Sam's P. O. V
Nag umpisa na kaming mag warm up para ma stretch ang katawan namin at hindi kami nakaramdam ng sakit sa katawan.
Pumwesto na ako sa harap dahil ako ang blocker sa team namin, kinalaban muna namin ang isat isa para ma train,nasa kabilang court si Lizel kasama si Alex,Glyzhel,Caroline,at ang baklang nakikisama si Jam jam. Kasama ko naman si Rizha, Jenelyn,Nicolle,At Reniel.
Si Angel naman ang pinag iiscore namin para makita namin kung sino lamang o tambak,gusto kasi namin makita kung sino ang magaling sa team namin.
Nag serve na si Lizel bilang simula ng laro,nagulat ako ng pumasok ang bola sa net namin pero na received naman ni Reniel kaya bumalik ang bola sa kabila.
Nasa kalagitnaan na kami ng laro at tie ang score namin,nag iinit na ang mga kasam ko kahit alam naming larolaro lang ito, mas lalalong nainis si Nicolle ng mag spike si Lizel.
"Anak ng tokneneng yan? " inis na sambit ni Nicolle ng hindi niya na receive ang bola.
"Chill kalang, larolaro lang to" natatawang sabi ni Jenelyn.
Pumasok ang serve ni Glyzhel pero na receive ito ni Rizha papunta kay Reniel para ma set tan ako,napalo ko naman ang bola kaya pumasok. Tie ulit ang score namin.
Pagkatapos kong i serve ang bola ay pumagitna ako,na receive ni Caroline at mabilis na tumalon si Lizel para mag spike,dahil sa bilis ng pangyayari di ko napansin na papunta sa akin ang bola at di ako nakaiwas agad kaya sumapol ng derekta sa mukha ko.
Rhed's P. O. V
Wala kaming training ngayon dahil kaylangan magpahinga ni Kim ngayon dahil muntik na siyang mapilay kahapon sa traning namin, kaya pinagpahinga muna kami ni Choach.
Per section dito sa school ay may sariling Choach sa kahit anong sports,kaya walang dayaan na magaganap at magsasabing tinuruan kasi sila ni ganito ganyan, kaya ginawa nalang ang batas na yun.
I feel like to watch the volleyball team kaya I Headed to gym, umupo ako sa di kalayuan then I put my things down to comfortably watch the game.
I was amaze when I saw Sam spiking the ball and blocking it easily,nasa kalagitnaan ng paglalaro nila ay nagiinit na sila.
Nagulat ako sa pinapakitang gilas ni Lizel sa mga ka team niya,ang galing pala niyang maglaro.
"Set" sigaw ni Jenelyn.
Nahampas niya naman ito pero na receive parin ng kabilang team, I was amazed on how good they are. Sinet ni Alex ang bola para maka spike si Lizel, at pinapatama niya ito kay Sam, iba ang pakiramdam ko dito pero baka part of the lang siguro.
Nag patuloy ang laro at ganoon parin ang ginagawa ni Lizel,pinapatama niya nga ang bola kay Sam at halatang nahihirapan si Sam dahil nasa gitna siya.
Napunta ulit ang bola sa team ni Lizel at sa sobrang lakas ng hampas niya sumapol sa mukha ni Sam yung bola. Napatayo ako sa kinauupuan ko at napatakbo papunta kay Sam dahil nawalan siya ng malay.
"Excuse me" sabi ko at pinagilid ko lahat ng player."Sam? Sam?"tinapik tapik ko ang mukha niya pero di talaga siya gumigising.
Pulang pula ang mukha niya at biglang may lumabas na dugo sa ilong niya"Guysss..tulong,ipunta na natin siya sa clinic"sigaw ko.
Binuhat ko siya papuntang clinic at agad na nag paasikaso sa nurse, pag ka higa ko sakanya.
"What happened to the patient?" tanong ng nurse.
"Natamaan po ng bola ng volleyball" sabi ko.
"Nurse Rhaida check the vital sign" sabi niya sa isapang nurse.
"The patient is conscious "
"Kailangan niya munang magpahinga" sabi sakin nung nurse Rhaida.
"Kailan po siya magigising?"
"Mayamaya,she will feel normal within 10 minutes after fainting,at isa din siguro sa dahilan ng pag kahimatay niya ay walang laman ang tiyan niya"
Lumabas na ako sa clinic para bumili ng pagkain niya para may makain siya pagkagising, kaya din pala siya nag faint dahil walang laman ang tiyan niya.
Nakasalubong ko si Lizel at nainis ako sa presensiyang dala niya.
"How is she? " nag aalalang tanong niya. Pero ang dating sakin nun ay sarcastic.
"She's fine, she need to rest"
"I am sorry for her, I didn't mean it"
"Really? " sarcastic kong sabi.
"Ha? What do you mean?" takang tanong niya.
"Look.. I am not suspecting you, na hindi mo nga sinasadya yun pero parang may galit ka sakanya eh"
"W-wala akong galit sakanya no?" pabiro niyang sabi.
"I'll go ahead,bibili pa ako ng lunch niya" saka ako tumalikod.
"Wait, di pa tayo tapos mag usap" hinawakan niya ang braso ko at pinaharap ako sakanya.
"Ano pang paguusapan natin? "
"Ahmm..something"
"I have no time for chatting some conversation,lalo na kung hindi importante" saka ako tumalikod.
Bumili na ako ng pang lunch namin sa mall saka ako dumaan sa fruit stole.
"Uyy Dea may pogi nanaman" bulong ng sale's lady.
"Hay nako Jhervegail yaan ka nanaman, mamaya kasama pala niya yung girlfriend niya" suway sakanya ng isang babae.
Namili na ako ng prutas saka ko binigay sa babae nagulat pa ako ng bigla siyang tumili.
"Kyaaaaa..ang pogi niya" napakunot noo akong tumingin sa tumili.."Oh my gosh nakatingin siya sa akin"
Teka ako ba ang tinutukoy niya? Lumingon ako sa likod pero ako lang ang costumer na lalaki.
Lumingon ulit ako sa kanya at nakipag eye contact para masiguro kong ako nga yun.
"Mamatay na ba ako? Nag eye contact kami" saka siya tumalon talon na parang bata. Ngumiti ako sakanya saka akk bumaling sa cashier.
"Ito na po sir" abot niya sa akin.
"Thanks"Ngumiti ako sakanya bago ako tumalikod. Narinig ko pa silang nag sigawan pero di ko nalang pinansin.
"Ganon ba ako ka gwapo?" bulong ko sa sarili ko.
Pinaandar ko na ang sasakyan ko saka mabilis na bumalik sa school. Pag pasok ko sa clinic nakita kong tulog parin siya.
"Nurse..??" patungkol ko sa pangalan niya.
"Rhaida.."nakangiting sabi niya."May I help you? "
"Here, thanks for taking care of her" inabot ko ang donut sakanya.
"No need to thank me, it's my job" sabi niya.
"Just take it" sabi ko.
"Okay, thanks for this" tinanguan ko lang siya saka ako lumapit sa kama bi Sam.
"Bakit ka kasi hindi kumain? Yaan tuloy nahimatay kapa, pinahirapan mo pa akong mag buhat sayo, at ang bigat mo pa" wala sa sariling kausap ko sakanya saka ko inalis ang tumatabing na buhok sakanya.
"Sinabi ko bang buhatin mo ako? " narinig kong may nag salita. Pero inisip kong guniguni ko lang.
"Syempre bubuhatin kita dahil mahal kita at ayaw kong makitang nasasaktan ka"
"Mahal mo talaga ako? " may narinig akong boses ulit.
"Mahal na mahal" napahinto ako sa pag tanggal ng buhok sa mukha niya ng makita ko siyang nakamulat at nakatingin sa akin.
Napalunok ako dahil siya pala yun at hindi ko man lang namalayan.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (Completed)
RomanceLove Episode #1 Love is a choice, love is complicated, love is the hardest part of our lives..yet it is the best feeling..and love is unpredictable and unexpected.. Ang kwentong ito ay tungkol sa hindi inaasahang pagmamahal, pagmamahal na hindi inaa...