Chapter 8

2.7K 51 2
                                    

Kinaumagahan ay nagising ako sa ingay ng aming kapit-bahay.

"Panaginip lang ba yun?" napadapo ang tingin ko sa mesang kalapit ng aking kama.

Nandun ang lantang rosas na binigay niya sakin kahapon.

Kinuha ko ito.

Naalala ko ang sinabi nya.

"Eros magmula sa araw na to, handa na akong guluhin mo ang buhay ko."

"Anong ibig nyang sabihin?" bulong ko sa sarili ko.

Pilit kong pinagkakaila sa isip ko ang maaring sagot sa bugtong niyang yun.

Walang kasiguraduhan.

Kayat pilit kong ipinagkakaila.

Naghanda na ako at dali daling pumuntang school.

Nakita ko si Mira na hinahabol ng kanyang boyfriend na si Nathan.

Tuloy lang sa paglalakad si Mira at di inalintana ang kanyang boyfriend.

Kaya pala malungkot si Mira nitong mga nakaraang araw.

Pumasok na ako sa aming room.

Nagsimula nang magturo ang guro namin pero tila walang pumapasok sa isip ko.

Hindi ako maka-concentrate dahil laman lang ng utak ko ngayon ang huling sinabi sakin ni Mary.

"Eros magmula sa araw na to,handa na akong guluhin mo ang buhay ko."

Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko yung huli niyang sinabi.

Pagdating ng hapon suspendido ang klase dahil may urgent meeting ang mga teachers at faculty members sa school.

Buti nalang kasi lutang na lutang ako ngayon.

Plano ko sana siyang tanungin kung anong ibig niyang sabihin sa sinabi nito sakin.

Kahit pa mismong puso ko na ang nagsasabi ng maaring sagot sa mala-bugtong niyang sinabi.

Gusto lang sanang makasiguro.

Pero anlakas ng kutob ko na yun na yun.

Kung pumunta kaya ako sa bahay nila.

Wala sa sarili akong pumara't sumakay sa tricycle.

"Kuya sa dulo po ng Miracle Village sa may burol po."

Wala pang isang oras ay nandoon na ako.

Umakyat ako sa burol.

Andun siya nakaupo sa ilalim ng puno.

Nakapasak ang headset sa tenga nito habang hawak hawak ang kanyang Diary.

Natawa ako kasi nakapikit siya o baka naman natutulog.

Dahan dahan ko siyang tinabihan.

Di ko mapigilan ang mapangiti.

Ang haba ng pilik mata niya.

Ang puti puti ng mukha niya.

Halata rin ang mga namumulang ugat sa kanyang pisngi—rossy cheeks.

Napaka-perpekto ang hubog ng kanyang mukha.

Nadapo ang tingin ko sa labi nito.

Manipis ito at mapula.

Naakit ako sa kanyang labi.

Sa mga sandaling yun parang gusto ko siyang nakawan ng halik.

Lalo pa akong lumapit hanggang isang dangkal nalang ang pagitan namin sa isa't isa.

Napahinto ako at napalayo nang ibukas niya ang kanyang mata.

Napaiwas ako agad at tsaka pinagmumura ang aking sarili sa isip.

Napatigil lang ako ng magsalita siya.

"Anong ginagawa mo?"

"Ahh may dumi kasi sa mukha mo tinanggal ko lang." palusot ko sa kanya.

"Ga-ganun ba." pag-aalinlangan nito.

"Bakit ka pala nandito." tanong nito sakin.

"Ah-eh kasi?"

Di ko mabigkas at mahanap ang mga salitang gustong gusto kong sabihin sa kanya kanina pa.

"Ah-eh."

Nakakunot ang noo nito habang hinihintay ang sasabihin ko.

Huminga ako ng malalim at lakas loob kong binigkas ang gusto kong sabihin.

"Gusto ko lang sanang tanungin kung anong ibig mong sabihin sa s-sinabi mo nung nakaraang araw."

Napayuko nalang ako at hiniling na lamunin nalang ng lupa.

"Di mo ba alam ang ibig sabihin nun?"

"A-alam ko! ang ibig kong sabihin hindi ako sigurado." nakayuko kong sagot.

"Gusto ko lang makasiguro baka kasi mali ako ng pagkakaintindi sa sinabi mo." napa-bunot nalang ako sa mga damo sa aking inuupuan dahil sa sobrang hiya.

"Ano ka ba wag ka ngang yumuko diyan." natatawa nitong sabi at inangat ang aking mukha.

Napabitiw suya nang makita ang namumula kong pisngi.

"Ano bang pagkakaintindi mo sa sinabi ko?" nakangiti ito ng malapad.

Parang nang-aasar pa.

"Nakakababa kasi ng pride e."

"Ha? paanong nakakababa?"

"Dapat kasi ako ang unang magsasabi nung mga ganung linyahan. Tsaka di ko pa kasi nasasabi sayo yung nararamdaman ko para sayo."

Ngumiti siya sakin.

Yung ngiti niyang kaysarap pagmasdan.

"Kung ganun bibigyan kita ng pagkakataon."

"Ha? hindi ba awkward yun?"

"Ewan?"

Napatawa kaming pareho.

Alam naman kasi naming awkward ang usapang 'to sa simula palang pero bakit pa namin pinag-uusapan.

Siguro kasi pareho kami ng nararamdaman?

Siguro.

"Lahat ng bagay nasa tamang panahon." tanging sabi nito at pinikit uli ang kanyang mata at nakinig ng musika.

Ilang minuto lang napasandal na ang ulo nito sa balikat ko.

Dahan dahan kong inilagay ang kamay ko sa buhok nito at hinaplos.

Ang himbing ng tulog niya.

Napapikit ako sa hanging humahaplos samin ngayon.

Di ko na alam ang buhay na wala siya.

Miracle Dream (The Wattys 2020 Nominee) (The Wattys 2021 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon