Chapter 30

2.6K 40 1
                                    

Pagkasara ko sa diary ni Mary ay napahagulhol nalang ako ng iyak.

Puno ng galit at kirot ang puso ko ngayon sa aking mga nalaman.

Tila ba dinurog ng paulit ulit ang puso ko sa sakit na aking nadarama.

Ibinagsak ko ang aking katawan sa damuhan at tumingala sa kalangitan.

Walang humpay parin ang pag-agos ng luha sa aking mga mata.

Hindi ako makapaniwala na pinagdusahan ng ama ko ang kasalanang hindi naman niya ginawa.

Habang ang tunay na pumaslang kay Mary ay namumuhay ngayon ng tahimik at matiwasay.

Si Nathan.

Ang kasalukuyang nobyo ni Mira.

Hindi ako makapaniwala na hanggang ngayon ay hindi parin nakakamit ang hustisya sa pagkamatay ni Mary.

Napaka-bigat sa pakiramdam malaman ang mga ito.

Wala paring pagsidlan ang pagaspas ng hangin sa paligid.

Nagulat ako nang maramdaman kong may kung anong dumampi sa mukha ko.

Napaka-lambot.

Tila ba kamay na humahaplos sa mukha ko.

At sa isang saglit lang yun naramdaman ko ang presensiya niya.

Na hindi parin talaga niya ako iniiwan.

Napalingon ako sa aking balikat at namayani agad ang pagkadismaya nang malamang isa lang pala itong munting hibla ng pakpak.

Pinulot ko ito at tumanaw agad sa taas ng puno kung may naligaw na kalapati.

Pero ni isang bakas wala akong nahanap.

Napuno agad ng pagtataka at hiwaga ang isip ko.

At dun ko lang napagtanto na sa kanya galing ang hibla ng pakpak.

Isa na siyang ganap na anghel.

Patunay na hindi parin niya ako iniiwan hanggang ngayon.

Palagi niya parin akong binabantayan.

Alam kong gusto niyang pagaanin ang loob ko.

Sa paraang kaya niya.

Pagkat magkabilang dimensyon na ang agwat naming dalawa.

At masakit isiping iyon ang katotohanan.

Pumatak uli ang luha saking mukha.

Pinahid ko ito.

Pero patuloy parin ito sa pagtulo.

Hinayaan ko nalang itong bumuhos.

Tila ba bagyo na ayaw tumila.

Hindi tiyak kung kelan titigil.

Tiningnan kong mabuti ang hibla ng pakpak.

Nakakasilaw ang puti nito.

Parang walang makakapantay sa liwanag nitong dala.

Napaka-pino at perpekto ng hugis nito.

Nilapit ko ito saking pilik-mata.

Naaalala ko pa kung paano niya madalas haplusin ang mga pilik-mata ko gamit ang malalambot niyang daliri.

Mula sa pilik-mata ay pinadausdos ko ang hibla ng pakpak papunta sa aking pisngi.

Ramdam ko parin hanggang ngayon ang kamay niya sa aking pisngi.

Nilapat ko ang hibla ng pakpak sa aking labi.

Miracle Dream (The Wattys 2020 Nominee) (The Wattys 2021 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon