Her Dream
July 10, 2013
Dear Diary,
Palubog na naman ang araw, senyales na sasapit na naman ang gabi. Matutulog at mananaginip.
Nitong mga nagdaang araw ay tila balot ng misteryo ang mga panaginip ko. Hindi ko maipaliwanag pero iisang tao lang ang napapaginipan ko.
Yung misteryosong lalaki.
Malinaw ang mukha niya sa mga panaginip ko pero ang hindi ko maintindihan bakit ko siya napapaginipan? Hindi ko pa siya nakikita at lalong hindi ko siya kilala. Hindi pamilyar sakin ang mukha niya.
Wala akong ideya kung bakit siya dumadalaw sa panaginip ko.
Isa nga ba siyang limot na alaala? Nagtagpo na ba ang landas namin ng hindi ko namamalayan? o baka naman isa lang siyang panaginip na nabuo sa isipan ko. Pero bakit kapag napapaginipan ko siya iba yung pakiramdam. Para siyang totoo.
Magaan ang loob ko kapag kasama ko siya. Tila isang nakaw na sandali ang makita siya—na kulang ang araw ko kapag hindi ko siya napaginipan.
Hanggang ngayon misteryo parin sakin ang lahat.
Ang buong pagkatao niya.
Kung sino siya...kung ano siya.
Kung totoo ba siya o isa lang produkto ng imahinasyon ko.~*~
Sabado ng umaga nang napagpasyahan kong dalawin si Nathan.
Ang sabi kasi niya sakin may sakit siya kaya madalang nalang kaming magkita nitong mga nakaraang araw.
Nasa tapat na ako ng bahay nila nang mapansin ko ang pulang kotseng nakaparada sa harapan.
Alam kong hindi sa kanya ito.
Napuno agad ng kutob ang isip ko.
Binalewala ko agad ito at lakas loob akong tumuloy sa bahay nila.
Dumiretso ako sa kwarto niya.
Naghanda ako para sorpresahin siya.
Pero hindi ko inakala na may sorpresa na palang nakahain sakin.
Para akong pinagpira-piraso sa eksena na aking nadatnan.
Dalawang hubad na tao ang kasalukuyang naghahalikan.
Nabato ako sa kinatatayuan ko.
Awtomatikong umagos ang luha mula sa aking mga mata.
Natigil ang dalawa sa kanilang ginagawa nang mahulog ang mga dala dala ko.
Hindi maipinta ang mukha ni Nathan nang makita niya ako.
Mabilis akong kumilos at tumakbo palabas.
Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo kahit nanlalabo na ang paningin ko sa mga luhang patuloy na umaagos sa mga mata ko.
Hanggang sa maramdaman ko ang kamay na humablot sakin.
"Mary please let me explain."
Isang malakas na sampal ang natanggap niya sakin.
"Nagtiwala ako sayo Nathan! Binigay at sinuko ko ang lahat sayo tapos ito ang isusukli mo sakin?" puno ng galit kong sigaw sa kanya.
"Mary we're drunk okay? We never did it."
"Niloko mo parin ako at hindi mo yun mababago. Wala akong pakialam kung ginawa mo yun sa kanya. Pero alam mo kung ano yung masakit? Yung pinagmukha mo sakin na kulang pa ako—na hindi ko maibigay yung gusto mo kaya naghanap ka ng iba." nanginginig sa galit kong sigaw sa kanya.
"I'm sorry, Mary."
Sinubukan ako nitong yakapin pero mabilis akong nagpumiglas at mabilis na tumakbo.
BINABASA MO ANG
Miracle Dream (The Wattys 2020 Nominee) (The Wattys 2021 Nominee)
RomansSa kwento ng pag-ibig na pinag-ugnay ng nakaraan at hinaharap-ng milagro at panaginip... Tahimik ang buhay ni Eros hanggang dumating sa kanyang buhay si Mary, isang unrequited soul-na lingid sa kanyang kaalaman. Posible nga bang magkaroon ng pag-ibi...