;1

30 4 0
                                    

Rafaela's POV

Today is Sunday.

Hindi naman bakasyon, weekend lang tapos naisipan ni mommy na mag swimming daw kame.

Pumayag na din ako para mawala stress ko sa mga school works.

Kung nagtataka kayo puro si mommy lang nababanggit ko dahil sya nalang ang nandyan para sakin.

My dady died in a car accident.

Dahil dyan nagbago pananaw ko sa buhay, kung dati puro kalokohan lang sa school ngayon mas nag sumikap ako.

Because of that incident, i learned on how to understand and appreciate little things. I tried to get better grades in school and some achievements.

Until now I remember his advice to me

"Anak kung anong nagpapasaya sayo wag mong pigilan, hayaan mo lang yung mga tao sa paligid kung ano man ang sabihin sayo, ang mahalaga wala kang tinatapakan na tao."

Sa sobrang lalim ng iniisip ko di ko napansin na tumulo ng kaunti ang luha ko at may tao pala sa tabi ko. Nandito ako ngayon sa tabing dagat.

Hindi ko kilala kung sino tong tumabi saken, I admit gwapo sya, at naka topless kaya kitang kita ko yung kakisigan nya.

Hindi ko inaasahan ang sunod nyang ginawa. "Take this." Sabi nya sabay abot ng panyo.

"Salamat."

Isang buntong hininga ang narinig ko sa kanya bago sya magsalita. "Napansin ko kase... kanina kapa nag iisa dito, wala ka bang kasama?"

"Meron, i just want to be alone."

"Hmm."

"Ikaw? sinong kasama mo?"

"Friends."

Habang nag uusap may bigla nalang tumawag sa kanya. "Dietheeeerrr!!!"

Isang babae at lalaki ang tumatakbo papalapit dito at parang nagtataka ang mukha ng babae.

"Naks naman pre bagong chix na naman?" sabi sa kanya ng lalaki habang naka ngisi.

Tanging ngiti lamang ang sinagot nito.
"Tawag na tayo nila kakain na." sabi ng babae at ngumiti.

Maganda sya, sexy, maputi at higit sa lahat nakakaagaw pansin yung pagiging short hair nya.

"Ah sila pala yung mga kasama ko, I'm Diether sila naman si Adrian at Claudine."

"I'm Rafaela, Raf nalang para mas maikli."

"Sige punta nako don."

"Salamat sa panyo."

Pagkasabi ko non takang napalingon yung babae na may halong lungkot sa kanyang mata habang paalis.

Nag aya na si mom na umuwi at hapon na pero bago makauwi hiningi muna ni Diether yung number ko para daw may communication kame. Speed langsssss

Di ko sila kilala pero sure ako same din kame ng school na pinapasukan.

So eto Monday na balik sa reyalidad tayo.
Dito sa school may mga kaibigan ako pero sobrang tahimik ko lang at hindi masyadong in sa mga trip nila.

Natapos na ang class at pauwi nako. May nagtext at alam ko na kung sino to.

09*********:
After class kita naman tayo dito sa restaurant malapit sa school. This is Diether.

Unexpected [On-Going]Where stories live. Discover now