Chapter 18

2.6K 48 2
                                    

Kinabukasan pagkarating na pagkarating ko palang sa school ay sumalubong na sakin ang mga matang mapanghusga ng aking mga kaklase.

Halos marinig ko na ang lahat ng bulungan nila patungkol sa akin at sa nangyari kahapon.

Hanggang ngayon wala parin akong ideya sa kinilos kahapon ni Mira.

Baka naman may gusto siya kay Eros kaya ganun ang naging reaksyon niya matapos makita ang litrato ng babae na nasa libro ni Eros.

O baka naman lihim silang magkarelasyon.

Siguro nga.

Kawawa naman si Mira.

Mas kawawa si Nathan.
Di bat boyfriend ni Mira si Nathan take note! di pa sila hiwalay. Malandi pala tong si Mira pinagsasabay ang dalawang lalaki.

Kaya nga malandi talaga yun.

Sssshhh andyan na si Eros wag kayong maingay.

Ilan lang yan sa mga bulungan na naririnig ko mula sa mga kaklase ko.

Pagkapasok ko palang sa classroom ay hinanap na agad ng mata ko si Mira.

Ngunit wala siya maski anino niya.

Natigil ang lahat sa pagtsi-tsismisan nang biglang pumasok sa loob ng room at pumunta sa harapan ang principal ng school namin.

"Attention Dear students Ms. Silvero will not be able to attend her classes today and for the next 3 weeks because of their Business issues in England. Since she is the president of our school organization therefor one student must take the position for a while. And I appoint Mr. Manuel to have the position.bFrom now on you are the new President of student's organization Mr. Manuel. Congratulations and goodluck!"

Nagulat ako at ng mga kaklase ko sa biglaang anunsiyo ng Principal ng school namin.

Hindi ang posisyon ang inaalala ko. Mas inaalala ko ngayon si Mira.

Binabagabag parin ako sa nangyari.

Ang biglaang pag-alis ni Mira ang mas lalong nagpatindi ng pagkabalisa ko nitong mga nakaraang araw.

At si Mira lang ang tanging makakasagot sa mga katanungan na pilit bumabagabag sakin.

Gustong gusto ko na siyang makausap.

~*~

Lumipas ang mga araw at linggo pero hanggang ngayon wala parin si Mira.

Naging maayos naman ang pamamalakad ko sa school organization ng school namin.

Ang mga nagdaang araw ay sadyang mahirap sakin.

Dahil sa sobrang busy ng schedule ko di na ako nagkakaroon ng oras para puntahan si Mary sa kanilang bahay.

Paminsan minsan naman nagkikita kami sa school pero saglit lang.

~*~

Maaliwalas na unang araw ng Setyembre ang sumalubong sakin.

Maaga akong gumising para mabilis akong matapos ngayon sa mga paper works sa office ng School org. namin.

Naglalakad ako sa may hallway ng mga oras na yun nang bigla akong nakarinig ng mga bulungan.

Uyy alam nyo ba babalik na raw si Mira!

Talaga? di nga?

Oo, yun ang sabi sabi ng mga teacher sa school.

Wahhh di na ako makapaghintay na makita siya.

Napangiti ako.

Kung ganun makakausap ko na siya ng masinsinan.

Pagkarating na pagkarating ko sa classroom ay nandun na si Mira.

Pinagkakaguluhan siya ng mga kaklase namin.

Sabik na sabik ang lahat na makita siya muli.

Natahimik ang lahat nang makita nila ako.

Napatingin sakin si Mira.
Kita ko ang gulat sa mukha nito.

Ngumiti ako sa kanya.

Pero naglaho rin agad nang bawiin niya ang kanyang tingin tsaka tumalikod siya sa akin at mariin akong di pinansin.

Naguguluhan ako sa mga kinikilos niya.

Anong nagawa kong masama sa kanya para turingan niya ako ng ganito?

Miracle Dream (The Wattys 2020 Nominee) (The Wattys 2021 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon