Chapter 17

2.5K 47 6
                                    

Lunes ng umaga ay nagkakanda-ugaga na ang lahat ng mga kaklase ko sa loob ng classroom.

Bawat isa ay aligaga sa paggawa at pagsulat ng mga proyektong kailangang tapusin ngayong araw.

Maging ako ay abala rin sa pagtapos sa mga manuscripts at portfolio na nasimulan ko nitong weekend.

Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat nang biglang may kumalabit sa likod ko.
Napalingon ako rito.

"O Mira ikaw pala anong kailangan mo?"

Lumapit siya sa harap ko.

"Sorry Eros kung nakaistorbo ako. Hihiramin ko lang sana yung libro mo ng Chemistry."

"Naku okay lang sige kunin mo nalang diyan." sabi ko sabay turo sa mga librong nasa aking harapan.

Agad naman siyang kumilos at kinuha ang libro.

"Sige Eros salamat dito."

Ngumiti lang ako.

Sa pagmamadali nitong umalis ay natabig niya ang patong patong na mga papel at libro na nasa gilid ng mesa ko.

"Naku pasensya na."
sabi nito sabay pulot sa mga papel na nagkalat sa sahig.

"Naku Mira ako na diyan."

Ilang saglit lang ay natigil siya sa pagpupulot.

Hindi dahil sa utos ko kundi dahil sa litratong nakita niya.

Pinulot niya ito.

Mababakas ang pagkagulat at pagkalungkot sa mukha nito.

Pero bakit?

"Mira okay ka lang?

Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya.

Hindi siya kumikibo at patuloy lang ang pagtitig nito sa litratong yun.

Nagulat nalang ako nang mapansing umiiyak na pala siya.

"M-mira...may prob-

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang tumakbo ito agad palabas ng classroom namin habang puno ng luha ang kanyang mukha.

Napatingin ang lahat ng kaklase ko sa kinatatayuan ko pagkalabas na pagkalabas ni Mira.

Lahat ng mga mata ay nakabaling sakin sa mga oras na yun.

Kita ko sa mga mata nila ang panghuhusga.

Dinig na dinig ko rin ang mga bulungan nila.

Napaupo nalang ako sa sahig habang pinupulot at inaayos ang mga papel at libro na nagkalat.

Nadapo ang tingin ko sa litratong nasa sahig.

Pinulot ko ito.

Litrato ito ni Mary...

Kinuha ko ang litratong ito sa kanilang attict nung minsang dalawin ko siya sa kanilang bahay.

Pero ang pinagtataka ko bakit umiyak si Mira nang makita niya ang litratong ito ni Mary.

Kilala kaya niya si Mary?

Ano ang kanyang rason?

Wala akong maisip na malalim na dahilan kung bakit ganun na lamang ang kanyang kinilos.

Gayunpaman kailangan ko itong malaman sa lalong madaling panahon.

Miracle Dream (The Wattys 2020 Nominee) (The Wattys 2021 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon