Ang hindi pagdating ni Melanie sa bahay ang mas lalong nakadagdag sa namumuong galit sa aking dibdib. Siguro dahil na rin sa sobrang stress na nararamdaman kaya hindi ko kayang pakalmahin ang aking sarili. Hindi ko kayang mag-isip ng positibo.
Sakay ng bisekleta ay naisipan kong puntahan yung puno na nakasanayan ko ng puntahan palagi. Sakaling lalamig ang utak ko kapag makalanghap ako ng sariwang hangin.
Pero hindi pa nga ako nakakaibis mula sa sinakyang bisekleta nang marinig ko ang rumaragasang motorsiklo sa may likuran ko. Kasabay ng pagbaba ko ang pagparada nya sa may tapat ko.
Sabog ang buhok wearing a necktie and coat. Mas lalo syang naging attractive tingnan. Lumusob sa utak ko ang nagbabagang mga mata ni Melanie habang nakamasid sa magandang lalaki na ito.
With the thoughts ay walang babala ko syang sinugod. Buong pwersa ko syang pinaghahampas sa kanyang dibdib.
"Bakit ka naririto? Sana hindi ka na pumunta rito!?" Kanina pa ako nagtitimpi sa galit kaya hindi ko napigilan ang aking sarili ngayon.
Actually, hindi naman ako sa kanya nagagalit. Kay Melanie ako galit! Kaya lang sa kanya ko naibunton ang lahat ng inis ko.
"Baby..." Sinubukan nya akong yakapin pero itinulak ko sya.
"Ayaw mo na ba? Sawa ka ng intindihin ako? Pagod ka na?"Bumuhos ang luha ko dahil sa frustration.
"Kung nagbago na ang pagmamahal mo? Kung mayroon ka ng ibang kinahuhumalingan? Sabihin mo! Hindi yung ganito? Hindi yung ginagawa mo akong parang tanga sa kahihintay sa'yo samantalang nandoon ka kasama mo ang malanding Melanie na iyon!" Hysterical kong sigaw.
"Maiintindihan naman kita Jury, eh! Kung ayaw mo na...kung nagbago ka na magsabi ka lang dahil uunawain kita. Habang kaya ko pa, hwag yung bibiglain mo nalang ako. Na baka bukas nasa piling ka na ng iba. Na baka ibang babae na ang tumitingin sa'yo. Na baka saka mo sasabihin kung kailan hindi ko na kayang pakawalan ka! Wala ng natitira sa akin...wala na....ikaw nalang. Kaya pakiusap hwag mo akong pahirapan ng ganito."
Ginamit nya ang buong pwersa para hilain ako payakap sa kanyang dibdib.
"I'm sorry..." Niyakap nya ako ng mahigpit.
"Baby, listen...nasabi ni Jona sa akin na tumawag ka at tinanong mo si Papa. Yes, umuwi sya ng maaga habang hindi pa natatapos ang meeting. Masama ang pakiramdam nya kaya ako ang naiwan doon. At saka hindi ko nasagot ang tawag mo kasi naiwanan ko sa loob ng sasakyan ko ang aking cellphone. Kaya baby, I'm sorry.. I'm sorry, okay?"
Isinubsob ko sa kanyang dibdib ang luhaan kong mukha habang hinahayaan syang magsalita.
"Alam ko ang iniisip mo. Nararamdaman ko kung gaano kabigat ang problemang dinadala mo. Alam kong ako nalang ang natitira sa'yo kaya hindi kita pakakawalan. Nangako ako sa mga magulang mo na hindi kita pababayaan kaya baby... hwag mong sabihin na ipagtulakan ako sa iba. How could i....how could i love another woman when there was you who i love the most? Who i want to marry with?"
Marahan nya akong inilayo mula sa kanyang dibdib para matitigan sa aking mukha. Dumantay ang kanyang daliri sa aking pisngi para mapunasan ang mga bakat ng luha doon.
"Handa ka na ba? Gusto mo ng matali sa akin? Magpapakasal na tayo? Pakasalan mo na ako..."
Napalunok ako ng mariin habang nakatitig sa nagsusumamo nyang mga mata.
"I promise, ikaw lang ang babaeng mamahalin ko...ikaw lang talaga Cassandra."
Marahan kong pinunasan ang luha na bigla nalang kumawala mula sa aking mga mata. Back in the present.... paano naging sila? Paano nya naging girlfriend ang babaeng kinamumuhian ko? Paano?
BINABASA MO ANG
When there Was you
ChickLitAll she knows was everything's perfect. From her life to her lovelife. Pero bakit sa isang iglap ay bigla nalang nyang nakalimutan ang lahat? Isang umaga ay nagising na lamang sya na walang maalala kahit ni katiting tungkol sa kanyang nakaraan. An...