI M—" nang dahil sa napakalakas na boses ng dalagita ay marami na ang nakatingin ng masama sa kanya ngayon na ikinabahala ni Rico.

"Ssssshhhhhh.... Ang ingay mo kaya sila nakatingin sa 'yo oh." pagsaway ulit ni Rico sa kanya, pero inirapan lamang niya ito.

Isa-isa munang tinignan ni Elena ang mga tao na tinatapunan siya ng masasamang tingin at sinasabayan na rin ng kung anu-anong mga bulungan.

"ANONG PAKIALAM KO SA INYO? PINAPAKIALAMANAN KO BA KAYO?? ALAM NINYO, MIND YOUR OWN BUSINESS!! SCRATCH YOUR OWN GALIS!! MGA PESTE!!" Ang mga taong kanina ay nakatingin ng masama sa kanya ay tila ba't nagtaka at nagulat sa pag-iiskandalo niya. Kaya napapailing na lang si Rico sa iskandalong idinulot ng kanyang matinis na boses at bigla na lamang....

"Ho-hooyy!! Saan mo 'ko dadalhin??" Nababalisang tanong ni Elena sapagkat biglaan ay hinila siya ni Rico.

"Ang OA mo eh noh?" - Rico

"Anong OA ka dyan—SAAN MO KO DADALH—TULOONG!!"

"Pssstt!! Huy!! Umayos ka nga! Nakakahiya ka!" Pagsasaway ngunit tatawa-tawa si Rico dahil hindi niya na nakakayanan ang inaasta ng kanyang kasintahan.

Kung ilalarawan mo si Elena, siya ay marikit.(Maganda) Matangos ang ilong, unat na mahaba ang buhok at maliit ang mukha. Kung katawan naman niya ang pag-uusapan, payat siya na matangkad (5' 9" ang taas) at makinis ang kanyang balat na kulay kayumanggi. Ngunit sa likod ng kanyang napakagandang mukha ay mayroon siyang hindi kanais-nais na pag-uugali. 'Yon ay ang pagiging 'madaldal' na napakasagwa para sa isang babae. Bukod doon, siya rin ay palaban, hindi naman masyadong katalinuhan ngunit masipag mag-aral. Pero sa kabila ng pagiging masagwa niya ay mayroon naman siyang ginintuang puso. Siya ay napaka-masiyahin kaya hindi nawawala ang napakatamis na mga ngiti sa kanyang labi, mapagmahal at higit sa lahat, MASARAP SIYANG MAGLUTO.

Si Rico naman ay ubod ng gandang lalaki. Matangos ang ilong, mapula ang kanyang labi, makakapal ang kilay at maganda ang mata. Sabagay, may lahing intsik kaya medyo manilaw-nilaw ang kanyang kutis at maaliwalas ang mukha. Pero hindi singkit ang mga mata niya, tama lang naman. Hindi rin malaki at hindi rin singkit, basta maganda mata niya. Matangkad siya (6' 0" ang taas) at payat na medyo matipuno ang katawan. Pero kung sa ugali tayo babase, parang walang kwenta sa kanya lahat ng bagay dito sa mundo. Kalmado, tahimik pero madaling mairita at ni hindi mo makikitang tumatawa o ngumiti kahit minsan. Masyado siyang malamig sa lahat. Maliban lang sa napakagandang dalaga na bumihag sa puso niya...at iyon ay ang pinakamamahal niyang kasintahan na si Elena. Na tinuruan siyang ngumiti, na dati ay hindi niya magawa kahit minsan.

"Oh diba? Mas kaaya-ayang tignan ang bulkan ngayong mas kitang-kita natin ang kabuuan nito?" Nakangiting tanong sa kanya ni Rico at hindi naman maialis ni Elena ang mata niya sa bulkan sapagkat nakikita na niya ang kabuuang anyo ng Bulkang Taal na nasa lawa. Nakanganga pa siya.

You and I, ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon