Chapter 2

3.7K 66 31
                                    

Ginabi na ako ng uwi dahil narin sa graduating student na ako.
Ilang buwan nalang ang natitira at makakatapos narin ako ng Highschool.

Pumunta ako sa kwarto ko at humiga.

Naalala ko uli ang mga nangyari kanina at ang kanyang sinabi.

"Sa lahat ng masasakit na katotohanang nalaman ko...ikaw lang ang katanggap tanggap."

Paulit ulit na naglalaro sa isipan ko ngayon ang mga katagang yan na sinabi niya sakin kanina.

Kinuha ko ang librong naiwan ni Mary.

Ang libro ay may pagka-antigo ang kulay nito ay pula at kapansin pansin ang disenyo nito.

May rosas ditong nakaukit.
Binasa ko uli ang pamagat ng libro.

"A Miracle"

Binuksan ko ang libro.

Sa unang pahina nakasulat ang "Dear Diary" nang mabasa ko ito tsaka ko lang napagtanto na hindi pala ito libro kundi isang Diary.

Walang pag-aalinlangan ko itong sinara.

Alam kong wala akong karapatan na basahin ang laman nito.

Itinago ko ang libro at natulog.

Hanggang sa pagtulog ay binabagabag ako ng aking isip.

Gustong gusto kong basahin ang diary ngunit pinipigilan ito ng aking konsensya.

Tinakpan ko ng unan ang aking mukha at dun inantok.

"Wag! wag nyo po akong papatayin pakiusap. Marami pa akong pangarap sa buhay na gustong makamit.Wag! Wag! Pakiusap!"

Isang babae ang sumisigaw sa isang madilim na gusali.
Nakagapos ang mga paa't kamay nito.

Sa kabilang dako naroon ang isang lalaking may edad na.

May dala itong baril na nakatutok sa babae.

"Wag po pakiusap wag mo akong patayin." pagmamakaawa ng babae at naglupasay sa malamig at maalikabok na sahig at umiyak ng umiyak.

Hindi nagpatinag ang lalaki at itinutok muli ang baril na hawak.
Unti unti nitong kinalabit ang baril

"Pasensya na trabaho lang."

Isang nakakabinging ingay ang lumabas at sa isang iglap tumumba ang katawan ng babae sa sahig.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh."
Hangos hangos akong napabangon sa aking higaan.

Umaagos ang malagkit na pawis mula sa aking mukha.

Miracle Dream (The Wattys 2020 Nominee) (The Wattys 2021 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon