Alper's pov
Iniwan ko muna si Cheryl sa bahay na tinutuluyan namin, alam kong magiging ligtas siya doon. May iniwan naman akong mga armas at sulat sa mesa upang hindi na siya mag alala, babalik din naman agad ako. Mag iisang oras na din akong naglalakad ngunit wala pa rin akong nakikitang tindahan. Hindi ko naman na malayan na nakalayo na pala ako. Sa kalagitnaan ng akimg paglalakad,ay napansin akong isang malaking bahay. Nakasindi din ang ilaw, mukhang may tao sa loob. Hindi na ako nagdalawang isip pa't pumasok na agad ako sa loob, gabi na din at mukhang uulan na naman ulit. Tahimik dito sa loob, umakyat naman ako sa ikalawang palapag, mabuti nalang una kong nakita ang kusina, kumuha na agad ako ng mga pagkain, bigla ko namang naalala si Cheryl. Sana hindi siya lumabas. Napupuno na rib ang dala kong bag kaya naghanap ulit ako ng isa pang bag. Bali dalawang bag ang lalagyan ng mga pagkain, at isang bag naman ang sa armas, katulad ng mga kutsilyo na nandito sa kusina. Pagkatapos kung mapuno ng mga pagkain ang bag ay agad akong nag tungo sa kinaruruunan ng mga kutsilyo. Kumuha ako ng limang kutsilyo at ilang mga matutulis na mga bagay.
Bago ko nilisan ang bahay, pumunta muna ako sa library upang kumuha ng ilang mga libro.
"Ano ba 'to? Halos mga novel amg lahat ng mga libro na nandito." Bulong ko habang nakatingin sa napakadaming libro. Para talagang national books store sa dami ng mga novels. Habang nakatingin ako sa mga libro may narinig akong kaluskos sa bahagi ng bookshelf. Tinignan ko ito at bumungad sa 'kin ang isang..
"Ahh!" Dahil sa gulat niya ay na bitawan niya ang kanyang kinuhang libro.
"P-paano ka naka enter dito?"
"Naka bukas kasi, kaya pumasok nalang ako. bahay mo ba ito? S-sorry."
"Don't Sorry, this is not my bahay 'no, actually ilang days na din ako here. And I'm thankful that I'm still buhay pa. " Halata sa kanyang pananalita na mayaman ito.
"Hi Cute Guy I'm Cheska." Pagpapakilala niya sa 'kin. Nagpapakilala na din ako.
"I'm Alper."
"Marami ka na palang nahakot."
"ipapasyal kita dito, you know what Alper? May Pool sila here. Nasa Rooftop and may Gym din sila."
"S-sige mauna na'ko."
"Why naman? Kakakilala palang natin aalis ka na agad? Here kana muna. Tomorrow kana mag Go. It's too danger na outside eh." Mukhang tama siya. Pero paano si Cheryl?
"If you don't want to be dead, here kana muna mag sleep." Wala naman akong magawa kundi manatili nalang muna dito sa ngayon. Dilikado na rin kasi sa labas dahil malakas na ang ulan. Pero si cheryl? Sana hindi siya lalabas upang hanapin ako. Sa kabila ng aking pag iisip agad niya akong hinila sa isang kwarto.
"We sleep na here."
"S-sa kabila nako matutul--"
"No, here ka na lang. You know what ilang days na din akong mag isa at walang kausap. I thought na ba ka ako nalang mag isa ang buhay." Habang nag sasalita siya ay hinuhubad niya ang kanyang sout na jacket. Naka upo lang ako sa kama habang umiiwas ng tingin.
"Don't iwas iwas tingin, nasa outbreak na tayo at kailangan natin mag enjoy. Ba ka hindi na natin 'to magawa in the next few days because of the creepy infected." Malanding sambit nito. Tinulak niya 'ko sa kama. Sunod naman nitong ginawa ay pumatong ito sa akin.
"T-teka l-lang " Pagpipigil ko. May side naman na gusto ko ito pero hindi maaari, loyal ako kay Cheryl. Pero may side din na medyo ayaw ko. Ayaw ko talaga.
"Just relax." Bulong niya't hinalikan ako sa leeg bago niya hubarin ang sout kong damit, akmang tatayo na sana ako upang umalis nang bigla niya ulit akong itulak sa sahig.
BINABASA MO ANG
Zombie Survivor(s) [Revise Version]
Science FictionFor some unknown reason strange creatures are suddenly appear. Face the Nightmare that everyone fears. (Not ordinary Zombie Story.)