Chapter 22

2.3K 45 1
                                    

My soul was lost in tears,
But my heart was never gone
And still hoping that someday
I could find your shadow.

- Ronald S. Lomibao, Dreaming of You

~*~

Sadyang kaybilis lumipas ng panahon heto at dalawang araw nalang ay magtatapos na kami ng Highschool.


Ansaya lang sa pakiramdam na malaman na nagbunga lahat ng paghihirap at sakripisyo na ibinuhos ko sa pag-aaral.

Halos tumalon ang puso ko nang malaman kong Valedictorian ako ng aming school.

Hindi naman magkamayaw ang mga kaklase ko sa pagbati at pag-congratulate sakin dahil sa natamo kong tagumpay.

Uyy Eros congrats!

Eros congrats! pa-blow out ka naman.

Eros iba ka talaga! ikaw na!

Ang talino mo talaga Eros!

Eros congrats! grabe siya oh Valedictorian!

Congratulations Eros!

Congrats Eros! well-deserved!

Congrats Pre!

Brad congrats! wag mong kakalimutan yung libre namin ah!

Grabe Eros,di ka na namin ma-reach! congrats!

Ilan lang yan sa natanggap kong pagbati mula sa aking mga kaklase.

Hindi ko lubos maisip na irerespeto at tratratuhin nila ako ng ganito kaayos at kagalak.

Hindi ako sanay sa natatanggap kong atensyon ngayon.

Parang kelan lang nung iwas na iwas sila sakin dati.
At karamihan sa kanila ay madalas akong i-bully.

Pero ngayon halos lumuhod na sila sa harapan ko para lang batiin ako.

At ang mas nakakamangha pa karamihan sa kanila ay yung mga nambubully sakin dati.

Walang katapusang "Thank you!" at malawak na ngiti ang tanging naisukli ko sa kanilang mainit na pagbati.

Halos mapunit na nga ang bibig ko sa kakangiti.

Biglang naglaho ang ngiti ko nang bigla akong lapitan ni Mira.

"Uhm I just want to congratulate you for being the class Valedictorian." nakangiting sabi nito sabay lahad ng kanyang kamay.

Kinuha ko ito at kinamayan siya.

"Salamat Mira." nakangiti kong sabi sa kanya.

"And congrats din sayo." dugtong ko. Siya kasi ang Salutatorian namin.

"Thanks and one more thing I just want to clear things out before anything else. I have my personal reasons kung bakit ako biglang umiyak nang makita ko ang litrato na yun na nasa libro mo. Hindi ako umiyak dahil sa gusto kita o nagselos ako tulad ng mga sabi sabi at hinala ng mga kaklase natin. Umiyak ako dahil
ang taong nasa litrato ay..." halos mangilid na ang luha nito habang nagsasalita.

"Sino?" tanong ko

"Siya ang—sorry Eros hindi ko kayang pag-usapan ang tungkol dun sa ngayon. Sana maintindihan mo ako Eros.
Sorry kung hindi ko pa masasabi sayo ngayon."

"Okay lang yun Mira atleast maayos at malinaw na ang lahat."

"Wag kang mag-alala. I will tell you the whole story behind it kung kaya ko na. Para hindi ka na naguguluhan sa mga nangyari pero sa ngayon hindi ko pa kayang ikwento lahat."

Miracle Dream (The Wattys 2020 Nominee) (The Wattys 2021 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon