“Alin ang nagsasabi ng totoo?
Ang isipan ba na siyang mapanlinlang,
O ang puso na nagdidikta lamang.”- Ronald S. Lomibao, Her Dream
~*~
EROS POV
"Eros pwedeng magtanong?" biglang imik ni Mary.
Andito kami ngayon sa usual spot namin sa mataas na parte ng burol kung saan matatagpuan ang nag-iisang puno roon.
"Oo naman ano ba yun?"
"Alin ang mas matimbang puso o isip?"
Napaisip ako bigla sa sinabi niya.
"Bakit mo naman natanong?"
"Basta sagutin mo nalang."
"Siyempre puso. Kahit ito pa man ang laging nasasaktan at nagkakamali. Sa huli mapagtatanto mo nalang na tama pala talaga ang puso. Hindi ba't pag sinusundan natin ang mga pangarap natin ay puso lagi ang ginagamit. Sinusunod ng puso natin kung ano ba ang hilig at naisin natin sa buhay. Naalala ko tuloy ang kataga mula kay Céline Dion na "If you follow your dreams it means you follow your heart. And if you do follow heart I don't think you can go wrong."
Napangiti siya ng malawak pagkatapos ko itong sabihin.
"Alam mo—laging tugma yung mga sagot mo sa mga iniisip ko."
manghang sabi nito."Kaya nga naging tayo diba."
Natawa kami pareho.
"Pero yung totoo bakit mo yun natanong?"
"Kasi."
"Kasi ano?"
"Kasi noon pa man puso na talaga ang pinapairal ko kapag nagdedesisyon."
Napangiti ako ng malawak nang banggitin niya yun.
"Kung ganun isa ako sa mga pangarap mo?"
"Parang ganun na nga."
nakangiti nitong sabi."Halika nga dito."
sabi ko sa kanya sabay hila at yakap."Wag na wag mo akong iiwan ha." malambing kong sabi sa kanya.
Biglang nawala ang ngiti nito pagkasabi ko nun.
"Mary okay ka lang?"
"Ahh oo medyo sumakit lang yung ulo ko."
"Kung ganun bakit ka nakasimangot?"
"Naalala ko lang bigla yung kapatid ko."
"Ganun ba nasaan na pala yung kapatid mo?"
"Matagal ko na siyang di nakikita at nakakausap pero nitong isang araw lang ay nakita ko siya."
"T-talaga? teka nakausap mo ba?"
"Hindi pa pagkat naghahanap pa ako ng magandang tyempo."
"Ganun ba pero sana dumating na yung araw na makausap mo siya."
"Sana nga." malungkot nitong bulong.
Hinawakan ko ang maliit nitong kamay at pinunan ang pagitan ng kanyang mga daliri ng akin.
Napangiti siya.
BINABASA MO ANG
Miracle Dream (The Wattys 2020 Nominee) (The Wattys 2021 Nominee)
RomansaSa kwento ng pag-ibig na pinag-ugnay ng nakaraan at hinaharap-ng milagro at panaginip... Tahimik ang buhay ni Eros hanggang dumating sa kanyang buhay si Mary, isang unrequited soul-na lingid sa kanyang kaalaman. Posible nga bang magkaroon ng pag-ibi...