Chapter 7

2.8K 55 22
                                    

Lunes ng umaga araw ng pagpasa ng mga proyekto.

Maaga palang ay nandun na ako sa school.

Inagahan ko talaga para may oras pa akong tapusin ang project ko.

Mas inuna ko pa kasing basahin ang mga libro na binili ni Mira kesa sa project ko.

Mangilan ngilan pa lamang ang naroon sa school.

Umakyat ako sa rooftop at sinimulan ang Scrapbook na project namin.

Nasa kalagitnaan ako ng pagdidikit ng mga abubot ng biglang sumulpot bigla sa tabi ko si Mary.

Nagitla ako at namula nang lumapit siya sa akin.

"Ano yang ginagawa mo Eros?" tanong nito sabay agaw nung scrapbook.

"Scrapbook yan." sabay hila uli sa scrapbook.

Buti nalang at hindi napunit.

"Alam kong Scrapbook yan pero para saan?"

"Project namin."

"Pwedeng makita?"

"Hindi pwede." mariin kong sagot.

Hinablot niya uli ito sakin at binuklat.

"Me. I Am Eros pffft." pigil tawang basa nito.

Napayuko ako at di maiwasan ang pagkahiya.

"Akin na nga yan." pilit ko itong inaagaw ngunit sadya siyang mailap.

"Teka ikaw ba to? pffft hahaha payatot!"

Nakakahiya.

Picture ko pa nung elementary yun.

Wala naman kasi akong camera ngayon para kunan ang sarili ko. At tsaka di na kaya ako payatot.

"Motto: Ang pag-ibig ay walang pinipiling panahon." basa pa nito.

Nakakahiya.

"Pffft hahahahahaha di ko alam na may pagka-hopeless romantic ka pala Eros." natatawa nitong sabi.

"Mary angkulit mo akin na nga yan hindi ko pa tapos yan e ipapasa na namin yan mamaya." paliwanag ko.

"Ganun ba sorry hahaha." inabot sakin nito ang scrapbook at naiiling ko nalang itong kinuha.

Hanggang ngayon nakangisi parin siya at pinipigilan ang tawa.

Umupo ako at ginawa ang huling
page ng scrapbook.

"Eros meron sana akong ipaparinig sayong kanta."

"Anong kanta?"

Lumapit sya sakin at inilagay ang kaliwang parte ng headset sa tenga ko.

Biglang kumirot ang puso ko sa sandaling yun pagkarinig ko ng unang verse ng kanta.

Para akong maiiyak sa kanta ano mang minuto.

Pero bakit?

Bakit ko iiyakan ang kantang 'to?

Dahil nakakaiyak...

o dahil

sinasabi ng puso ko na may mali pero di alam ng isip ko kung bakit.

Hindi ko maintindihan ang  nararamdaman ko ngayon.

Tiningnan ko sya.

Nakapikit sya habang pinapakinggan ang kanta at ninamnam ang bawat sandaling ito.

Nagpatuloy pa ang kanta at napapikit nalang din ako at ninamnam ang nakaw na sandaling kasama siya...

Bakit niya ito pinaparinig sakin ngayon?

May ipinapahiwatig kaya siya.

Kung ano man yun alam kong nasasaktan siya ngayon.

At hindi ako manhid para di mahalata at malaman yun.

Binuksan ko ang aking mata.

Nakapikit parin sya.

Nililipad ng sariwang hangin ang ilang hibla ng kanyang buhok.

Natapos ang kanta at kasabay nun ay ang pagpatak ng kanyang luha.

"Mary may problema ba?"

"Pasensya ka na nakita mo na naman akong umiiyak. Huwag kang mag-alala okay lang ako may naalala lang ako." pinahid nito ang kanyang luha.

"Kung may problema ka wag mong kimkimin at sarilinin kung gusto mo ng kausap andito lang ako handang makinig sayo."

Napangiti siya.

"Naiyak lang sa kanta may problema agad?" biro nito.

"Di ba pwedeng nakakadala lang yung kanta." pagpapatuloy nito.

"Hahaha oo nga para ngang maiiyak din ako sa kanta kanina e." natatawa kong tugon sa kanya.

"Pero seryoso kung may problema ka andito lang ako na handang makinig."

Tanging matamis na ngiti lang ang naisagot nito.

"Yan dapat lagi kang nakangiti.Wag mong itago yang maganda mong ngiti."

"Salamat." nahihiyang sabi nito.

May kinuha siya sa kanyang bag.

Yung Diary nya.

Kinuha nya mula rito ang matagal nang nakaipit na lantang rosas.

Inabot niya ito sakin.

Maingat ko itong kinuha.

At sinabi niya ang mga salitang nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Eros magmula sa araw na to, handa na akong guluhin mo ang buhay ko."

Miracle Dream (The Wattys 2020 Nominee) (The Wattys 2021 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon