His Miracle
EROS POV
"Laman ka ng aking mga panaginip.
Magmula noon ako'y nabalot na ng misteryo at pagtataka.
Hindi ko alam kung bakit pati isip at puso ko ikaw ang laman
Bangungot ka nga ba o hinaharap?Isinisigaw ng puso na ikay totoo.
Pero paano at bakit?
Hindi ko alam.
Kayat ikay hinanap kahit alam na walang kasiguraduhan.Isang araw sa kawalan,nahanap ko ang aking sarili—labis ang aking pagsisisi.
Isang araw sa kawalan,nahanap ka—labis ang aking kasiyahan.Kapatawaran ang aking huling hangad pagka't di ko agad nasabi sayo ang katotohanang matagal ko nang binaon sa limot...
Ang katotohanang..................""Eros tulungan mo ako dito sa baba andaming customer!"
Nagising ako sa lakas ng sigaw ng aking ina.
Dagli-dagli naman akong pumunta sa baba para tumulong.
Dagsaan na ang mga customer nang makababa ako kaya naman mas binilisan ko pa ang pagkilos.
Nang magawi ako malapit sa may gate ng bahay ay napatigil ako nang makita ko siya.
Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko sa mga sandaling yun.
Tinitigan ko lang siya.
Ilang beses ko na nga ba siyang nakita?
Hindi ko narin mabilang.
Hindi ko alam kung kelan nagsimula itong kakaibang nararamdaman ko para sa kanya.
At hindi ko alam kung bakit pero parang konektado kami sa isa't isa.
Merong parte sa isip ko na nagtutulak na kilalanin siya.
Pero wala akong sapat na lakas ng loob para gawin ang bagay na yun.
Madalas ko siyang makita rito sa lugar namin at walang araw na hindi niya dala ang makapal nitong libro na may nakaipit na lantang rosas.
Sa pagtitig ko sa kanya ay nahulog sa sahig ang mangkok ng ulam na nasa hawak kong tray at nabasag.
"Ano ba naman yan Eros anak mag-ingat ka naman malulugi negosyo natin sa pinaggagawa mo."
Nataranta kong pinulot ang basag na mangkok sa sahig.
Tiningnan ko uli siya sa kanyang kinatatayuan pero wala na siya rito.
Pagkatapos ng trabaho sa bahay naghanda na ako para pumunta sa aming eskwelahan.
Kasalukuyan akong nasa 4th year Highschool at naway maipagpatuloy ko pa hanggang kolehiyo.
Kinuha ko ang bag at bike ko at mabilis na umalis ng bahay.
~*~
Pagsapit ng breaktime sa klase ay agad na akong umakyat patungo sa rooftop ng school.
Madalas kapag may bakanteng oras sa klase ay lagi akong pumupunta rito tutal wala naman akong kaibigan.
Nag-transfer ako sa school na 'to tatlong taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon wala parin ako ni isang kaibigan.
Paano ako makikipagkaibigan kung sila na mismo ang kusang lumalayo sa akin.
Marumi ang reputasyon ng aming pamilya.
BINABASA MO ANG
Miracle Dream (The Wattys 2020 Nominee) (The Wattys 2021 Nominee)
RomansaSa kwento ng pag-ibig na pinag-ugnay ng nakaraan at hinaharap-ng milagro at panaginip... Tahimik ang buhay ni Eros hanggang dumating sa kanyang buhay si Mary, isang unrequited soul-na lingid sa kanyang kaalaman. Posible nga bang magkaroon ng pag-ibi...