Pagkagising ko ay wala na siya sa aking tabi.
May iniwan siyang kapirasong papel.
Binasa ko kung ano ang nakasulat
Ang mamuhay sa realidad kasama ka ay ang pinakamasayang pakiramdam,
Salamat.
- MaryNapangiti ako.
"Mas sumaya ang realidad ko nang dumating ka." bulong ko sa hangin at ngumiti.
Nilisan ko ang burol nang may saya sa aking mata't labi.
~*~
"Our school will be having a fieldtrip this coming Friday. Everyone is required so I am expecting your presence. Okay class dismissed."
Lunes ng umaga at ito agad ang bumungad samin.
Dagdag gastusin na naman.
"Ma'am saan po magfi-fieldtrip?" tanong ni Mira.
"Just wait until tomorrow for further announcement." sagot ng aming guro.
"Eros pupunta ka ba sa fieldtrip?" tanong sakin ni Mira
"Hindi ko pa alam e." kibit balikat kong sagot.
"Pero required tayong lahat." pag-aalala nito.
"Yun na nga e kaso baka kulangin pera ko pambayad."
"Yun lang pala e pwede kitang bigyan."
"Naku Mira wag na nakakahiya."
"Sus kung nahihiya ka sige papahiraman nalang kita okay ba yun?"
"S-sige ba kung okay lang sayo."
"Sure no problem."
"Salamat."
"You're welcome."
~*~
Kinabukasan sinabi ng teacher namin na ang fieldtrip ay gaganapin sa Hundred Island.
Madaming natuwa dahil karamihan samin ay hindi pa nakakapunta dun.
Narito kami ngayon ni Mary sa dulo ng burol at nakasilong sa kaisa-isang punong naroon.
"Ang lungkot mo naman ata ngayon." sabi nito habang patuloy lang siya sa pagduyan sa duyang ginawa ko para sa kanya kanina.
Nandito kami ngayon sa mataas na parte ng burol at nakasilong kami sa aming usual spot—ang nag-iisang puno na naroon.
"Hindi kasi kita makakasama sa fieldtrip panigurado boring yun pag nagkataon."
"Asus nambola ka pa enjoyin mo nalang kahit wala ako huwag mo na akong alalahanin."
"Ma-mimiss kita."
Nilapitan ko siya sa duyan at hininto ito at niyakap siya mula sa likod.
"Ako rin."
Napangiti ako.
~*~
BINABASA MO ANG
Miracle Dream (The Wattys 2020 Nominee) (The Wattys 2021 Nominee)
RomanceSa kwento ng pag-ibig na pinag-ugnay ng nakaraan at hinaharap-ng milagro at panaginip... Tahimik ang buhay ni Eros hanggang dumating sa kanyang buhay si Mary, isang unrequited soul-na lingid sa kanyang kaalaman. Posible nga bang magkaroon ng pag-ibi...