"Sie baby, come here" utos sa kanya ng kanyang manager na si Cassidy.
Agad naman siyang lumapit dito pagkatapos niyang ubusin ang tubig sa boteng hawak niya. Nasa studio kasi sila ngayon upang magshoot.
"What is it, miss Cass?" Saad niya dito ng makalapit na siya.
"May meeting nga pala tayo mamayang alas-singko. Pinapaalala ko lang sayo" sabay ngiti nito sa kanya at hinawi ang buhok niya na humaharang sa maganda niyang mukha.
"What's with that face?" Natatawang saad nito.
Nanlaki kasi ang mata niya habang nakaiwang bukas ang bibig niya. Lagot siya dahil kailangan niyang makipagkita kay Mikhail ng alas-singko. Ano ng gagawin niya ngayon?
"I see. Sabi ko na nga ba makakalimutan mo" sabay nguso nito.
"I-I-I'm sorry, pero pwede bang hindi ako pumunta?" Nahihiyang saad niya sa kanyang manager.
"Huh? Hindi pwede, Sie baby. Mga bigatin ang pupuntahan natin kaya kailangang present ka doon. Tsaka nirequest ka kaya nila sakin. Nakakahiya naman kung tatanggihan diba? Tsaka baka malay mo......." sabay siko nito sa kanya ng mahina.
Ito na naman ang manager niya, nangangarap na naman ng gising. Sabagay maganda at sexy rin naman ito ang kaso lang walang napatol na lalaki dito. Kung meron man ay peperahan lang siya at iiwan din naman sa huli.
"Here we go again" saad niya na lamang na ikinatawa ng manager niya.
"Malay mo diba? Naandoon na pala ang para sa akin." Sabay tawa nito na kinikilig pa.
Napatampal na lamang siya ng noo dahil simula ng naging manager niya ito hindi pa rin ito nagbabago. Ito parin ang manager niya na maloko.
"Pero, hindi talaga ako pwede, miss cass" saad niya dito na ikinatigil nito.
"Bakit?" Tanong nito sa kanya.
"Eh kasi.....kasi may imemeet akong tao" pagdadahilan niya which is true naman makikipagkita siya kay Mikhail na soon-to-be-husband niya.
"Teka, bakit namumula ka?" Panunukso ng kanyang manager.
"H-huh?? H-hindi po ah" sabay umiwas siya ng tingin dito.
Bakit ba siya pinamulahan ng mukha sa naiisip niya. Magiging asawa niya lang naman ito dahil kailangan niya ito para protektahan siya. Ngunit mas naging mapula ata siya dahil sa naisip niya.
"Sino ba yan at kailangang papulahin ang mukha mo? Sino ba yan para hindi ka sumipot mamaya?" Mapanuksong saad sa kanya nito.
Pilit naman niyang iniiwas ang namumula niyang mukha. Sinisiko-siko siya nito at mas nakakadagdag pa ito sa pagiging mapula niya. Kaya naman umisip siya ng dahilan para makaalis na siya at makaiwas sa panunukso nito.
"A-ah miss cass, magshoshoot na kami. Sige na, basta hindi ako makaksama mamaya." Saad niya dito sabay nagbow upang magbigay galang.
Wala namang nagawa ang manager niya dahil tinawag na rin naman siya ng isang staff. Napabuntong hininga na lamang siya at tinampal tampal ang mukha para mawala ang pagkapula at pagkainit nito.
"Okay, miss Sienna. Ready na, in one! Two! Three!" Sabi ng photographer kaya naman ay bumalik na siya sa pagtatrabaho.
MATAPOS ANG photoshoot pagod si Sienna na humiga sa kanyang sofa at nilaylay ang kamay at paa. Napabuntong hininga naman siya sabay ipinikit ang mata.
BINABASA MO ANG
W#1: LET ME TASTE YOU 《R+18》
RomanceWARNING R+18: W#1《LET ME TASTE YOU》 "All I want is protection but I found out you're the one who need it because of the pain in your heart." - Sienna Alcazar ATTENTION: THIS STORY ARE COMPOSED OF EROTIC SCENES. BEWARE TO THE WORDS I PUT. NOTE: 18...