"It's been awhile since father brought a slut home"wala sa hulog na mga salitang lumabas sa bibig ng lalaki sa likod ko na parang malamig na tubig na bumuhos sa buo kong katawan na nag payelo sa akin rason para di ako makagalaw na para bang statwa na gawa sa pinakamatigas na bato.
Normal na sakin makasalubong ang mga salitang kagaya nito, pero may ibang kabig ang mga salitang binigkas nya epekto lang siguro ng walang lamang sikmura, bumigat ang dibdib ko sabay pa ng pag-init ng aking tainga.
Hindi porket isa kang puta ay tuluyan ka ng magiging manhid sa mga ganitong sitwasyon. Ordinaryo parin naman kaming mga tao na kahit papano ay makakaramdam ng kunting kirot sa mga matatalim at malalaking salitang nilulunok nalang namin, na minsan ay bumabalabag na sa aming mga lalamunan.
Labag sa loob kong humarap sa pinangagalingan ng boses. Nakaharap na sakin ngayon ang lalaking may hawak ng isang platong pancake sa kamay na nakasoot ng puting long sleeves na halos pumotok na sa nangangalit na muscles sa loob nito habang nakapatong naman sa kanyang dibdib ang itim na necktie.
Ramdam ko ang mga tumatagos na titig nya sa salamin na pumoprotekta sa malamig at maitim nyang mga mata na parang balon na kung tititigan mo ng matagal ay mahuhulog ka ng palalim na palalim, sobrang bagay sa kanya ang salamin na nakapatong sa sobrang amo nyang mukha.
Umiiral ang aking natatanging kapopokan at ang mga salitang nabangit nya kanina ay parang hangin na dumaan lang sa aking harapan at di ko na maalala.
Aaminin ko kahinaan ko talaga ang mga lalaking may class, lalaking malinis tingnan, lalaking may maamong mukha, lalaking mukhang karespe-respeto at higit sa lahat lalaking inosente.
Sobrang lakas makahatak sakin ng mga lalaking mukhang inosente o inosente talaga. Sila ang pinakamasarap na ulam na pwede mong bahiran ng kasamaan, sila rin ang pinakanakakatakam lalo na kapag napukaw mo na ang halimaw na matagal ng nakatago sa likod ng napaka-inosente nilang mukha.
Hindi ko lubusang maiisip na makikita ko ang lahat ng katangiang ito sa iisang tao lang at ang nakakamangha pa dito ay nakaharap sya sakin ngayon.
Tuluyan na nga akong napako sa aking kinatatayuan at kung may suot man akong panty ay kanina pa ito nalalaglag.
Nakakatulala na para bang tuluyan ng nabighani sa magandang lalaki sa harap ko na naglalagay ng malapot na honey sa ibabaw ng pancake nya. Nakakatakam ang dahan-dahang pag daloy ng malapot na likido sa pagkain na iyon. Di ko na tuloy matukoy kung kanino ba talaga ako natatakam sa pagkain ba o lalaking parang hinugis kay machete.
Malapit ng tumulo ang laway ko sa kalam ng sikmura at libog na nararamdaman. Kakaibang sensasyon ang lumulukob sa aking buong katawan. Sobrang nakakatakot na kombinasyon, pwede bang sabay ko nalang silang kainin.
Unti unti ng umuusok ang utak ko sa napakasimpleng disisyon na pwede kong sagotin kagaya lang ng pambatang bugtong. Pero mas mabilis gumalaw at mag bigay ng reaksyon ang aking katawan kaysa makaisip ng sagot ang aking utak.
Di ko na namalayan na bumagsak na pala ang dala kong sling bag sa sahig na pumukaw sa atensyon ng lalaking susubo na sana ng kanyang pagkakain. Kusang gumalaw ang aking mga paa at dahan dahan na akong lumalapit sa kanya.
Bumaliktad na ang aming sitwasyon ngayon sya na ang nagmistulang reboltong di makatikom ang bibig. Pinakita ko ang nakakabaliw kong ngiti habang pilit na dinidiin ang aking paningin sa kanya na para bang isang leon na pinagmamasdan ang kanyang susunod na biktima.
Kagat labi akong pumewesto sa kanyang harapan. Alam kong tumalab na sa kanya ang lason ng aking kaakit-akit na katawan. Isang tunay na kakayahang tanging ako lang ang makakagawa, gusto kita kaya mapapasakin ka.
Magkarahap na kami ngayon at tanging manipis lamang na bar table ang namamagitan samin. Dinilaan ko ang aking mga labi sabay dakot ng honey gamit ang aking hintuturo sabay subo, di ko tinanggal ang pagkatitig sa kanyang mga mata kaya kitang-kita ko ang paglagok nya. May maliit na patak ng honey na tumulo sa aking dibdib sinundan ito ng aking mata kinuha ito ng aking daliri at dilaan ito ng dulo ng aking dila.
Mabilis kong ibinalik ang aking mata para makipagtitgan ulit sa kanya. Mahinhin kong hinagad ang puting mesang ito habang umiikot para tumabi sa likod nya.
Nakakabaliw ang halimuyak na lumalabas sa kanyang damit. Walang hiya at lantaran kong sininghot ang tela sa may parteng balikat nya.
Parang posteng nakatayo at nakabaon, hindi makagalaw. Ang lalaking may matalas na dila kanina ay parang maamong tuta na ngayon. Nakalagay ka sa gusto kong posisyon, posisyon ng mga lalaking di makakaalis sa kamandag ng nagiisang isang magda.
Pinaparamdam ko sa leeg nya ang maiinit kong hininga na mas lalong nagpatigas ng kanyang katawan mas naiingiganyo ako sa pilit nyang pagpigil na kumagat sa makasalanang prutas na nakahain sa kanyang harapan.
Dahan dahan kong hinipo ang kanyang kanang balikat hanggang braso hangang sa kamay nya na may hawak na tinidor. Gamit ito ay humiwa ako ng maliit na parte "pwede bang kainin ito?" di ko na sya inantay pang sumagot sabay subo ng pagkain sa bibig ko.
Dinidikit ko sa kanyang likoran ang aking dibdib habang malagkit namang nililigkis ng aking isang paa ang kaliwa nyang bente. Segundo na lamang ang hinihintay ko at alam kong bibigay na rin ang taong ito sa aking pain.
Ramdam ko ang bigat ng kanyang paghinga sa paglubo at pagnipis ng kanyang maskuladong dibdib. Sa pangalawang beses kung pag kuha ng pancake ay di naiwasang may pumatak na honey sa kanyang leeg "opppss may nalalaglag kunin ko lang ha" pabulong at malandi kong sabi.
Gamit ang aking dila at sinimod ko ang malapot na likido sa kanyang leeg na nag panginig at nagpapikit ng kanyang mga mata. Mabilisan nyang itinulak ang kanyang sarili paatras ng mesa rason para mawala ako sa balanse at mapaupo sa sahig.
Napaharap sya sakin gamit ang kanyang namumulang mukha. Sakto lang ang aking posisyon para makaharap ang malaking umbok sa ilalim ng kanyang basang pantalon. Basa?, Mabilis nya itong tinakpan gamit ang kanyang mga kamay.
Halos umusok ang kanyang ilong at tainga. Gumuhit ang pagkalito saking mukha."NEVER DO THAT AGAIN!!" Nanggigil nyang sabi habang dinuduro ako sabay alis. Naiwan akong lutang sa sahig.
Nagkaramdam ako ng pagkadismaya, na nag paumpisa ng mga sumasabog na mga katanongan sa aking isipan. Di ba nya nagustohan, di ba sya nasarapan?.
Nakaya nyang talikuran ang pinaka-pinagkakabaliwang babae sa balat ng lupa. Napa singhal na lamang ako sabay ngiti. Isang syang hamon, isa syang hamon sa aking pag kaputa... na kagat labi kong tatanggapin.
BINABASA MO ANG
Anikdota ni Magda (COMPLETED)
RomanceIto'y kwento ng isang babaeng Tulog sa umaga, gising sa gabi Ang kan'yang mukha'y puno ng kolorete Sa lugar na ang ilaw ay patay sindi Simulan na natin ang istorya "bawal mag mahal ang isang puta, nakamamatay"